|
||||||||
|
||
Ang Ilog Nujiang ay isang malaking ilog sa dakong dimog kanluran ng Tsina. Ang Lalawigang Yunnan, isa sa mga purok na pinagdaanan ng naturang ilog ay pangunahing purok-panirahan ng mga etnikong grupo. Sa palatuntunan ngayong gabi, dadalhin kita sa grand canyon ng Ilog Nujiang para maramdaman ang dakila't magandang tanawin at katangi-tanging etnikong kaugalian doon.
Halos 14000 kilometro kuwadrado ang saklaw ng prepectura ng Ilog Nujiang. Mataas ang dakong halaga at mababa ang dakong timog ng prepecturang ito na binubuo ng mga napakataas na bundok at malalimang ilog na gaya ng ilog ng Nujiang, Lancang River at Ilog ng Dulong. Nang mabanggit ang kanyang lupang-tinubuan, ganito ang salaysay ni Chen Jun, isang residente sa lokalidad.
"Napakaganda ng lupang-tinubuan ko, mabait at magiliw sa mga panauhin ang mga mamamayan dito. Natural ang ganda dito, walang anumang artipisyal na pagbabago at wari itong artikulong pansining na niyari ng kalikasan."
Isinalaysay naman ni Zhao Wensheng, tauhan ng Kawanihan ng Turismo ng Prepektura ng Ilog Nujiang na,
"Ang grand canyon ng Ilog Nujiang ay isang mahalagang aklat na pilosopikal na may kinalaman sa kalikasan at sibilisasyon ng sangkatauhan. Kung babasa ng naturang aklat mula sa magkakaibang anggulo, mayroon kayong magkakaibang pagkaunawa at karanasan."
Ang isa sa mga katangi-tanging scenic spot sa canyon ng Nujiang ay Stone Moon o batong buwan. Nang obserbahan ito mula sa malayo, ang napakalaking batong lungga sa pagitan ng mga bundok ay parang isang buwang nakakabitin sa himpapawid.
Saan man pumunta, makikita ng mga manlalakbay ang Nujiang. Sa upper reaches ng Ilog Nujiang, biglang nagbago ang direksyon ng agos ng ilog. Pumasok ang ilog sa Nayong Bingzhongluo mula sa Qiunatong valley sa hilaga at umagos patungo sa Nayong Dala mula sa dakong timog ng Nayong Bingzhongluo, dahil sa paulit-ulit na paghadlang ng mga bundok at bato, sa wakas, ang Ilog Nujiang ay naging isang malaking kurba dito at tinatawag itong "unang look sa Ilog Nujiang. Isinalaysay ni Ginoong Li Wanlin, working staff ng scenic spot na,
"Ang katangian ng unang look sa Ilog Nujiang ay napakalaki ng kurba. Ang natural na kurba ng look ay bumuo ng isang maliit na isla. Maayos ang lakay ng mga bukirin at sa umaga'y naaaninag ang mga bahay o maging buong nayon sa makapal na nakalutang singaw."
Ang Nayong Bingzhongluo ay lugar na may pinakamaraming tanawing likas sa rehiyon ng Nujiang at tinatawag itong Shangrila kung saan ay namumuhay nang mapayapa ang sangkatauhan at Diyos. Pumarito ang maraming tao para lumayo sa bising trabaho at magtamasa ng tahimik ng kalikasan. Sa kasalukuyan, nakatanggap na ang Nayong Bingzhongluo ng mga panauhin mula sa mahigit 10 bansang gaya ng Malaysia, Hapon, Alemanya, Timog Korea, Britanya, Pransya at Swizerland.
Nag-alok ang mga mamamayan ng etnikong grupo sa lokalidad ng watery wine at umawit ng drinking song para magpahayag ng kanilang mainit na pagtanggap sa mga panauhin. Ipinaliwanag ng giya na,
"Isinaad ng awitin na welkam sa Ilog Nujiang, kung paparito kayo, masigla't masaya kami, awit at sayaw ang inihandog namin sa inyo. Welkam sa muling pagbisita sa Ilog Nujiang at winewelkam ng Ilog Nujiang iyong lahat."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |