|
||||||||
|
||
Kasunod ng pagpapalaganap ng higher education sa Tsina, ang isyu ng paghahanap-buhay ng parami nang paraming bagong gradweyt ng mga kolehiyo at pamantasan ng Tsina ay unti-unting nakatawag ng malaking pansin ng mga tao. Noong nagdaang Hulyo ng taong ito, ang kabuuang bilang ng mga bagong gradweyt ng kolehiyo at pamantasan ng Tsina ay lumampas sa 7 milyon. Kaugnay nito, Ipinahayag kamakailan ni Yin Chengji, tagapagsalita ng Ministri ng Human Resources and Social Security ng Tsina, na bago ang katapusan ng taong ito, isasakatuparan ang pagkahanap-buhay ng di-kukulangin sa 80% ng naturang mga gradweyt.
Sinabi ni Yin na dahil ang bilang ng mga bagong gradweyt sa taong ito ay naging rekord sa kasaysayan at nananatili pa rin ang epekto ng krisis na pinansiyal, sinimulan na ng kanyang departamento ang pagpapasulong ng hanap-buhay ng naturang mga gradweyt. Sinabi niya na,
"Sa kasalukuyan, nagtutulungan kami ng mga may kinalamang departamento para mapasulong ang hanap-buhay ng mga gradweyt at sa pamamagitan ng mga plano na gaya ng pagsasagawa ng pagsasanay na bokasyonal, pamamatnubay sa pagsisimula ng negosyo at pagkakaloob ng impormasyon ng trbaho, isasakatuparan ang pagkakahanap-buhay ng di-kukulangin sa 80% ng mga bagong gradweyt sa loob ng taong ito."
Ayon sa estadistika, hanggang noong nagdaang Hulyo, may 4.56 na milyong bagong gradweyt ay nagkahanap-buhay at ang bilang ito ay katumbas ng 72% ng kabuuang bilang ng mga bagong gradweyt.
Bilang tugon sa mga bagong gradweyt na hindi pa nagkahanap-buhay, magkakasamang isasagawa ng mga departamento ng Tsina ang mga hakbangin para tulungan silang magkahanap-buhay. Halimbawa, sa huling hati ng taong ito, i-oorganisa ng Ministri ng Human Resources and Social Security ng Tsina ang paglahok ng 350 libong gradweyt sa pagsasanay na bokasyonal para mapataas ang kanilang kakayahan sa paghahanap-buhay at dagdagan ang kanilang pagkakataon. Kaugnay nito, sinabi ni Wang Xiangqian, isang dalubhasang Tsino, na
"Gumagamit ang pamahalaang Tsino ng mga hakbangin sa iba't ibang panig para mapasulong ang hanap-buhay ng mga gradweyt. Halimbawa, pagkatig sa pagsisimula ng negosyo, pagkakaloob ng pagsasanay para sa pagpapataas ng kakayahang bokasyonal at iba pa. kahit nagiging malaki ang presyur sa paghahanp-buhay ng mga gradweyt, gumagamit ang pamahalaang Tsino ng mga hakbangin para magkahanap-buhay ng mas maraming bagong gradweyt."
Kasabay nito, nagbabago ngayon ang ideya ng mga bagong gradweyt sa paghanap-buhay. Ang parami nang paraming gradweyt ay nagsimulang pumili ng paghahanap-buhay sa mga magkakapitbahayan at nayon. Isinasagawa ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina ang espesyal na plano ng pangangalap ng mga guro para sa nayon. Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang planong ito sa 21 lalawigan para mangalap ng 66 libong gradweyt na nagiging guro sa mga nayon.
Bukod dito, maliit ang presyur ng paghahanap-buhay sa dakong gitna at dakong kanluran ng Tsina at mababa ang gastusin sa pamumuhay doon, kaya pumili ang ilang bahagi ng gradweyt na naghahanap-buhay sa naturang purok. Si Zhang Lun ay isang bagong gradweytng Tsino at pinili niyang magtrabaho sa Xianyang, isang lunsod sa dakong kanluran ng Tsina. Sinabi niya na
"Sa tingin ko, ang happiness index dito ay mataas, dahil kombiyente ang komunikasyon, mura ang bahay at mababa ang gastusin sa pamumuhay."
Bukod dito, maitatatag ng mga may kinalamang departamento ng Tsina ang sistema ng serbisyo para sa pagkakaroon ng trabaho upang tulungan ang mas maraming bagong gradweyt sa paghahanap-buhay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |