Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkaraan ng M&A, saan patungo ang Geely at Volvo?

(GMT+08:00) 2010-10-19 19:13:07       CRI

Noong Marso ng taong ito, pormal na nilagdaan ang kasunduan hinggil sa merger at acquisition (M&A) ng Geely Group ng Tsina at Volvo Company ng Sweden, 100% shareholding ng Volvo Co. ang binili ng Geely Group sa halagang 1.8 bilyong dolyares.

Mula noon, kalahating taon na ang nakalipas, at ayon sa pinakahuling pahayag ng Geely, noong unang hati ng taong ito, ang bilang ng benta ng kotse ng grupong ito ay umabot sa 190 libo, na lumaki nang 42% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon at umabot sa 0.8 bilyong yuan RMB ang net profits nito na lumaki nang 35% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Pero, ang paglaki nito ay pangunahing galing sa benta ng 3 uri ng kotse na Geely Vision, Shanghai Englon SC 7 at Geely Emgrand EC 7. Ito ngayon ang tanong: Anong papel ang pinatitingkad ng Volvo para sa Geely?

Ayon sa ideya ni Li Shufu, presidente ng Geely Group, matatamo ang win-win situation ng kapuwa panig sa pamamagitan ng "marriage." Sa isang dako, maaaring mapasulong ang upgrading ng bahay-kalakal ng Tsina ng ganitong prudukto at serbisyo; at sa kabilang dako naman, makakapagbigay-tulong ito sa Volvo para makapagtamo ito ng foothold sa emerging Chinese market.

Gumawa ng pag-aanalisa si Li Xiaofei, executive vice editor-in-charge ng " Auto Sports Magazine" na nagsasabing:

"Ang pinag-iisipan ni Li Shufu, presidente ng Geely Group, ay kung paanong matututuhan ang karanasan sa pangangasiwa at maunlad na teknolohiya ng Volvo, isang international brand na may mahabang kasaysayan. Kaya, ipinahayag ng Geely na pananatilihin nito ang original production line at modelo ng pangangasiwa ng Volvo at maayos na aangkatin nito ang teknolohiya ng Volvo para mapabuti nito ang kanyang produksyon. Sa tingin ko, ang "marriage" ay nagpapakita ng win-win situation."

Napag-alaman mula sa kasunduan ng pagbili na bukod sa pagpapanatili ng mga pabrika ng Volvo sa Sweden at Belgium, magtatayo rin ng marami pang pabrika sa Tsina sa angkop na panahon. Pero, ayon kay Yuan Xiaolin, tagapagsalita ng proyekto ng pagbili ng Geely na hindi pa natatagalan pagkaraang mabuo ang bagong working team ng Volvo company, kaya nangangailangan pa ng mahaba-habang panahon bago maisagawa ng management team ang kanyang tungkulin. (The new Volvo working team has just only been put in place and it will take some time for the management team to perform its functions). Ipinahayag din niyang ang pagpili ng address ng mga bagong pabrika ay pagpapasiyahan ng board of directors, kaya, hindi maitatayo ang mga ito sa malapit na hinaharap.

Pagkaraan ng merger at acquisition, may malaking hamong kinakaharap ang Geely. Una sa lahat, walang karanasan ang Geely sa pagpasok sa pandaigdig na pamilihan at ika-2, kulang ang kakayahan nito sa produksyon ng high-end automobile. Samantala, mayroon ding hamong dapat kaharapin ang Volvo. Nitong ilang taong nakalipas, ang karaniwang halagang nalugi dito bawat taon ay umabot sa 1 bilyong dolyares.

Sinabi ni Li Xiaofei, isang tagapag-analisa sa automobile circle na:

"Ang pinakamalaking hamong nakatuon sa Geely ay kung papaanong mapapasulong ang pag-ahon ng Volvo."

Gayon pa man, ang pagbili na ito ay naging pinakamalaking M&A ng industrya ng automobile ng Tsina sa ibayong dagat at ito ay nangangahulugan ng pormal na pagpasok ng industriyang ito sa daigdig. Ang M&A ng Geely at Volvo ay magbibigay-tulong sa bahay-kalakal ng kotse ng Tsina sa pagpabubuti sa sarili.

Ayon pa sa pag-aanalisa ng isang personahe mula sa industriya ng kotse na si Li Xiaofei na:

"Nagkaloob ang 'marriage' na ito ng bagong karanasan sa mga bahay-kalakal sa Tsina at iba pang bansa. "

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>