|
||||||||
|
||
Mahaba ang kasaysayan ng mapagkaibigang pagpapalagayan ng Tsina at mga bansang Aprikano at ang pagpapadala ng mga boluntaryo sa Aprika ay isa sa mga tradisyonal na proyekto ng Tsina sa pagbibigay-tulong sa Aprika. Noong nakaraang 3 taon, nagpadala ang Tsina ng mga boluntaryo para tulungan ang mga bansang Aprikano sa larangang pang-edukasyon na kinabibilangan ng pag-aaral ng wikang Tsino, teknolohiya ng agrikultura at camputor, palakasan at serbisyong pangkalusugan.
Si Meng Xiangwei ay estudyante ng Yan Tai University ng lalawigang Shandong ng Tsina at siya man ay isa sa mga boluntaryo na ipinadala ng pamahalaang Tsino sa Aprika noong 2009. Kaugnay ng dahilan kung bakit sumapi siya sa grupo ng mga boluntaryong Tsino sa Aprika, sinabi niya na
"Noong bata pa ako, gustung-gusto kong malaman ang pamumuhay ng mga mamamayan sa iba't ibang purok. Kaya kusang loob na akong nagpatala sa pagiging ng isang boluntaryo sa Aprika at nang mapili ako bilang isa sa mga naturang boluntaryo, masayang masaya ako."
Ipinadala si Meng sa Liberia at ang pangunahing gawain niya doon ay pagbibigay-tulong para sa Ministring Panlabas ng Liberia sa pangangalaga sa mga computer at internet. Kkung minsan, pagkatapos ng kanyang trabaho, nagturo si Meng ng mga kaalaman hinggil sa internet sa mga pamantasan sa lokalidad. Sinabi niya na hindi nalalaman pa ang internet ng mga mamamayang lokal at lumang luma ang mga computer na ginagamit sa lokalidad, kaya upang mapangalagaan ang naturang mga computer at internet, sistematikong sinanay niya ang mga Liberian staff sa Ministring Panlabas nito. Salamat sa kanyang pagsisikap, namaster ng mga Liberian staff ng mga saligang kaalaman hinggil sa pangangalaga sa internet at computer.
Sinabi ni Meng na noong una nang dumating sa Liberia, isang di-kilala niyang bansa, naramdaman niya ang pangungulila at dahil kulang sa koryante, mahirap ang kanyang pamumuhay at trabaho doon, datapuwa't mabait ang mamamayang lokal at inaasikaso siyang mabuti. Sinabi niya na
"Noong una nang dumating ako doon, mausisia ang mga mamamayang lokal sa akin. Pero unti-unting nagiging pamilyar kami, naglaro kami ng basketball, football at laging naghuhuntahan. Mabilis na naging kaibigan kami ng mga mamamayang lokal. Halimbawa, nag-heatstroke ako minsan nang maglaro kami ng football sa ilalim ng sumisiklab na araw, agarang inilipat ako ng mga kaibigang Aprikano sa lilim para huminga at nang makita nila na gumagaling na ako, saka . naantig ako."
Ipinalalagay ni Meng na ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga tao ay walang limitasyon sa bansa at kulay ng balat. Sinabi niya na malaking interesado ang mga kaibigang lokal sa kultura, sining ng bayan at iba pang mga bagay ng Tsina at lubos na pinahahalagahan nila ang mga regalo na ibinigay ni Meng. Sinabi niya na
"Lagi nilang ibinigay sa akin ang mga relago na may katangiang lokal at nagbigay din ako ng mga bagay na may katangiang Tsino sa kanila na gaya ng Beijing Opera mask, Chinese knots at iba pa. Nagustuhan nila ang mga ito at lagi nilang ipinakikita ang mga ito sa iba."
Sa kasalukuyan, ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang Aprikano ay pumasok sa mas mataas na antas, bukod sa pagpapadala ng mga boluntaryo roon, ang Tsina ay nagbibigay ng mas maraming tulong sa mga bansang Aprikano sa mga aspeto na gaya ng kabuhayan, teknolohiya, siyensiya, kultura at edukasyon. Sa gayo'y maging mas mahigpit ang pag-uungnayan ng Tsina at mga bansang Aprikano at magiging mas malalim ang kanilang pagkakaibigan sa hinaharap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |