Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Home of Red Ribbon

(GMT+08:00) 2010-11-09 14:05:19       CRI

AIDS sy isang uri ng malubhang sakit sa buong daigdig na hindi lamang umagaw ng buhay ng libu-libong maysakit, kundi nagtulak pa sa maraming pamilya sa malaking trahedya. Kaya ang parami nang paraming tao ay nagsimulang magbigay-pansin sa pagpigil at pagkontrol ng AIDS, aktibong lumahok sa mga publikong usapin na gaya ng pagbibigay-tulong sa mga may AIDS at HIV positive, pagpapasulong ng pagpawi ng diskriminasyon sa kanila at pangangalaga sa kanilang lehitimong karapatan at kapakanan.

Ang Home of Red Ribbon ng Di Tan Hospital ng Beijing ay unang non-profit-oriented at di-pampamahalaang organisasyon ng Tsina na nagsasagawa ng paggamot at pag-asikaso sa mga may-sakit na AIDS. Si Xu Keyi ay dalubhasa sa pagpigil at paggamot sa AIDS at siya man ay isa sa mga tagapagtatag ng organisasyong ito. Sinabi niya na

"Dahil kay-tagal ng pagkakasakit ng AIDS, kaya imposible na makakaasa sa mahabang panahon ito sa mga manggagamot at nars sa pag-asikaso sa mga may-sakit.. Kaya naitayo namin ang Home of Red Ribbon para sa paggamot at pag-asikaso sa mga nagkakasakit ng AIDS."

Sa pamamagitan ng halos 10 taong pagsisikap, ang Home of Red Ribbon ay naging isang komprehensibong organisasyon na nagkakaloob sa mga may-AIDS ng serbisyong medikal at asikaso, impormasyong saykolohikal, pagpapalaganap ng mga may kinalamang kaalaman at tulong na pambatas. Ang organisasyong ito naman ay nakatawag ng malawak na pansin sa loob at labas na bansa. Kinausap minsan dito ang mga may-AIDS sa organisasyong ito nina Pangulong Hu Jintao ng Tsina, Premyer Wen Jiabao, Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN at iba pang mga estadista at kilalang tauhan sa loob at labas na bansa.

Sa kasalukuyan, ang organisasyong ito ay nagkakaloob ng araw-araw na serbisyong pangkalusugan at impormasyong saykolohikal sa ilampung may-sakit at mahigit 600 ay tumanggap ng pangmatagalan at sustenableng paggamot doon. Sinabi ni Han Jing, isang tauhan ng organisasyong ito, na ang lahat ng mga may-sakit na tinanggap ng kanyang organisasyon ay nakapagtatamasa ng libreng konsultasyon at medisina na ipinakaloob ng pamahalaan. Sinabi niya na

"Ang lahat ng mga residente ng Beijing at mga tao na nakatira sa Beijing nang mahigit 2 taon ay nakakapagtamasa ng libreng anti-viral therapy for AIDS na kinabibilangan ng 4 na beses na pagsusuri bawat taon sa aming organisasyoon. Kaya kung walang ganitong pagkatig ng pamahalaan, mabigat ang pasanin ng mga may-sakit sa pagpapagamot."

Ang ganitong pagkatig ng pamahalaan ay nagkakaloob, hindi lamang ng ng libreng pagsusuri, medisina sa mga may-sakit, kundi maging sa libreng edukasyon sa mga anak ng mga namatay sa AIDS at subsidy sa mga mahihirap na may-sakit at kanilang pamilya.

Bukod sa pagkatig ng pamahalaan, parami nang paraming indibiduwal at grupong panlipunan ay nagsimulang aktibong lumahok sa aktibidad ng pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa pagpigil at pagkontrol ng AIDS at pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga nagkakasakit ng AIDS.

Iyong mga pagkatig ng pamahalaan at buog lipunan ay nagpapatibay ng kompiyansa ng mga may-sakit sa hinaharap. Ang isang may-sakit na nagngangalang Xiao Dong ay tumatanggap ng halos 10 taong pag-asikaso sa organisasyong ito. Sinabi niya na

"Lubos na nararamdaman ko dito ang malasakit na ibinibigay ng mga tauhan ng organisasyong ito sa akin ay parang nasa sariling bahay ko."

Idinaos bawat taon ng pamahalaang Tsino ang malaking aktibidad ng pagpapalaganap ng kaalamang may kinalaman sa AIDS para mapalalim ang pagkaunawa ng mga tao sa AIDS at mapawi ang pagtatangi sa mga may-sakit. Sa kasalukuyan, sinabi ni Xiao Dong na nitong ilang taong nakalipas, unti-unting napapahupa ang pagtatangi sa kanilang mga may-sakit at napapabuti ang kapaligiran ng pamumuhay nila.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>