![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Magandang magandang gabi po, mga lokong-loko at lokang-lokang music fans. Tuwing Linggo ng gabi, welcome na sumama kay Sissi at magkasamang kasiyahan ninyo ang excitement at moving moments na inihahatid ng music.
Bukod sa Spring Festival, baka ngayon ang pinaka-exciting moment ng taon para sa mga mamamayang Tsino. Salamat sa pambansang araw, maari nilang gawin ang lahat ng gusto nilang gawin sa loob ng pitong araw na bakasyon. Tuwang-tuwa si ate Jade, puwede silang lumabas ng kanyang lovely na anak na babae. Tuwang tuwa si Sissi, puwede niyang mabisita ang kanyang mga uncle at auntie. Tuwang tuwa rin si pogi Chef Liu Kai dahil nakabalik na ang kanyang asawa from abroad. At kung meron mang tao na hindi masaya siguro iyon ay si Kuya Ramon, kasi he is scheduled to work during the holidays, hahaha. But he seems to be happy working during the holidays. Bakit kaya? It's for you to find out…
Hehe, kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng China Radio International. Ako si Sissi, iyong inyong happy DJ. Balik-tanawin muna natin ang limang kantang ini-recommend sa ating programa noong nakaraang linggo: "Pleasant journey", bigyan-wakas ng nakaraang sadness ay para simulan ang bagong pleasant journey, kaloob ng Ariel Lin. "Honey Trap", would you like to be the captive ni Jolin Tsai, "Navigation" na ibinigay ni Li Jian kung saan ipinakikita ang tender sunshine, cool breeze at favorable na tanawin ng tag-lagas; "Sibuyas" ibinigay ni Della na tumutukoy sa mga maganda pero bad tempered na tao na nangangailan ng mas maraming love at tunay na tiwala; "Same Time", espesyal na kanta para sa Mid-Autumn Festival. Sabi ni mercy: thank you for the music. i think everything in this world will go sometime except music.
Ika-3, "Sibuyas" sa pag-awit ni Della Ding. Actually, habang pinakikinggan ko ang kanta niya, medyo kinakabahan ako baka masira ang sound box ko dahil talagang napakataas ng boses niya.
Ika-2, "Navigation" ni Li Jian kung saan ipinakikita ang tender sunshine, cool breeze at favorable na tanawin ng tag-lagas.
The winner is…"Pleasant journey," bigyang-wakas ang nakaraang sadness at simulan ang bagong pleasant journey na kaloob ni Ariel Lin.
Ang masuwerteng takapakinig para sa gabing ito ay si Lara: "Happy mid-autumn festival, ate sissi. may you stay as sweet and as beautiful as you are!" DON'T GET ME WRONG! Siya ang masuwerteng tagapakinig hindi dahil sa kanyang papuri kay Ate Sissi, kundi dahil siya ang unang-unang nag-iwan ng mensahe sa aming message board noong nakaraang episode. Mahirap talagang mag-decide kaya sa tingin ko mas mabuti kung "first come first served" na lang, hahaha… Ok, Lara, paki-iwan lang ang iyong address sa aming message board o iteks mo sa amin sa 09212572397.
Si Yico ay isang controversial singer. Hindi siya kagandahan. Parang boyish ba ang dating. Hindi rin talagang mahusay kumanta. Madalas pa ngang ma-out of tune. Pero, meron siyang isang incomparable advantage over other singers—siya ay may special talent sa pagkatha. Simpleng lyrics, repeated rhythm, merong force that can touch your heart. Ang inspiration ng bago niyang kantang "Night Train" ay galing doon mismo sa kanyang personal na karanasan. Isang araw, nalasing ang kanyang kaibigan at isinakay niya ito sa bisikleta pauwi. Habang nasa daan, para hindi siya antukin, walang hintong kinakausap niya ang kaibigan. Pag dating ng bahay, pagkaraang maihatid ang kaibigan, agad agad na sinulat niya ang kantang ito. Gaya ng dati, madaling sundan at masarap sa tenga.
Magandang umaga. Iyan ang unang wish na nari-receive natin first thing in the morning at unang greeting sa isa't isa sa pagsisimula ng isang bagong araw. Pagkaraang bumangon, sa inyong paghahanda ng isang mainit na kape, huwag kalimutang lagyan ng gatas ang inyong kape. At habang hinihigop ang mainit na kape na may gatas, sa masarap na amoy nito batiin ninyo ang inyong mga kasambahay ng "magandang umaga!"—ganito kainit (sing-init ng kape) ang damdaming gustong ihatid sa atin ng bandang Coffe and Milk.
Habang pinakikinggan ang kantang "Magandang Umaga" ng Coffee and Milk, don't you notice na parang gumagaang at lumiliwanag ang inyong mood? Sana mag-spread ang feeling na ito sa lahat ng inyong kapamilya at kaibigan.
Sa ika-2 bahagi ng programang Pop China ngayong gabi, isang request. Sabi ng mensahe ni Dingdong: hi, ate sissi! paki greet naman friend ko si jeremiah. nagcelebrate siya ng birthday last sept. 19. Wishing you and all the listeners a safe and happy life. Sori, Dingdong, ngayon ko lang nakita ang request mo. pero, better late than never, di pa? Happy Birthday belated to Jermiah. Isang kantang filled up with love-Happy Birthday para kina lovely Jeremina at Dingdong. Sana manatili ang inyong pagkakaibigan forever. Sa saliw ng kantang ito, matatapos an gaming progrema para sa gabing ito.Ito si Sissi, na nagpapaabot sa inyo ng kanyang best wishes mula sa Beijing. Sana manatiling malusog, matatag, masaya, maganda at magaling kayong lahat sa pagsapit ng bagong linggo. See u next week~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |