|
||||||||
|
||
Nang mabanggit ang lunsod ng Anshun, baka walang ideya ang nakararaming turista, pero kung mababanggit ko ang Huangguoshu Waterfall, baka ang sagot ng nakararami ay positibo.
Nasa Anshun sa Lalawigang Guizhou ng Tsina ang Huangguoshu Waterfall, pinakamalaking waterfall sa Ilog ng Zhujiang. Ang Huangguoshu o yellow fruit tree ay isa sa mga popular na halaman sa lokalidad, kaya tinatawag ang talong itong "Huangguoshu Waterfall".
Ang Huangguoshu Waterfall, sa katunayan, ay isang malaking grupo ng talon. Ang 77.8 metrong taas at 101 metrong lapad na Huangguoshu Waterfall ay sentro ng grupong ito, at sa paligid nito ay may iba pang 18 talon na iba-iba ang laki at itsura. Ang ganitong malaking pamilya ng talon ay minarkahan ng punong himpilan ng Guinness World na pinakamalaking grupo ng talon sa buong daigdig at inilakip sa Guinness World Record. Sa palatuntunan ngayong gabi, bibistahin namin, kasama ng mamamahayag ng China Radio International, ang Huangguoshu Waterfall.
"Mga giliw na tagasubaybay, ako ay nasa Huangguoshu Waterfall. Lubhang mahalumigmig ang hangin sa paligid ng talon na parang umambon, malamig-lamig. 101 metro ang lapad ng talon at 77 metro ang taas nito, kaya napakarikit ng tanawin kung bibisitahin ito sa malayong lugar."
Ang grupo ng mga talon ng Huangguoshu ay binubuo ng 18 magkakaibang talon, kabilang dito, pinakamarikit ang Huangguoshu Waterfall, kaya pinangalanan ng Huangguoshu Waterfalls ang naturang grupo ng mga talon. Ang Huangguoshu Waterfalls ay pinakaklasikal at pinakamarikit na karst waterfalls sa daigdig at sa paligid nito ay may nakararaming karst caves na karapat-dapat na bisitahin.
Isinalaysay ng giya ng Huangguoshu Waterfall National Park na,
"Ang Huangguoshu Waterfall ay pinakadakilang talon sa grupo ng Huangguoshu Waterfall at tanging talon sa daigdig na maaaring pagmasdan mula sa anim na anggulo: itaas, ilalim, harap, likod, kaliwa at kanan. Bukod dito, may water curtain cave na sumasaklaw sa buong talon, maaring lumakad ang mga turista sa loob ng talon."
Kung pupunta sa Anshun, bukod sa pag-i-enjoy ng magandang tanawin, malalasahan ninyo ang katangi-tanging pagkain sa lokalidad. Ang Bobotang o Bobo candy ay isa sa mga ito.
"Ang Bobo candy ay isa isa sa mga katangi-tanging pagkain ng etnikong grupo sa Lalawigang Guizhou. Noong Ming Dynasty, isa sa mga mimindal para sa royal na pamilya lamang ang Bobo candy, at pagpasok ng Qing Dynasty, unti-unting naging popular sa mga sibilyan ang ganitong mimindal."
Bobo Candy
Ang Bobo candy ay niyari ng starch syrup at sesame seeds, kaya lipos ng Vitamin C, glucose, fat at iba pang nutrition, talagang malasang malasa at nakapagpapalusog
Ang rainy season sa tag-init at tag-lagas ay pinakamagandang panahon para pagmasdan ang pinakadakila at pinakamarikit na tanawin ng Huangguoshu Waterfalls, dahil sa panahong iyan, pinakamalaki ang bolyum ng tubig ng talon sa buong taon. And remember, take an umbrella with you to the falls.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |