|
||||||||
|
||
Sa tradisyonal na kulturang Tsino, ang family education ay mga suliranin lamang ng mga magulang, gayuman, ito ay naging mahalagang isyu ng estado dahil ang family education ay inilakip na sa modernong sistemang pang-edukasyon ng bansa, bagay na muli nakatawag ng pansin ng buong lipunan. Isinagawa kamakailan ng mga dalubhasa ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait ang taunang pagtalakay hinggil sa family education.
Sa tradisyonal na kulturang Tsino, ang family education ay ipinalalagay na pundasyon ng pagsasalin ng karunungan sa mga bata, datapuwa't hindi lahat ay nakakaalam ng tunay na kahulugan nito. Kaugnay nito, sinabi ni Chang Tsay-Ming, propesor mula sa Chiayi University ng Taiwan, na
"Sa katotohanan, makitid ang pagkaunawa ng mga tao sa ideya ng family education, lagi itong ipinalalagay na pagsasalin ng mga magulang ng kaalaman sa kanilang anak. Dahil sa proseso ng pagtuturo sa mga bata, ang mga magulang ay nag-aaral din ng mga bagong bagay. Ang family education ay life-time education o edukasyong panghabambuhay."
Kaugnay ng depinasyon ng family education, ipinalalagay ni Lin Zhimin, miyembro ng Family Education Professional Commission ng Tsina, na
"Sa kasalukuyan, ang family education ay ipinalalagay na edukasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya lamang. Pero sa tingin ko, ang family education ay tumutukoy sa edukasyon ng isang tao sa buong buhay niya at ang edukasyong ito ay dapat sumaklaw sa lahat ng larangan ng buong lipunan."
Sa proseso ng mabilis na pag-unlad at globalisasyon ng kabuhayan, ang family education ay unti-unting nagiging isang komprehensibo at malaki at siyentipikong sistema. Ang pagpapalitan ng magkabilang pampang hinggil sa family education ay isinasagawa sa ilalim ng kalagayang ito at ang ganitong pagpapalitan naman ay nababatay rin sa katotohanang kapwa nabibilang ang magkabilang pampang sa iisang pinagmumulan ng lahi at kulturang Tsino.
Hanggang sa kasalukuyan, naisagawa nang 13 beses ang ganitong pagtalakay at ipinalalagay ng mga dalubhasa ng magkabilang pampang na ang kinakaharap na kahirapan nila ay kung papaanong mapapalaganap ang tamang ideya ukol sa family education sa mas maraming pamilya.
Ayon sa salaysay ng dalubhasa ng Taiwan, isinapubliko ng awtoridad ng Taiwan ang batas ukol sa family education noong 2003. Ayon sa batas na ito, dapat magkaroon ang mga mag-aaral sa mababa't mataas na paaralan ng kurso ng family education bawat semestre. Kaugnay ng pagpapalaganap ng family education sa pamamagitan ng mga paaralan, sinabi ni Xiong Shaoyan, dalubhasa mula sa mainland China, na
"Katulad ng Taiwan, pinahahalagahan naman ng mainland China ang pag-uugnayan ng paaralan at pamilya sa laranang ng pagpapalaganap ng family education. Kumpara sa Taiwan, kahit wala pa rin ang espesyal na may kinalamang batas sa mainland, meyroon na kami ng mga batas na sumasaklaw ng ilang nilalamang may kinalaman sa family education."
Nitong ilang taong nakalipas, aktibong nagsisikap ang mainland China para sa pagpapalaganap ng family education, halimbawa, sa Weifang ng lalawigang Shandong, lumahok na ang mahigit 100 libong magulang sa espesyal na kurso para sa family education, sa lalawigang Jiangsu, may mga kurso na may kinalaman sa family education sa internet at sa Shanghai at Hunan, gayon din ang ginagawa nila.
Sa larangan ng pagpapalaganap ng bagong ideya ukol sa family education, ang pagpapalitan ng magkabilang pampang ay gumanap ng mahalagang papel. Ipinalalagay ni Zhao Gang, pangkalahatang kalihim ng Family Education Professional Commission ng Tsina, na ang pagpapalitan sa pagitan ng magkabilang pampang ay nagkaloob ng mga bagong ideya sa konstruksyon ng sistemang pang-edukasyon ng mainland China.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |