|
||||||||
|
||
Isinapubliko kamakailan ng Academy of Social Sciences ng Tsina ang unang blue paper hinggil sa mga bagong media. Ang blue paper na ito ay nagpapakita ng tunguhin ng pag-unlad at epektong panlipunan ng bagong media, nagsasalaysay ng kalagayan ng pag-unlad ng mga pangunahing baong media ng Tsina at nagtatalakay ng papel ng mga bagong media sa pagp-uulat ng mga bagay na may mahalagang impluwensia.
Anang blue paper na ito, nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng mabilis na pag-unlad at pagpapalaganap ng internet, ang web media ay mayroon ng mas malakas na impluwensiya sa Tsina sa pagbabalita at pagpapalaganap. Tinukoy pa ng paper na ito na sa katotohanan, nagbago na ang papel ng web media, ang mga ito'y hindi lamang nagpapakita ng mithiin ng mga mamamayang Tsino, kundi maging sa pag-uulat ng mga mahalagang pangyayari at isyu dahil sa malakas na punsyon sa pagbabalita at pagpapalaganap nito. Sa gayo'y ang web media ay nagiging di-mawawalang puwersa sa pag-uulat ng katotohanan at paggigiit ng tamang paninindigan ng opinyong publiko. Kaugnay nito, sinabi ni Liu Ruisheng, isa sa mga awtor ng paper na ito, na
"Sa kasalukuyan, ang web media ay naging di-mawawalang pangunahing media sa Tsina. Ayon sa estadistika, ang bilang ng pagbisita sa website ng mga pangunahing web media ng Tsina bawat araw noong 2009 ay umabot sa 520 milyon na lumaki ng halos 4 na ulit kumpara sa 2002. Bukod dito, naitatag ng 44 na web meida ang bagong tsanel na gumagamit ng mga dayuhang wika para pagbabalita at pagpapalaganap. Ito'y mas mabuting nagpapakita ng isang tunay na Tsina sa ibang mga bansa."
Anang ulat na ang dahilan kung bakit naging pangunhing media ng Tsina ang web media ay nagmula sa matagumpay na pag-uulat sa mga mahalagang pangyayari ng Tsina na gaya ng gawaing panaklolo sa grabeng lindol sa Wenchuan noong 2008 at 2008 Beijing Olympic Games. Ang mga pag-uulat na ito ay nagpapakita ng malakas na punsyon ng web media sa pagpapalaganap at responsibilidad na panlipunan nito, nagpapalawak ng impluwensiya nito sa buong bansa at sumasagisag sa pagiging kompleto ng web media. Ipinalalagay ni Liu na ang mabilis na pag-unlad ng web media ay salamat pa sa paggamit ng mga bagong teknolohiya at paraan sa pagbabalita at pagpapalaganap. Sinabi niya na
"Kasabay ng mga nakakaakit na nilalaman, walang humpay na gumamit ang mga bagong meida ng bagong teknolohiya at paraan para makaantig ng mga users. Ang mga bagong teknolohiya at paraan ay kinabibilangan ng blogs, digital magazine, book at newspaper at mga may kinalamang web service ng mobile hpone. Ang mga ito naman ay mahalagang paraan para ipakita ang puwersa ng mga web media sa pagpapalaganap."
Ayon sa estadistika ng paper na ito, hanggang noong katapusan ng 2009, ang bilang ng mga netizens ng Tsina ay umabot sa 384 milyon, ang bilang ng mga web site ay umabot sa 3.23 milyon at ang bilang ng mga mobile phone users ay umabot sa 747 milyon. Ang ganitong malaking grupo ay nakapagpapasulong ng katayuan ng web media ng Tsina.
Kasabay nito, tinukoy ng blue paper na kasunod ng mabilis na pag-unlad ng web media sa Tsina, unti-unting lumilitaw ang problema na gaya ng kulang sa mga batas na may kinalaman sa pagpapalaganap sa internet, pagsusuri sa katotohanan ng mga balita at pangangasiwa sa kaasyusan ng pagpapalganap. Kaya iminungkahi ng paper na ito na dapat palawakin ang saklaw ng mga umiiral na batas at regulasyon, napapanahong istandardisahin ang mga aksyon sa internet at itakda ang mga espesyal na saligang batas hinggil sa pangangasiwa sa internet at seguridad ng impormasyon sa lalong madaling panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |