Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-36 2010

(GMT+08:00) 2010-10-24 17:41:03       CRI

Kung makakaramdam kayo ng ihip ng "cool breeze" habang nakikinig sa Pop China ngayong gabi, iyon ang mensaheng gustong ihatid sa inyo ni Sissi Ingat po. Huwag hahayaang dapuan kayo ng sipon. At kung kapitan man kayo ng sipon, sana makaramdam kayo ng warmth habang nakikinig ng Chinese pop sa Pop China. Ako si Sissi, ang inyong ever, ever happy DJ.

Nagtanong si chena: hi ate sissi! ano ba weather condition jan? mabuti di kami napuruhan ni megi. biglang humina, hehehe. Hindi naapektuhan ni megi ang Beijing, pero, dahil sa malakas na cold air, nag-uulan din dito. Gustung-guto kong pagmasdan ang red leaves sa kanugnog na purok ng Beijing, pero laging napo-postpone ang planong pagpunta doon dahil sa pagkakabalisa sa klima, kaya pumili na lang kami ng nanay ko ng isang indoor activity-window shoping sa supermarket. Tuwing lalabas, iniisip naming walang anumang bagay na dapat bilhin, pero, ang nangyayari naman ay may dala rin kaming malaking big shopping bag na punung-puno ng gulay, snack food at iba pa. Noong isang taon, sa isang New Year party, may isang guessing game. Ipinakikita ng organizer ang isang paninda at pinahuhulaan sa participants ang presyo nito. Ang mananalo ay iyong makakahula ng pinakamalapit sa aktuwal na presyo at ang premyo ay iyong item na pinahuhulaan ang presyo. Natatandaan ko pa na sa bandang huli, dalawang tao na lang ang humuhula—ako at isang lalaki. Patuloy na itinataas ng nagpapahula ang presyo, pero ibinababa ko naman. Finally, nanalo ako. Mataas lamang ng 2 RMB ang hula ko sa aktuwal na presyo.. Natamo ko ang isang juicer. Puwedeng sabihing ito ang "by-product" ng aking pagwi-window shopping.

Sa katunayan, gusto kong bumili ng juicer bago ang naturang guessing game, pero hindi lang ako makapili-pili kung alin ang maganda. Para namang strange coincidence, I got one for free…Teka, lumalayo ata ang usapan…Ang limang kantang recommended last week: "Night Train", isang kantang madaling sundan at masarap sa tenga na ibinigay ni Yico; kasiyahan ang katatagan at kapayapaan ng puso na inihahatid ng kantang Dongquan o silangang Spring na inawit ni Qiqigema; "Sibuyas" ibinigay ni Della na tumutukoy sa mga maganda pero bad tempered na tao na nangangailan ng mas maraming love at tunay na tiwala; "Hawthorn Tree" theme song ng bagong pelikula ni G. Zhang Yimou na inawit ni Stone Chang at "womanizer" na ibinigay ni Jolin Tsai, gustong patugtugin ito sa mga batang isinilang pagkaraang 1990s.

Ika-3, "Night Train", isang kantang madaling sundan at masarap sa tenga na ibinigay ni Yico Zeng.

Ika-2, "Sibuyas" ibinigay ni Della na tumutukoy sa mga maganda pero bad tempered na tao na nangangailan ng mas maraming love at tunay na tiwala. Myrna: parang nakaka-intrigue iyong title na sibuyas, but i like the song esp. because the message is about bad tempered people.

Ang winner is…"womanizer" na ibinigay ni Jolin Tsai. Ang kantang ito ay para sa mga batang isinilang pagkaraan ng 1990s. Isaac: type ko yung music na womanizer. only the music dahil i dont like the idea. i dont buy the idea of womanizing or manizing. alam ko, nagkalat ngayon ang mga mapanlaro sa mundo.

Pamilyar na pamilyar kayong lahat sa mga obra ni Pang Long, "You are my roses", "butterfly", paulit na ulit na pinatutugtog ni Kuya Ramon sa Gabi ng Musika. Ngayong gabi, iri-recommend ni Sissi ang isang bagong obra ni Pang Long-"Happy Couple". Somebody said, marriage is a tomb of love, pero, meron namang isang saying na nagsasabing kung walang marriage, you will die without a burial ground. Sa bagong kantang "Happy Couple" ni Pang Long, sinasabing hindi nagtatapos ang ating love sa marriage; on the contrary, ito ang pagpapatuloy ng ating promise. Ipinangako natin sa isa't isa na magsasama habambuhay at ipinangakong magmamahalan at magiging tapat sa isa't isa forever and ever.

"Gusto kong magsuot ka ng puting skirt at gusto mo namang ngumiti ako na parang ulol. One day, magiging lolo't lola tayo. Maaring magwakas ang ating buhay, pero hindi magwawakas ang ating LOVE." True na true at sweet na sweet, di ba?

Hindi ko lang alam kung narinig na ng music fans na Pinoy ang pangalang Tsai Chin. Noong mawala si Teresa Teng, si Tsai Chin ang natatanging pinakamatagumpay na singer pagdating sa folk songs. Parang isang baso ng alak, mas matagal, mas maganda. Mukhang hindi nagbabago ang kanyang istilo nitong 30 taong nakalipas at hindi rin nagbabago ang kanyang popularidad sa music fans. Ang bagong kanta niya-"Beautiful Night" ay ika-2 kantang ini-recommend ni Sissi para sa gabing ito. Alamin natin kung ano ang nangyayari sa inyong beautiful night..

Sa mga music box stall, ang CD ni Tsai Chin ang nagsisilbing test material. Kung prepekto ang music box sa pagtugtog ng kanta niya, tiyak na maganda ang kalidad ng iyong music box.

Nagugugstuhan ba ninyo ang mga kantang iniriri-commend ni Sissi? Pls let us know sa pamamagitan ng pag-iwan ng mesahe sa aming website:Filipino.cri.cn o pagtek sa 09212572397. Mae-enjoy din ninyo ang mas malaki pang excitement sa pakikinig sa Chinese Pop music at sa Pop China sa espesyal na pahinang --Mtime.

Ok, thanks for your company tuwing linggo ng gabi, ingat po at God Bless~

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>