|
||||||||
|
||
Naisip na ba ninyo kung ano ang susuutin ninyo sa Halloween? Noong bata pa ako, parang gustung-gusto ko ang ayos ng mga fairies, prinsesa, peter pan. Noong maging teenager, ang witch, skull at ghost ay napaka-cool at may characteristic. Sa darating na Halloween, anu-ano kaya ang magiging pinaka-fashionable na kasuotan? Kung may Halloween party, baka magsuot ako ng costume ng vampire. Parang madali lang gawin. Pulbosan mo lang nang walang kasing-kapal ang iyong mukha, tapos maglagay ng dalawang maiitim na eye line at gawing tipong bloody ang lips. Gamitin ang lahat ng makikitang make-up item sa make-up bag ng inyong nanay, girlfriend, asawa… Teka, something is lacking. Ah…A throw-away hair dye. Tutulungan nitong magkulay ginto ang inyong buhok. Mirror, Mirror, kumusta ang aking costume para sa Halloween party? ! Perfect na perfect! Malalaman ninyo dito na si Sissi ay tagahanga ng Twilight of Saga~I love Vampire~particularly, Edward~
Kung may kamahalan ang inyong foundation, it's good idea na gumamit ng flour. Natural, walang additives at mura. Hee hee, Natatandaan pa ba ninyo ang limang kantang ini-recommend ni Sissi noong isang linggo? "Night Train", isang kantang madaling sundan at masarap sa tenga na ibinigay ni Yico "Navigation" na ibinigay ni Li Jian at kung saan ipinakikita ang tender sunshine, cool breeze at favorable na tanawin ng tag-lagas; "Sibuyas" ibinigay ni Della na tumutukoy sa mga maganda pero bad tempered na tao na nangangailan ng mas maraming love at tunay na tiwala; kasiyahan ang katatagan at kapayapaan ng puso na hatid ng kantang "Dongquan" o "Silangang Spring" na inawit ni Qiqigema at "Graceful Break-up", na inihahatid ni Malasiyan Singer Rynn- never feel sorry until you lost the best one for you. Sabi ni Arrabele: Ate sissi, cool na cool program mong pop china. i always long for it. Sabi naman ni buddy boy: lahat kami sa m/v aldavaran sumusubaybay sa pop china at gabi ng musika. ipinagmamalaki namin kayo. kayo ay tunay na BRIDGE OF FRIENDSHIP BETWEEN CHINESE AND FILIPINOS. Unending ang aking pasasalamat sa inyong pagkatig at encouragement. It's you, mga takapakinig, who make my life happy and sound…
Ika-3, "Sibuyas" ibinigay ni Della na tumutukoy sa mga maganda pero bad tempered na tao na nangangailan ng mas maraming love at tunay na tiwala.
Ika-2, kasiyahan ang katatagan at kapayapaan ng puso na inihahatid ng kantang Dongquan o silangang Spring na inawit ni Qiqigema.
Ang winner is…"Night Train", isang kantang madaling sundan at masarap sa tenga na ibinigay ni Yico. Sabi ni mato: 100 percent guaranteed support for the song night train. simple and regular melody.
Si Zhang Yimou ay unang Chinese film director na nagwagi ng Golden Lion award sa Venice Film Festival at ng Golden Bear sa Berlin Film Festival. Siya rin ang tinatawag na unang tao na nagdala ng pelikulang Tsino sa daigdig. Noong bakasyon ng pambansang araw, ipinalabas ni G. Zhang ang bagong obrang "Under the Hawthorn Tree" na nagna-narrate ng isang pure but sad love story.
Ang naririnig ninyo ay theme song na "Hawthorn Tree" ng bagong pelikula ni Zhang. Ito ay re- modified ayon sa isang old rhythm ng former Soviet Union. Btw, ang singer ng kantang ito, Si stone Chang ay ang original singer ng theme song ng Beijing Olympic Games-"You and Me" Napakababa ng kantang ito, pero, tiyak na mararamdaman niyo ang pureness at sadness sa melody.
Sori po, ibinabalik ko kayong lahat sa panahon ng beautiful love story na naganap sa henerasyon ng aking tatay at nanay, mga 1950's o 1960s. Kumpara sa kanila, nahihiya ako sometimes, nakaranas ang aking tatay at nanay ng maraming maraming kahirapan, kaya, napakalakas ng puso, napakatibay ng determinasyon at matapat sa pamilya. Ang aming henerasyong isinilang sa katapusan ng 1970s o 1980s, unang henerasyon ng one child family, ay self centered, kulang sa self-dependence at too playful with everthing—even with love.
Ang kantang "womanizer" ni Jolin Tsai ay kanta, na walang dula, para sa aming generation. Lalong lalo na sa mga batang isinilang sa 1990s, matanda na ang aming 1980s generation.
Laging sinasabi ni Kuya Ramon, "May pakpak ang panahon." Ok, hindi na ako dapat ituring na bata. Pero, age lang iyon. Bata pa ang aking puso at appearance. Haha. limang kanta for this week: "Night Train", isang kantang madaling sundan at masarap sa tenga na ibinigay ni Yico; kasiyahan ang katatagan at kapayapaan ng puso na inihahatid ng kantang Dongquan o silangang Spring na inawit ni Qiqigema; "Sibuyas" ibinigay ni Della na tumutukoy sa mga maganda pero bad tempered na tao na nangangailan ng mas maraming love at tunay na tiwala; "Hawthorn Tree" theme song ng bagong pelikula ni G. Zhang Yimou na inawit ni Stone Chang at "womanizer" na ibinigay ni Jolin Tsai, gustong patugtugin ito sa mga batang isinilang pagkaraan ng 1990s. Bumisita sa Filipino.cri.cn at mag-iwan ng inyong mensahe sa message board ng Pop China; o magteks sa 09212572397, sabihin sa akin kung anu-anong gusto ninyong marinig.
Hey…huwag sarhan ang inyong radyo. Hindi pa tapos ang ating programa ngayong gabi. May request tayo~
Sabi ni rachelle: narinig ko pinatugtog ni kuya rj yung ten young firefighters by eason chan. puwede patugtugin uli jan sa pop china?
Isang kataka-takang pangalan, isang kataka-takang kanta, para sa iyo, Rachelle. Sana… ano ang wishes mo? Sana magkatotoo ang iyong wishes at sa saliw ng kantang ito, kita-kits tayo. God Bless and love you all~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |