|
||||||||
|
||
Sa buwang ito, idinaos sa Beijing ang pambansang pulong ng edukasyon at sa pulong na ito, binigyang-diin ng lideratong Tsino na dapat ipauna ang pagpapaunlad ng edukasyon sa estratehikong pananaw, dagdagan ang laang-gugulin at unti-unting isakatuparan ang pagkakapantay-pantay ng saligang serbisyo ng edukasyong pampubliko. Kasabay nito, ang pulong na ito ay palatandaang opisiyal na sinimulan ang pambansang plano ng pagpapaunlad at reporma sa edukasyon sa medium term at long term.
Sa nasabing pulong, iniharap ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina na dapat maigarantiya ang katayuan ng edukasyong nangunguna sa pag-unlad ng bansa, mapataas ang kalidad ng edukasyon at mapasulong ang pagkakapantay ng edukasyon. Tinukoy pa ni Premyer Wen Jiabao na dapat palalimin ang reporma sa sistemang pang-edukasyon at katigan at patnubayan ang pag-unlad ng edukasyon sa pamamagitan ng batas at regulasyon, patakaran at pondong pampubliko. Kaugnay nito, sinabi ni Wang Feng, mananaliksik ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, na
"Palagiang ipauna ang pag-unlad ng edukasyon. Sa bagong kalagayan at kahilingan sa ika-21 siglo, ang edukasyon ay may mahalagang papel at estratehikong katayuan sa proseso ng pagbabago ng paraan ng paglaki ng kabuhayan ng bansa, pagpapasulong ng progreso ng siyensiya't teknolohiya at pagpapataas ng kalidad ng mga manggagawa."
Ipinalalagay din ni Cheng Fangping, mananaliksik ng National Institute for Educational Research ng Tsina, na ang pagpapaunlad ng edukasyon ay di-maiiwasang kahilingan ng Tsina sa pagharap sa hamon sa hinaharap.
Sapul nang pulong na ito, opisiyal na sinimulan ang pambansang plano sa pagpapaunlad at reporma sa edukasyon sa medium term at long term. Ipinahayag ni Wang Feng na ang planong ito ay nagpapaliwanag ng ideya at direksyon ng pag-unlad ng edukasyon sa hinaharap. Sinabi niya na
"Bilang tugon sa pag-unlad ng edukasyon sa iba't ibang yugto at aspekto, pawang iniharap ng planong ito ang sistematikong target, tungkulin at hakbangin. Kasabay nito, itinakda pa ang maliwanag na hakbangin sa paggarantiya ng reporma at pag-unlad ng edukasyon."
Kaugnay ng ilang kinahakarap na isyu sa edukasyon, ipinahayag ni Yuan Guiren, Ministro ng Edukasyon ng Tsina, na ang pagpapasulong ng pagkakapantay ng edukasyon at pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ay mahalagang gawain sa reporma sa edukasyon sa hinaharap. Sinabi niyang
"Kahit natamo ang malaking progreso sa larangang pang-edukasyon ng Tsina nitong nangakaraang taon, nananatili pa rin ang agwat sa pagitan ng lunsod at nayon. Sa kabilang dako, dapat ipaliwanag ang pamantayan ng kalidad ng edukasyon at pabutihin ang sistema ng pagsusuperbisa sa kalidad nito para komprehensibong mapataas ang kalidad ng edukasyon."
Bukod dito, determinado ang pamahalaang Tsino na ibayo pang idagdag ang laang-gugulin ng usaping pang-edukasyon. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Wang na kung may sapat na pondo, magiging mas mabilis ang pag-unlad ng edukasyon. Sinabi niya na
"Ang pagdaragdag ng pondo sa edukasyon ay, sa isang dako, magkakaloob ng sapat na garantiya sa pag-unlad ng edukasyon, lalo na sa mga mahinang aspekto ng edukasyon noong dati na gaya ng edukasyon sa nayon at bokasyonal na edukasyon; sa kabilang dako naman, ito'y makakatawag ng malaking pansin ng pamahalaan sa iba't ibang antas sa edukasyon sa aspekto ng laang-gugulin."
Sa kasalukuyan, aktibong itinaktakda at isinasapubliko ng mga purok ng Tsina ang mga may kinalamang hakbangin at patakaran. Ipinahayag ng mga dalubhasa sa edukasyon na dapat balangkasin ng sentral na pamahalan ang may kinalamang batas para maigarantiya ang maalwang pag-unlad ng edukasyon ayon sa inaasahang plano.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |