![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Nitong ilang araw na nakalipas, nagkaroon ako ng interes sa pagluluto dahil sa isang aklat na nagtuturo sa mga "otaku" o indoor men and women kung paanong magluto ng mga simpleng pagkain. Bago ito, talagang nagluluto na ako ng iba't ibang putahe, pero nang mabasa ko ang librong ito, doon ko lamang na-realize na kawili-wili palang talaga ang pagluluto. Halimbawa, patuloy na naghahanap ang mga lalaki ng pinakaromantikong paraan para mag-propose. Kung mayaman ka, maari mong ibili ng BMW ang girlfriend mo at sabihing: "be my wife." Pero, kung wala kang pambili ng "wheels," maari mo na lang siyang ipagluto ng isang beefsteak with lemon at habang kumakain kuwentuhan mo siya ng ganito: "Noong bata pa ako, may isang baka sa aming backyard at lagi itong pinakakain ni mader ng lemon at pinaiinom ng mineral water. Pagkaraan ng ilang taon, naglasang lemon ang karne ng baka at sinabi sa akin ni mader na, isang araw, kung matatagpuan mo ang true love mo, ipagluto mo siya ng beefstake at maaalala niya ang lasa nito at ang inyong love forever. Kung matatagpuan mo ang right person, she will be moved, o baka maiyak pa nga. Pero kung ang makikita mo ay iyong wrong person—hindi bale, maraming beef sa supermarket at maraming lemon sa palengke. Tawagin mo iyong babaeng hindi makaka-hindi sa iyo.
Actullay, kung ako iyong babae, itatanong ko sa boyfriend ko: "Sa totoo lang, nasaan ang natirang karne? Hehehe, joke, joke lang. Kayo'y nasa serbisyong Filipino ng China Radio International. Ako si Sissi, iyong inyong happy DJ. Balik-tanawin muna natin ang limang kantang ini-recommend sa ating programa noong nakaraang linggo: "Honey Trap", would you like to be the captive ni Jolin Tsai, "Hindi mo alam" na ibinigay ni Lee Hom, you may know something sometime, pero, you can not know all the thing all the time, "Pleasant journey", bigyan-wakas ng nakaraang sadness ay para simulan ang bagong pleasant journey, kaloob ng Ariel Lin. "Love", Isinakripisyo natin ang ating sarili sa iba, pero hindi tayo nag-iwan ng kahit konti para sa ating sarili. "Navigation" na ibinigay ni Li Jian kung saan ipinakikita ang tender sunshine, cool breeze at favorable na tanawin ng tag-lagas sa Setyembre.
Ika-3, "Navigation" na ibinigay ni Li Jian kung saan ipinakikita ang tender sunshine, cool breeze at favorable na tanawin ng tag-lagas sa Setyembre.
Ika-2, "Honey Trap", would you like to be the captive ni Jolin Tsai.
Ang winner is…"Pleasant journey", bigyan-wakas ng nakaraang sadness ay para simulan ang bagong pleasant journey, kaloob ng Ariel Lin. Sabi ni Buddy boy: gusto ko yung pleasant journey. para sa aming seamen ang kanta na yun. lagi kaming nasa gitna ng dagat. Sabi naman ni caroline:\"PLEASANG JOURNEY\" is in effect a life's journey. it refers to the bumpy road that we pass through in life. thanks for playing this song.
Oras na para i-reveal ang masuwerteng tagapakinig for this week. Alam ko na hindi malulubos ang aking pasasalamat sa inyong pagkatig at walang humpay na pagsubaybay sa Pop China sa pamamagitan lamang ng munting pasalubong; pero sana tangkilikin din ninyo ang mga iba pa naming programa dahil anong malay ninyo, tulad ni Melo Acuna na winner ng aming pakontes sa Sichuan, makapunta rin kayo sa China nang walang gastos. Ngayong gabi, padadalhan ni Sissi ng textbook at CD ng "Pang-araw-araw na Wikang Tsino" si …sabi niya…Paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397. Btw, Conrad Fenix, Mark Legion at P.V. Ramana Rao, mga pasalubong para sa inyong lahat ay papunta na diyan sa Philippines.Pls check you mailbox now and then..Para naman doon sa mga hindi sinusuwerte, huwag kayong mag-alala, laging naalaala ni Sissi ang iyong kindness.
Sa simula, tinalakay natin ang pagluluto. Ipagpatuloy natin ang paksang may kinalaman sa pagkain. Gusto ba ninyo ng onion? Iyong sibuyas? Sa appearance, maganda ang kulay nitong purple o orange, pero pag binalatan at ginayat ito, maluluha ka dahil sa mapakla nitong amoy. Pag naluto naman, nagiging matamis ang lasa at nagiging perfect match para sa karne. Sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga taong maihahalintulad sa sibuyas; maganda pero bad tempered. Pero, pag naging magkaibigan kayo, the two of you become perfect match. Don't get me wrong, ha? Hindi ko sinasabi na kayo ang "karne" rito, hahaha. Ang bagong kantang Sibuyas ni Della ay tumutukoy sa ganitong tao. Iyong lovely baby na nangangailan ng mas maraming love at tunay na tiwala sa kanya.
Sa simula, nasasabi ko rin na ang darating na Miyerkules ay middle-autumn festival ng Tsina. Ito ay araw rin ng pagdiriwang para sa masaganang ani at araw ng pagsasama-sama o reunion. The moon is rising up above the sea .Although we are far away from each other, we share the same time. Ang kantang "same time" na magkakasamang kinanta nina Karen Mok, galing sa Hong Kong, Shin, galing sa Taiwan, Chris Lee, galing sa mainland Tsina at JJ Lin, Singapore. Needless to say, alam ko na alam ninyo, na ito ay espesyal na kanta para sa Mid-Autumn Festival. Ready? Let's party!
Matatapos na ang programa natin ngayong gabi. Hindi na natin aabutan ang Mid-Autumn Festival, pero hindi aalis si Sissi. Hihintayin niya ang inyong mga mensahe sa Filipino.cri.cn. Muli, advance Happy Mid-Autumn Festival. Sana matamis ang iyong pamumuhay, malusog ang iyong katawan at Bon appetite!~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |