|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan sa Xiamen ng Lalawigang Fujian ng Tsina ang ika-6 na Strait Travel Fair at naging pokus ng kasalukuyang perya ang magkasamang pagpapasulong ng paglalakbay sa mga kanayunan ng Fujian at Taiwan. Sa palatuntunang ito, ang ganda ng mga kanayunan ng Fujian at Taiwan ang pag-uusapan namin.
Upang makahikayat ng pansin ng mga bisita, sa ika-6 na Strait Travel Fair, magkakasunod na ipinopromote ng mga nagtatrabaho sa sirkulong pantursita ng Taiwan ang magandang tanawin sa iba't ibang lugar ng Taiwan.
Sa pamumuno ni Ginoong Guo Ziyi, punong direktor ng liga ng turismo ng Hengchun Peninsula ng Pingtung County ng Taiwan, ipinopromote ng isang naka-diving glasses at beach suits na grupo ng promosyon ang Hengchun Peninsula sa southernmost ng Taiwan.
"Welkam sa Pingtung ng Taiwan. Kami ay galing sa Kenting sa southernmost ng Taiwan. Lipos ng sikat ng araw, aplaya at kasiglahan ng mga taga-Taiwan ang Kenting at winewelkam ng Kenting ang inyong pagbisita."
Ang paglalakbay sa kanayunan ay naging bagong modelo ng pag-unlad ng turismo at napakahusay ng Taiwan sa pagdedebelop sa aspektong ito. Isinalaysay ni Ginoong Zhou Qingxiong, tagapangulo ng samahan ng turismo ng Taiwan na,
"Sa Taiwan, gusto ng mga residente sa lunsod ang paglalakbay sa kanayunan. Nakatira at pumitas silang mismo ng mga prutas doon. Sa ganitong likas na kapaligiran, sariwang sariwa ang lahat ng mga bagay na gaya ng hangin, prutas at gulay, gaya nagiging popular ang paglalakbay sa kanayunan."
Isinalaysay naman ni Ginang Shen Guanya, punong direktor ng Samahan ng Pagpapaunlad ng Turismo ng Magkabilang Pampang ng Taiwan, ang katangi-tanging tanawin sa kanayunan ng Taiwan.
"May kani-kanilang katangian ang bawat kanayunan sa Taiwan. Halimbawa, ang Meinung sa Pingtung ay isang nayong nagtatampok ng Hakkas culture, kilalang kilala sa Sun-Moon Lake, tsa at ganoderma lucidum ang Nantou County at nakikita naman ninyo ang iba't ibang uri ng bulaklak sa Changhua County."
Bilang tugon sa paglalakbay sa kanayunan ng Taiwan, idinisenyo ng panig ng Fujian ang ganitong linya ng paglalakbay. Ganito ang salaysay ni Ginoong Huang Wulong, direktor ng Kawanihan ng Turismo ng Xiuyu District ng Putian City ng Fujian.
"Ang ipinopromote namin ay paglalakbay sa kanayunan. Napakasagana ng yamang pandagat sa Xiuyu District, mahaba ang coastline at magandang maganda ang talampasigan at tubig sa dagat."
Optimistiko ang mga ahensyang panturista ng Fujian at Taiwan sa prospek ng paglalakbay sa kanayunan ng kapuwa panig at sinimulang isagawa ang mga kinauukulang gawain na gaya ng pagdidisenyo ng bagong linya ng paglalakbay. Ipinalalagay ni Ginoong Lin Jiaen, direktor ng Star Travel International (Xiamen) Co., Ltd na,
"Magkahawig ang kultura ng mga nayon ng Fujian at Taiwan at kailangang unti-unting ipaplano ng magkabilang pampang ang hinggil sa kung papaanong pag-iisahin ang magkakaibang kultura ng pagkain at pag-inom, paglalakbay, pamumuhay at paglilibang sa ilalim ng magkahawig na kondisyon. Ito ay magiging tunguhin sa hinaharap."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |