Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maliit na prutas, malaking pamilihan

(GMT+08:00) 2010-11-04 09:38:16       CRI

Ngayon ay taglagas sa Tsina at sa panahong ito, napakaraming iba't ibang uri ng prutas sa pamilihan; halimbawa, narangha, mansanas, peras, dalandan, ubas at iba pa. Nitong ilang panahong nakalipas, ang naturang mga prutas ay hindi lamang itinatanim sa loob ng bansa, kundi iniluluwas pa.

G. Shang ay isang taxi driver sa lunsod ng Nanning sa Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa Timog Kanluran ng Tsina. Kahit hindi kalakihan ang kita niya, paminsan-minsan ay bumibili rin siya ng mga uri ng prutas na bihirang-bihirang makita sa mga pamilihan. Aniya:

"Gusto kong tikman ang mga sariwang uri ng prutas. Basta nakakita ako ng prutas na di ko pa natitikman sa tanang buhay ko, binibili at tinitikman ko ito. ke mahal, ke mura"

Anu-anong sariwang uri? ayon kay G. Shang, aniya:

"Halimbawa, garcinia mangostana mula sa Thailand, at durian, pero, hindi ko alam kung saan ito galing. Sa…. "

Ang nabanggit na mga prutas ay mula sa mga bansang ASEAN. Nitong halos 10 taong nakalipas, parami nang parami ang mga prutas mula sa timog kanlurang Asya na pumapasok sa pamilihang Tsino. Tinatanggap ang mga ito ng mga mamimiling Tsino, dahil sa mga bentahe nitong katangiang masarap ang lasa, maraming uri at nagkokompliment sa rehiyong ito at sa Tsina sa panahon ng tag-ani.

Sa pagluluwas ng ASEAN sa Tsina, ang prutas ay isang mahalagang larangan at ang industrya ng prutas ay kauna-unahang uri ng panindang nagtamasa ng preperensiyal na patakaran ng taripa sa kalakalan ng ASEAN at Tsina. Noong oktubre, 2003, tinanggal na ang taripa sa 80 uri ng paninda ng prutas sa Thailand at Tsina at ito ang unang kasunduan ng "zero tariff" sa ilalim ng China ASEAN FreeTrade Area or CAFTA. Noong 2004, umiral din ang "Early Harvest Plan" sa loob ng framework ng CAFTA at sinimulan ang pagpapababa ng taripa sa mahigit 500 paninda na ang karamihan (ng mga ito) ay mga produktong agrikultural.

Kasunod ng pagsasagawa ng mga preperensiyal na patakarang pangkalakalan, mabilis na lumalaki ang halaga ng pagluluwas ng mga prutas sa Tsina nitong ilang taong nakalipas. Ayon sa datos ng adwana, bago ang pagsasagawa ng unang kasunduan ng "zero tariff", mula noong Enero hanggang Mayo ng 2003, ang bilang ng pagluluwas ng ASEAN sa Tsina ay 29 triliyong tonelada, pero, kasunod ng pag-unlad ng CAFTA, hanggang noong 2009, sa Pingxiang port sa Rrehiyong Guangxi lamang, ang bilang ng pagluluwas nito noong unang 4 buwan ng 2009 ay lumapit sa halaga ng buong bansa noong unang 5 buwan ng 2003. At ang halaga ng kalakalan sa Pingxiang port ay bumuo nang 29% lamang ng ito ng buong bansa, kaya, sa ibang salita, mula noong 2003 hanggang 2009, ang halaga ng kalakalan ng prutas ng ASEAN at Tsina ay lumaki nang mahigit 3 ulit.

Sa kasalukuyan, ang mga prutas mula sa ASEAN ay nabibili hindi lamang sa malalaking supermarket, kundi maging sa maliliit na tindahan sa tabi ng daan. Kinapanayam ng mamamahayag ang mag-asawang nagtitinda ng prutas mula sa Thailand sa kanilang maliit na tindahan.

"Thai guyabano! Masarap at mabuti sa kalusugan! "

"Nagugustuhan ba ito ng mga mamimili sa lokalidad?"

"Oo, tinatanggap ito ng maraming tao!"

