|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, isinasagawa na ng Tsina ang nakapalalim na reporma sa sistemang pangkultura nito. Sapul noong 2009, isinapubliko na ang isang seyre ng mahahalagang patakaran na gaya ng plano ng pagpapayabong ng industriyang pangkultura ng Tsina at mga mungkahi hinggil sa pagkatig ng industriyang pinansiyal sa pag-unlad ng industriyang pangkultura. Ang mga ito ay lubos na nagpapasulong ng pag-unlad ng usaping pangkultura at sustenableng kasaganaan ng pamilihang pangkultura.
Si Guo Rong ay pangalawang puno ng Oriental Song and Dance Ensemble ng Tsina. Kaugnay ng mga pagbabago na dulot ng reporma sa sistemang pangkultura, malalim ang karanasan niya, sinabi niya na
"Noong uang panahon, kahit nagsagawa kami ng mga programa, hindi kami naglagay ng mga ito sa pamilihang pangkonsumo. Ngayon, alinmang programa ang isinasagawa, isinasaalang-alang namin ang pangangailangan at kagustuhan ng mga manonood, at dagdag pa, sistematikong iniaalok ang mahuhusay at magagandang programa sa mga manonood sa loob ng bansa."
Mula noong nagdaang Agosto hanggang nagdaang Setyembre ng taong ito, itinaguyod ng China Oriental Group ang 4 na pagtatanghal na pansining sa Beijing. Sinabi ni Gu Yin, CEO ng grupong ito, na ang mga pagbabago na dulot ng reporma sa sistemang pangkultura ay lubos na nakakapagpasigla sa pamilihang pangkultura. Sinabi niya na
"Unang una, halos dinoble ang bilang ng mga palabas ng aming grupo kumpara sa nagdaang taon at ang kita ng mga palabas ay lumaki ng 50% kumpara sa tinalikdang taon. Pagkaraan ng reporma, masiglang masigla ang mga aktor ng aming grupo sa paggawa ng palabas."
Ayon sa estadistika, hanggang sa kasalukuyan, binago na ang 228 organisasyong pansining ng Tsina tungo sa kompanya at sa ilalim ng lubos na pagpapasulong ng mga departamento ng kultura ng bansa, ibayo pang bumuti ang estruktura ng pagmamay-ari sa pamilihang pangkultura.
Ipinahayag ni Liu Binjie, Puno ng General Administration of Press and Publication ng Tsina, na isinasagawa na ang komprehensibong reporma sa sistemang pambalita at pampublikasyon. Sinabi niya na
"Noong unang hati ng taong ito, isinagawa namin ang masusi at malalim na imbestigasyon sa mahigit 6 libong uri ng mga dyaryo at magasin na di-pampulitika ng buong bansa at binalangkas ang angkop na plano ng reporma hinggil dito. Kaugnay ng reporma sa mga dyaryo at magasin na ari ng Partido Komunista ng Tsina o CPC at mga pambublikong limbagan, naitatag namin ang mekanismo ng pagtasa para rito."
Bago ang taong 2003, ang bilang ng pelikula ng Tsina ay palagiang nagsusulong-urong sa 100 pababa. Datapuwa't, ang bilang nito noong 2009 ay umabot sa 456 at ang Tsina ay naging ika-3 pinakamalaking bansa sa daigdig sa paggawa ng pelikula. Sa taong ito, ang tubo ng box office ng pelikulang Tangshan Earthquake ng Tsina ay umabot sa 532 milyong yuan RMB na naging rekord sa kasaysayan ng box-office ng mga domestikong pelikula. Noong unang hati ng taong ito, nanantiling mabuti ang tunguhin ng pag-unlad ng industriya ng pelikula ng Tsina at ayon sa pagtaya, ang kabuuang bilang ng mga domestikong pelikula sa taong ito ay umabot sa 500. Sinabi ni Zhang Hongsen, opisiyal ng State Administration of Radio, Film and Television ng Tsina, na
"Ayon sa kasalukuyang kalagayan ng pamilihan ng pelikula, may pag-asang madagdagan ng mahigit 1000 screen ang mga sinehan sa buong bansa at kasunod ng pagdami ng mga sinehan, buong sikap na maisasakatuparan ang target na ang kabuuang tubo ng box office ng mga pelikula ng Tsina sa 2010 ay umabot sa 10 bilyong yuan RMB."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |