![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Isang linggong hindi tayo nagkita. Kumusta po kayo, mga lovely at kind-hearted Pilipino. Miss na miss ko kayo. Ako si Sissi, ang inyong ever ever happy DJ, iyong inyong ever ever close friend..
Unang-una, gusto kong ipahayag sa lahat ng kaibigan ang aking taos-pusong pasasalamat. Noong pansamantalang nahinto ang aking programa dahil sa national day of mourning o noong naganap ang hostage-taking incident, nakatanggap ako agad ng mensahe o tawag na nagpapahayag ng concern o pakikiramay. May tawag na nagtatanong kung anong nangyari kay ate Sissi. May isang larawan ng kandila sa lugar kung saan ipinopost ang Pop China at may mensahe na nagsasabing sa pamamagitan ng program mo, i am sending my heartfelt sympathy sa mga kamag-anak ng namatay. di ko malaman why it should end this way. No matter what took place in the past at kung anong mangyayari sa mga darating na panahon, malakas ang paniwala ko na pansamantala lang ang kahirapan at walang permanenteng kalungkutan. Kaya, magdasal tayong ma-break-up ang dagim sa itaas ng Tsina at Philippines sa lalong madaling panahon.
Actually, pinaplano ng isang kasamahan ko galing sa Myanmar Service ng CRI na magtravel sa Boracay, siya ang guro ko sa Teakwodo, kung may kaibigang Pilipino na makikita ang isang poging Tsino, hindi mataas at napakapayat, kasama ng kanyang magandang asawa, puwedeng mag-hello sa kanya, haha.
Don't get me wrong, hindi ito programa na tulad ng sa iba na kung saan may mga conversation with good looking Chinese guys and stunning Chinese girls. Kayo'y nasa Radyo Internasyonnal ng Tsina, programang Pop China na buong tapat na inihahatid sa inyo ng serbisyong Filipino. Ako si Sissi, may magandang mukha at kasing-gandang puso. Hee, hee! Ang limang kantang ini-recommend ni Sissi noong nakaraang linggo ay "Hindi ganoon kasimple ang love", ibinigay ng Queen of Pub-Tiger Wong. "Love you, leave you", Dare to say goodbye is another way of love, kinatha at kinatan ng bandang Nuanquan. "Honey Trap", would you like to be the captive ni Jolin Tsai,"Shining"-theme song ng Malaysian Association of Amusement Award-buong lakas na ibinigay ni Michael Wang at "Love is" ang love ay nasa simple at pang-araw-araw na small things na inawit nina Pin Kuan at Valen Xv. Sabi ni min: kung wala si ate sissi kung araw ng linggo, transmission ng serbisyo filipno ay hindi kumpleto. At sabi naman ni shawee: Ate sissi, naku, kailangan ka ng circle of friends mo. welcome back to the fold. Actually, meron ako ng account ng Friendster, pero, sapul nang nagrehistro ako, may dalawang kaibigan lang, er….huwag mababanggit ito...
Ika-3, "Shining"-theme song ng Malaysian Association of Amusement Award-buong lakas na ibinigay ni Michael Wang.
Ika-2, "Love is" ang love ay nasa simple at pang-araw-araw na small things na inawit nina Pin Kuan at Valen Xv.
Ang winner is…"Honey Trap", would you like to be the captive ni Jolin Tsai. Siguro, I do!~ sa MTV ng honey Trap, naging dancing robot si Jolin at nagsasayaw ayon sa kagustuhan ng kanyang boss. Pero, malaki ang pang-akit ni Jolin habang sumasayaw. Na – in love sa kanya ang kanyang boss.. Isang old-fashioned drama plot, kasama ng pinaka-latest na dance style, ang voguing, kawili-wili pa rin. Naipost ko na ang MTV ng Honey Trap sa espesyal na pahina ng Pop China-Mtime. Puwede itong panoorin ng music fans ni Jolin and at the same time, kasiyahan ang pang-akit ng Voguing at ng aming dancing diva-Jolin.
Ang pinaka-wonderful na pangyayari sa daigdig ay habang iniisip mo ang isang tao na matagal na ring nananabik sa iyo. sabi ni pat galing sa atimonan, quezon, phils: na-miss ko ang pop china. na-miss ko si ate sissi. kmzta ka na, ate? Kumusta ka na, Pat. Sa katunayan, noong pangsamatalang tumigil ang aking programa, na-miss din kayong lahat ni Sissi. Pat~pat pat~kontekin si Sissi sa lalong madaling panahon sa pag-iwan ng mensahe o pagteks sa 09212572397. Padadalhan ka ng programang ito ng CD at textbook ng pang-araw-araw na wikang Tsino bilang pasasalamat sa iyong pagkatig at malasakit sa Pop China at serbisyo Filipino.
Maaring hindi kayo pamilyar sa pangalang Emil Chau, pero siguradong pamilyar kayo sa kanyang kantang "Kaibigan." Ang isang kaibigan ko ay walang musical gift, pero nakakanta niya nang maganda ang "Kaibigan." Maliban sa kaibigan, sa kanyang halos 25 taong career bilang isang singer, nakakanta at nakagawa si Emil Chau ng maraming classical songs. Masasabing kinalakihan ng aming 1980s na generation ang kanta niya. Kaya pala, tuwing magdaraos si Emil Chau ng concert, nagiging chorus ang buong stadium at makikitang karga-karga ng mga music fans ang kanilang baby at habang kumakanta si Emil, kumakaway-kaway din ang mga baby. Sabi ni Emil Chau na ito ang kanyang pinaka-moving moment. This time, bago sinimulan ang kanyang concert tour sa buong Asya, espesyal na kinatha ni Emil Chau ang isang bagong kantang "Bulaklak", namulaklak ang pangarap, namulaklak ang kasiyahan. Masarap na masarap sa tenga at puso. Pakinggan mo.
Kung aalis ang isang kaibigan, hinahangad natin ang isang pleasant journey para sa kanya. Pero kung siya ay ex-boyfriend o girlfriend mo, ke magiging tolerant ka o hindi, magsasabi ka ng bon voyage sa kanya? o katulad ni Ariel Lin, gamitin ang karanasan ng pakikipagkalas sa girlfriend at pasalamatan ang lahat ng happiness at sadness na ibinigay niya. No one can live without love, pero, no one lives only for love. Ito ang mga bagay na ipinakikita ni Ariel sa kantang "Pleasant journey".
Be brave at be yourself, ito ang pagsisimula ng isa pang happiness. Nagugustuhan ba ninyo ang mga kantang pinipili ni Sissi para sa inyo? Kontakin si Sissi sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe o pagteks sa 09212572397 at huwag kalimutang bumuto para sa pinakapopular na kanta sa iyong puso. Limang kanta for this week ay "Honey Trap", would you like to be the captive ni Jolin Tsai,"Shining"-theme song ng Malaysian Association of Amusement Award-buong lakas na ibinigay ni Michael Wang at "Love is" ang love ay nasa simple at pang-araw-araw na small things na inawit nina Pin Kuan at Valen Xv, "Bulaklak", bumalaklak ang pangarap, bumalaklak ang kasiyahan, ibinigay ni Emil Wakin Chau at "Pleasant journey", bigyan-wakas ng nakaraang sadness ay para simulan ang bagong pleasant journey, kaloob ng Ariel Lin.
Pumasok na ang tag-lagas, naging napakacomfortable ng panahon sa Beijing at sana maging comfortable na comfortable ang inyong panahon sa bagong linggo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |