Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, patuloy na pagsasagubat ng mga bukirin

(GMT+08:00) 2010-11-02 14:17:36       CRI

Sapul nang isagawa ang proyekto ng pagsasagubat ng mga bukirin noong 1999, hanggang noong 2009, inilaan ng pamahalaang Tsino ang 430 bilyong yuan RMB sa proyektong ito at binago na ang mahigit 27.6 milyong hektaryang bukirin na naging gubat muli. Sa preskon noong nagdaang Agosto ng tanggapan ng impormasyon ng konseho ng estado ng Tsina, ipinahayag ng opisiyal ng Pambansang Kawanihan ng Panggugubat ng Tsina na sa darating na 10 taon, patuloy na maglalaan ang pamahalaang Tsino ng mahigit 200 bilyong yuan RMB sa proyektong ito para walang humpay na mapabuti ang kapaligiran ng bansa.

Ayon sa salaysay ni Wu Lijun, opisiyal ng nasabing departamento, ang pinal na target ng pagsasagawa ng Tsina ng proyektong ito ay pabutihin ang kapaligirang ekolohikal ng mga purok na nagsasagawa ng proyektong ito at tulungan ang pagpapabuti ng pangkalahatang kalagayang ekolohikal ng bansa at pagharap sa pagbabago ng klima. Sapul nang isagawa ang proyektong ito, maalwan ang takbo ng pagsasagawa ng proyektong ito at kapansin-pansin ang bunga. Sinabi niya na

"Ang proyektong ito ay isinasagawa, pangunahin na, sa mga purok na malubha ang kalagayan ng soil erosion at pagiging disyerto ng lupa. Noong nakararaang 10 taon, tumaas na ng 3% ang saklaw ng gubat sa naturang mga purok at ang kalagayan ng pagsasagawa ng proyektong ito ay nakapasa sa pagsusuri ng pamahalaan."

Ayon sa estadistika na ipinalabas ng nabanggit na departamento, sa kasalukuyan, ang saklaw ng gubat ng bansa ay umabot sa 195 milyong hektarya at ang coverage rate nito ay nasa mahigit 20%.

Ang proyektong ito ay isang proyekto ng konstruksyong ekolohikal ng Tsina na may pinakamalaking saklaw at pinakamalaking pamumuhunan at tumatanggap ng pinakamalaking pagkatig ng mga mamamayang Tsino. Ipinahayag ni Wu na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na pinabubuti ng pamahalaang Tsino ang mga patakaran ng pagsasagubat ng mga bukirin para ibayo pang mapabuti ang kapaligirang ekolohikal ng lokalidad, maisaayos ang estrukturang pang-industriya at malutas ang mga problema sa pamumuhay ng mga mamamayang lokal. Sinabi niya na

"Pagkaraan ng pagsasagawa ng proyektong ito, ang mga magsasaka na binago ang kanilang bukirin tungo sa pagiging gubat ay nagsimula ng negosyo sa ibang mga espekto. Sa mga purok na nagsagawa ng proyektong ito, buong sikap na pinasulong ng pamahalaang lokal ang pagsasaindustriya ng agrikultura at pag-unlad ng kabuhayang lokal, binago ang tradisyonal na paraan ng mga magsasakang lokal sa pamumuhay at paggawa at saka mapalakas ang ideya ng buong lipunan sa pangangalaga sa kapaligiran."

Sa darating na 10 taon, maglalaan pa ang Tsina ng mahigit 200 bilyong yuan RMB para sa proyektong ito. Kaugnay nito, sinabi ni Wu na

"Aktibong papatnubayan namin ang pangangalaga ng mga magsasaka sa gubat para mapataas ang proporsyon ng mga buhay ng punong kahoy, patuloy na isasagawa ang mga hakbangin na gaya ng pagpapaunlad ng mga green industry para malutas ang kahirapan sa pamumuhay ng mga magsasaka na nagsasagawa ng nabanggit na proyekto at batay sa aktuwal na pangangailangan ng konstruksyong ekolohikal ng bansa, ibayo pang pasusulungin ang proyektong ito at pagtatanim ng mas maraming punong-kahoy sa mga nakatiwangwang na lupain."

Bukod dito, ipinahayag ni Wu na nitong ilang taong nakalipas, madalas na naganap ang likas na kapahamakan sa Tsina at malubha ang kalagayan ng soil erosion, kaya kinakaharap ang mga kahirapan ng proyekto ng pagsasagubat ng mga bukirin. Gayuman buong sikap at patuloy na pasusulungin pa ng pamahalaang Tsino ang proyektong ito para walang humpay na mapabuti ang kapaligirang ekolohikal.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>