Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Industriya ng paglilimbag ng Tsina, pumapasok sa daigdig

(GMT+08:00) 2010-10-23 16:46:45       CRI

Idinaos kamakailan sa Beijing ang 5 araw na ika-17 Beijing International Book Fair o BIBF at sa peryang ito, itinanghal ang mga natamong bunga ng industriya ng paglilimbag ng Tsina sa mga larangan ng copyright, publikasyon, e-book at iba pa para ipakita sa buong daigdig ang bukas at mabungang pamilihan ng paglilimbag ng Tsina.

Sa kasalukuyan, aktibong nakikisangkot ang industriya ng paglilimbag ng Tsina sa pamilihan ng paglilimbag ng buong daigdig. Kaugnay ng mga pangunahing aklat na aktibong ipinalalaganap at inilalathala ng industriya ng paglilimbag ng Tsina sa ibayong dagat nitong ilang taong nakalipas, sinabi ni Nie Zhenyu, puno ng China Publishing Group o CNPUBG, na

"Sa kasalukuyan, nagpapalaganap kami, pangunahin na, ng 2 uri ng mga libro sa ibayong dagat. Ang isang uri ng mga libro ay may kinalaman sa tradisyaonal na kulturang Tsino, dahil ang tradisyonal na kulturang Tsino ay nakatawag ng palaki nang palaking pansin ng buong daigdig at umaasa ang mga mambabasang dayuhan na makikita ang dahilan kung bakit naganap ang malaking pagbabago sa Tsina mula sa tradisyonal na kulturang Tsino. Ang isa pa ay nagpapakita ng pagbabago ng Tsina sa kasalukuyan, kasi may responsibilidad kami na ipakilala sa daigdig ang tunay na pamumuhay ng mga mamamayang Tsino sa kasalukuyan. Sa aspektong ito, natamo na namin ang ilang bunga."

Sa kasalukuyan, naitayo na ng CNPUBG ang mga iba't ibang uri ng bookstore sa Paris, Sydney, London, Frankfort, New York, Seoul, Tokyo at Vancouver para magpromote at magbenta ng mga libro ng Tsina sa lokalidad. Noong 2009, inilathala sa Sydney ng CNPUBG ang 17 uri ng libro na nagpapasalaysay ng kultura, kasaysayan at mga matulaing purok ng Tsina at ang mga librong ito ay mainit na tinanggap sa Australia.

Kaugnay ng pagpasok ng mga libro ng Tsina sa pamilihan ng ibayong dagat, ipinalalagay ni Nie na ito'y nangangailangan, hindi lamang ng pagluluwas ng mga libro sa labas at kalakalan ng copyright ng mga libro, kundi pagpopromote, paglalathala at pagbebenta ng mga libro ng Tsina sa pamilihan ng ibayong dagat. Sinabi niya na

"Ang pangunahing paraan ng pagpasok ng industriya ng paglilimbag ng Tsina sa daigdig ay direktang pagtatayo ng mga palimbagan sa ibang bansa at pagbili ng mga kilalang palimbagan sa lokalidad. Sa pamamagitan ng direktang paglilimbag at pagbebenta ng mga libro ng Tsina sa lokalidad, mas mabuting ipinalalaganap ang mga libro ng Tsina na nagpapakilala ng kultura, kasaysayan at ibang mga bagay ng bansa."

Halimbawa, noong ika-31 ng Agosto ng taong ito, lumagda sa isang kasunduan ang CNPUBG at Tohang, pinakamalaking palimbagan at kompanya ng Hapon na nag-aangkat at nagluluwas ng mga libro, para maitayo ang joint venture enterprises na namamahala sa paglalathala at pagbebenta ng mga libro ng Tsina sa Hapon at ito naman ang makakatulong sa mas mabuting pagpasok ng mga libro ng Tsina sa pamilihan ng lokalidad.

Kaugnay ng papel ng E-publish sa pagpapalaganap ng mga libro ng Tsina sa ibayong dagat, nagbigay si Nie ng mataas na pagtasa. Sinabi niya na

"Nasa digital time na ang daigdig. Kaya ang pagpasok ng industriya ng paglilimbag ng Tsina sa daigdig ay nangangahulugang hindi lamang pagpasok ng mga palimbagan at publikasyon sa daigdig, kundi maging sa paggamit ng modernong paraan ng pagpapalaganap. Sa kasalukuyan, naitayo na ang aming grupo ng mga may kinalamang website para magkaloob ng mga E-book sa mga mambabasa."

Ayon sa salaysay, hanggang noong katapusan ng 2009, 90% ng mga limbagan ng Tsina ay nagkaroon ng serbisyo ng E-book at sa kasalukuyan, ang pagpasok ng industriya ng paglilimbag ng Tsina sa ibayong dagat ay gumaganap ng palaki nang palaking papel sa pagpapakita ng tunay na Tsina sa daigdig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>