" Mas mahal ba ito kung ikukumpara sa mga lokal na prutas?"

"Siguro! Mas mataas ang gastos dito."

Gaano karaming mas mahal ang prutas mula sa ASEAN kaysa mga lokal na uri? Upang sagutin ang tanong na ito, inimbestigahan ng mamamahayag sa Wal-mart supermarket. Dito sa Wal-mart, ang karaniwang presyo ng mga prutas ng ASEAN ay mas mahal nang 30% hanggang 80% kumpara sa karaniwang presyo ng mga lokal na prutas.

Isiniwalat ng salesperson dito na ang karamihan sa mga mamimili ng prutas ng ASEAN ay buhat sa middle-income group at para sa kanila ang mas mahal ngunit may mataas na kalidad na prutas mula sa ASEAN ay magandang regalo para sa kapistahan. Pero, para naman sa mga mamimil na mababa ang kita, ang mataas na presyo ay pangunahing dahilan kaya hindi sila bumibili nito

"Durian? Hindi ko bibilhin ito kung sobrang mahal. Kung mura, oo, bibilhin ko."

Maaaring bumaba ang presyo ng mga ito sa hinaharap? Ayon sa salesperson sa Wal-mart, nitong ilang taong nakalipas, kung hindi isaaalang-alang ang elemento ng inflation, ang karaniwang presyo ng mga prutas na iniluluwas ng ASEAN ay talagang bumababa.

Ang pagbaba ng presyo nito ay may kaugnayan sa pagpapababa ng taripa sa loob ng framework ng CAFTA. Ayon sa datos mula sa departementong komersiyal, sapul nang isagawa ang "Early Harvest Plan", ang presyo ng mga prutas na Thai sa Tsina ay bumaba nang 11% hanggang 15% kumpara sa taong nakalipas at bumaba rin nang mga 6% ang presyo ng mga prutas ng Byetnam. Sa taong ito, ayon sa pagtaya ng personahe sa loob ng sektor ng industriya ng prutas, bababa nang halos 20% ang karaniwang presyo ng mga prutas na iniluluwas ng ASEAN.

Artaporn Puthikampol, Consul General ng Thailand

Nang kapanayamin ng mga mamamahayag ng CRI, ipinahayag ni Artaporn Puthikampol, Consul General ng Thailand sa Nanning, Tsina, na, sapul nang itatag ang CAFTA ay gumaganap na ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng pagluluwas nila ng prutas sa Tsina:

"Noong hindi pa naitatatag ang CAFTA, may taripa kami sa isa't isa. Pero, pagkaraan nito, wala na, kaya, mas maraming prutas ng Thailand ang nakakapasok sa pamilihang Tsino. Ang CAFTA ay nagkakaloob ng ginhawa sa kalakalan sa kapuwa 2 panig. "

Sa taong ito, ang komprehensibong pagtatatag ng CAFTA ay nagbibigay ng mas maraming pagkakataon sa mga mangangalakal ng pagluluwas ng prutas. Ang ANI Co. ng Pilipinas ay isa sa kanila. 3 taon na ang nakararaan, ginamit ang pagkakataon ng "zero tariff", sinimulan ng ANI ang pagluluwas sa mainland ngTsina. Upang ibayo pang makapasok sa pamilihang Tsino, lumahok ang ANI sa China ASEAN Expo na idinaos kamakailan sa Nanning, Guangxi, Tsina. Inaasahan nitong mahahanap ng mas maraming partnership sa Mainland China. Sinabi ni Edwad Si, Account officer ng ANI na namamahalan sa negosyo sa Hong Kong at Mainland China na:

"Inaasahan naming sa pamamagitan ng paglahok sa CAexpo, makakatagpo kami ng higit pang maraming ahente at nang sa gayo'y, mapalawak ang aming tsanel ng pagbebenta sa pamilihan ng Tsina."

Nananalig si Edwad Si na may malaking espasyo sa pamilihang Tsino para sa pagpapaunlad ng kanilang negosyo at may espasyo rin sa pagpapababa ng presyo kasunod ng pagpapalawak ng pagluluwas. Ang pamilihan ng prutas sa Tsina ay may malaking potensiyal pa rin.

salin:wle

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>