Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, pangangalaga sa kapakanan at karapatan ng mga manggagawa

(GMT+08:00) 2010-08-19 18:22:53       CRI

Sapul nang sumiklab ang pandaigdig na krisis na pinansiyal noong 2008, naapektuhan nang malaki ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga manggagawa ng iba't ibang bansa na gaya ng kalagayan ng paggawa, suweldo, bokasyonal na pagsasanay at iba pa. Sa Tsina ngayon, mayroong halos 300 milyong manggagawa sa iba't ibang induatriya at sila man ay nagbibigay ng malaking ambag para sa sustenable at mabilis na paglaki ng kabuhayang Tsino. Sa kasalukuyan, buong sikap na isinasagawa ng mga trade union ng Tsina ang mga hakbangin para maigarantiya ang mga karapatan at kapakanan ng manggagawa, halimbawa, napapalakas ang bokasyonal na pagsasanay, napapasulong ang pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan at kababaihan, napapsulong ang desenteng trabaho at iba pa.

Sa isang espesyal na simposiyum kamakailan sa Shanghai hinggil sa pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga manggagawa, ipinahayag ni Ni Jianmin, Pangalawang tagapangulo ng All China Federation of Trade Unions, na ang pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng manggagawa at pagpapataas ng kalidad nila ay isang tungkuling hindi dapat antalahin. Sinabi niya na

"Dapat matatag na isakatuparan ng aming mga trade union ang banal na tungkulin ng pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga manggagawa at mapasulong ang pagbabago ng paraan ng paglaki ng kabuhayan patungo sa pagdepende sa progreso ng siyensiya at teknolohiya, pagtaas ng kalidad ng mga manggagawa at inobasyon ng pangangasiwa sa halip ng pagdepende lamang sa pagdaragdag ng konsumo ng enerhiya."

Sa kasalukuyan, umiiral pa ang mga isyu sa pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa, halimbawa, ang pangkalahatang kalidad ng mga manggagawa ng Tsina ay hindi nakakatugon sa pangangailangan ng pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng bansa, napinsala minsan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa, lalo na ng mga babaing manggagawa at mahina ang ideya at kakayahan ng mga manggagawa sa pangangalaga sa sariling lehitimong kapakanan at karapatan.

Dahil dito, itinakda ng All China Federation of Trade Unions ang plano para mapataas ang lebel ng kaalamang siyetipiko ng mga manggagawa at mapabuti ang estruktura ng mga talento at sistema ng pagsasanay.

Bukod dito, ipinahayag pa ni Ni na ang pagpapalaganap ng edukasyon sa mga manggagawa ay pundasyon at paraan para mapawi ang pagtatangi ng kasarian at maisakatuparan ang decent work. Sumang-ayon sa palagay na ito si Ann Herbert, puno ng sangay ng International Labor Organization sa Beijing at sinabi pa niya na ang pagpapalakas ng edukasyon at bokasyonal na pagsasanay ay susi ng pagpapataas ng kakayahan ng mga manggagawa sa paghahanap-buhay at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng mga bahay-kalakal. Sinabi niya na

"Ang edukasyon at bokasyonal na pagsasanay ay nakakapagpataas ng kakayahan ng mga manggagawa sa paghahanap-buhay at paggamit ng bagong teknolohiya at sa pangmalayuang pananaw, ito'y makakatulong sa pagsasamantala ng mga manggagawa sa mas maraming pagkakataon."

Ipinahayag pa ni Ni na ang mga natamong bunga ng Tsina sa larangan ng pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa ay di-mawawala sa pagkatig at pagtulong ng komunidad ng daigdig at dapat pag-aralan sa isa't isa ng mga trade union ng iba't ibang bansa at mga pandaigdig na organisasyon at isagawa ang kooperasyon. Sinabi niya na

"Nakahanda ang mga trade union ng Tsina na ibayo pang mapahigpit ang kooperasyon sa mga trade union ng ibang bansa at pandaigdigang organisasyon para maisakatuparan ang komprehensibong pagpapanumbalik ng kabuhayang pandaigdig sa lalong madaling panahon."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>