Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tropang Tsino, aktibong lumalahok sa pandaigdiang makataong tulong

(GMT+08:00) 2010-10-19 15:14:51       CRI

Ang sandatahang lakas ng Tsina ay palagiang naggigiit ng depensibong patakaran ng tanggulang-bansa. Nitong ilang taong nakalipas, ang trobang Tsino ay mataimtim na nagpapatupad ng pandaigdig na tungkulin at aktibong lumalahok sa pandaigdigang makataong tulong. Masasabing ang tropang Tsino ay positibong puwersa sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig. Ipinahayag kamakailan ni Geng Yansheng, tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na sa hinaharap, patataasin ng tropang Tsino ang kakayahan sa pagsasagawa ng pandaigdigang makataong tulong at higit pang magsisikap para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng buong daigdig.

Nitong ilang taong nakalipas, ang paglahok ng mga kawal sa pandaigdig na pagliligtas ay nagiging kinikilalang kaugaliang pandaigdig at ang tropang Tsino ay gumaganap ng palaki nang palaking papel sa paglahok sa mga pandaigdigang makataong tulong. Kaugnay nito, inilahad ni Geng na upang mabisang naisagawa ang pandaigdigang makataong tulong, espesyal na itinatag ng pamahalaan at hukbong Tsino ang isang mekanismo para sa pakikipagkoordin sa gawain ng mga departamento. Sinabi niya na,

"Sapul nang magkaloob ng relief supplies sa Afghanistan noong 2002, 23 beses na isinagawa ng mga tropang Tsino ang tungkulin sa pandaigdig na makataong tulong at naghatid ng mga relief supplies sa nasalantang rehiyon. Halimbawa sa gawaing panakolo sa Haiti, nagpadala ang panig militar ng Tsina ng grupong medikal para isagawa ang pangkagipitang pagliligtas, paggamot ng mga sakit at pagpigil sa epidemiya. Ang mahuhusay na gawain nila ay popular na pinapurihan ng grupo ng UN sa Haiti at mga sinalatang mamamayang lokal."

Si Wang Hongguo ay isang military officer ng tropang Tsino at siya man ay miyembro ng Chinese International Rescue Team. Ilang beses na siyang nakalahok sa gawaing panaklolo sa ibayong dagat. Sinabi niya na

"Nagkaroon kami ng mga mabuting pasilidad para sa gawaing panaklolo at ang mga pasilidad na ito ay nagpatingkad ng malaking papel sa mga mahihirap na kalagayan. Kaya nakakagawa kami ng gawaing panaklolo sa iba't ibang kalagayan at naisasakatuparan naming nang mas mabuti ang aming tungkulin."

Sa mga likas na kapahamakan, ang lindol ay hindi lamang nagbubunga ng malaking kasuwalti at kapinsalaan ng ari-arian, kundi nagdudulot ng malaking kahirapan sa gawaing panaklolo. Kaya ang mga tropa ay unti-unting nagiging pangunahing puwersa sa gawaing panaklolo sa nilindol na purok dahil sa mahuhusay na pasilidad at epektibong aksyon nito. Kaugnay nito, ipinahayag ni Huang Jianfa, opisiyal ng Pambansang Kawanihang Seismolohikal ng Tsina, na ibayo pang mapapataas ng kanyang bansa ang kakayahan sa gawaing panaklolo. Sinabi niya na

"Sa kasalukuyan, ang rescue team ng mga bansa na kiabibilangan ng Tsina ay nabuo sa pundasyon ng mga tropa. Datapuwa't sa pagharap sa mga napakagrabeng lindol na gaya ng lindol sa Wenchuan, kailangan pa ang pagpapataas ng kakahayan ng aming pambansang rescue team sa gawaing panaklolo. Kaya ipinasiya ng pamahalaang Tsino na dagdagan ng 1 ulit ang bilang ng mga rescue personnel at ilaan ang 100 milyong yuan RMB para bumili ng mga mas sulong na pasilidad."

Bukod dito, pinahahalagahan ng hukbong Tsino ang pagsasagawa ng pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa labas sa larangan ng gawaing panaklolo. Kaugnay nito, sinabi ni Geng na

"Sa mapayapang panahon, ang paglahaok sa pandaigdigang makataong tulong ay nagiging mahalagang paraan sa paggamit ng puwersang militar at ang pagsasagawa ng pandaigdigang kooperasyon ay nagiging di-maiiwasang pagpili ng iba't ibang bansa sa pagharap sa mga grabeng kalamidad. Nakahanda ang hukbong Tsino na pahigpitin, kasama ng hukbo ng ibang bansa, ang pagpapalitan at pagtutulungan para magkakasamang mapataas ang kakayahan sa gawaing panaklolo."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>