Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Guangzhou, sinasalubong ang Asian Games

(GMT+08:00) 2010-11-09 14:03:08       CRI

Ang ika-16 na Asian Games ay bubuksan sa Guangzhou sa dakong timog ng Tsina sa ika-12 ng susunod na buwan. Sa kasalukuyan, mataimtim na nagsasagawa ang Guangzhou ng mga gawaing preperatoryo sa huling yugto. Sa aspekto ng pagpapabuti ng kapaligiran ng lunsod, isinasagawa ng Guangzhou ang mga mabisang hakbangin.

Halimbawa sa kalye Xiaobei ng Distritong Yuexiu, nagpanibago-anyo na ang mga bahay sa magkabilang panig sa kalye at saan man dako ay makikita ang namumukadkad na bulaklak at mayayabong puno. Sinabi ni Chen Xiaoquan, opisiyal ng Guangzhou, na

"Hindi lamang sa Xiaobei, ang pagganda ng kapaligiran ay kinabibilangan ng kalye Zhengfa, Yuexiu at iba pa. Ang ideya ng gawaing ito ay mapananatili, sa abot na makakaya, ang orihinal na anyo at estilo ng mga arkitektura sa proseso ng pagpapabuti ng kapaligiran."

Bukod sa Distritong Yuexiu, nagbago din ang kapaligiran ng ibang mga lugar ng Guangzhou pagkaraan ng pagsasaayos. Hindi lamang naging mas maganda ang kapaligiran, lubos na ring naisusulong ng Guangzhou ang konstruksyon ng mga pasilidad na pangkultura at pampalakasan sa mga magkakapitbahayan para mapabuti nang malaki ang kondisyon ng mga paninirahan doon sa pagsasagawa ng mga aktibidad na pangkultura at pampalakasan. Ito naman ay nagpapakita ng malaking pagsisikap ng Guangzhou para sa Asian Games.

Sa panahon ng Asian Games, paparito sa Guangzhou ang mahigit 14 na libong manlalaro at opisiyal na galing sa mahigit 40 bansa at rehiyon, mahigit 7 libong mamamahayag at libu-libong turista na galing sa buong daigdig. Ito ay magsisilbing malaking hamon sa komunikasyon ng Guangzhou. Bilang tugon sa isyung ito, handa na ang Guangzhou.

Sa bisperas ng pagbubukas ng Asian Games, sisimulang gamitin pa ang 6 na bagong subway line ng Guangzhou, kaya sa panahon ng Asian Games, sa pamamagitan ng mga subway line, mararating ang mahigit 80% ng mga stadium ng Asian Games. Bukod dito, inilahad ni Zhang Zhixin, opisiyal ng lupon ng komunikasyon ng Guangzhou, na sa panahon ng Asian Games, daragdagan pa ang mga ruta ng bus. Sinabi niya na

"Bubuksan namin ang ilang pansamantalang ruta at palalawigin ang oras ng serbisyo ng mga bus. Ayon sa pagtaya, maaari naming palawigin ang oras ng serbisyo ng 120 bus line."

Upang maigarantiya ang kaayusan ng komunikasyon sa panahon ng Asian Games, ginamit ng Guangzhou ang intellectual communication system para patnubayan at ayusin ang komunikasyon sa panahong iyon.

Alam ng lahat, sa mga malaking lunsod na tulad ng Guangzhou, ang sangkaderbang bilang ng mga kotse ay nakakaapekto sa kalidad ng hangin ng lunsod. Ayon sa estadistika, hanggang noong 2009, may halos 2 milyong kotse at mahigit 600 libong motorsiklo sa Guangzhou at ito'y naging malaking presyur sa pangangalaga sa kalidad ng hangin sa panahong ng Asian Games. Kaugnay nito, sinabi ng isang opisiyal ng Environmental Protection Bureau ng Guangzhou, na sapul noong 2005, binalangkas ng panig ng Guangzhou ang mga may kinalamang regulasyon para bawasan ang pagbuga ng emisyon ng mga sasakyan. Sa aspetong ito, ang pagpapabago ng mga bus ay gumanap ng malaking papel sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin ng Guangzhou. Sinabi niya na

"Sapul noong 2003, sinimulang gamitin ng mga bus ang clean energy at hanggang sa kasalukuyan, mahigit 90% ng mga bus ay gumamit ng clean energy at nagsisikap kami para gamitin ng mga natitirang bus ang clean energy bago ang Asian Gaems."

Binigyang-diin pa niya na ipagpapatuloy ng Guangzhou ang gawaing pagpapabuti ng kalidad ng hangin pagkatapos ng Asian Games para maigarantiya ang mabuting kapaligiran ng lokalidad.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>