Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Summer vacation ng mga batang Tsino

(GMT+08:00) 2010-09-07 21:21:17       CRI

Sa kasalukuyan, nasa summer vacation ang mga batang Tsino at sa halos 2 buwang bakasyon, ang ilan sa kanila ay lubos na nag-enjoy ng kanilang masasayang bakasyon at nagawa ang mga bagay na gusto nilang gawin. Pero para sa ibang mga bata, dapat pumasok sila sa mga training classes na gaya ng kurso ng wikang ingles, math, piano at iba pa at para sa kanila, sa katunayan, wala silang bakasyon.

Si Cui Hongjie ay isang guro ng mababang paaralan ng Beijing. Sinabi niya na kahit mabuti ang nagawa ng kanyang mga estudyante, lagi silang pumasok sa iba't ibang training classes sa panahon ng kanilang bakasyon. Sinabi niya na

"Sa tingin ko, higit sa kalahati ng mga mag-aaral ay pumasok sa ganitong mga classes sa bakasyon, lalo na sa bakasyon bago pumasok sa middle school, kasi dapat maghanda ang natuang mga mag-aaral para sa kanilang unang semestre sa bagong middle school."

Para sa naturang mga mag-aaral na magtatapos ng mababang paaralan, dapat silang maghanda nang mabuti para sa bagong semestre sa middle school, kaya hindi silang makapag-enjoy ng kanilang bakasyon at kailangan pabutihin pa nila ang kanilang kahusayan sa mga classes sa bakasyon. Kaugnay nito, ipinalalagay ni guro Cui na sa bakasyon, maaring gumawa ang mga bata ng maraming bagay na gaya ng paglalakbay, pag-eehersisyo at pagbabasa, kasi ang isang mayaman at masasayang bakasyon ay mas makabuluhan kaysa paglahok sa mga training classes, sinabi niya na

"Sa kasalukuyan, limitado ang kaalaman ng mga bata. Kaya lagi akong nag-eenkorahe sa kanila na palawakin ang kanilang pananaw at subukin na pasangkutin ang kanilang sarili sa mas maraming karunungan."

Pero para sa mga magulang, masalimuot ang pakiramdam nila hinggil sa pagpapadala ng kanilang anak sa mga classes sa bakasyon. Sa isang dako, nag-aalala silang baka lalaki ang presyur para sa kanilang anak kung dadalo sila sa maraming training classes; sa kabilang dako naman, nag-aalala rin silang kung hindi papasok sa mga training classes, maiiwanan ang kanilang anak ng iba mga bata. Kaugnay nito, sinabi ni titser Wan ng Beijing, na

"Ang kalagayang ito ay nakatawag ng malawak na pansin ng lipunan at tinatalakay namin ang buong sistemang pang-edukasyon sa mahabang panahon. Pero, hindi nahanap pa ang isang mabuting kalutasan. Ang mga classes sa bakasyon ay nagpapataw ng malaking presyur, hindi lamang sa mga bata, kundi maging sa kanilang mga magulang, ngunit, nag-aalala ang mga magulang na kung hindi papasukin ang kanilang mga anak sa mga training classes para mag-aral ng mas maraming bagay, baka huhuli sa ibang mga bata ang kanilang anak. Ang kalagayang ito ay nagsulong ng pag-unlad ng mga classes sa bakasyon."

Bukod dito, mapapagod ang mga bata sa pagpasok ng napakaraming classes sa bakasyon at hindi matupad ang inaasahang target nila at mga magulang. Sa katotohanan, ang kahiligan ay pinakamabuting guro para sa mga bata at makakatulong sa pagkakatuto ng mga bata ng mas maraming kahusayan at kaalaman. Dapat piliin ng mga magulang para sa kanilang anak ang mga klase na kanilang kinaiinteresan.

Sa kabuting-palad, narerealisa ng parami nang paraming magulang at guro ang problemang ito at nagsimulang magsikap para baguhin ang kalagayang ito. Umaasang sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap, sa isang dako, mapapahupa ang presyur ng mga bata sa kanilang bakasyon at makakapag-enjoy sila ng mayaman at masayang bakasyon; sa kabilang dako naman, maaaring matuto ang mga bata ng mas maraming bagay na kanilang kinaiinteresan at aktuwal na mapapataas ang kanilang kalidad.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>