Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-39 2010

(GMT+08:00) 2010-11-14 17:01:10       CRI

Isang linggong hindi tayo nagkita. Kumusta po kayo, mga lovely at kind-hearted Filipino. Miss na miss ko kayo. Ako si Sissi, ang inyong ever ever happy DJ, ang inyong ever ever close friend..

Noong Biyernes, opisyal na nagbukas ang ika-16 Guangzhou Asiad. Nagtipun-tipon ang mahigit 12 libong manlalaro mula sa 45 bansa at rehiyon na kalahok sa kompetisyon ng 42 paligsahan. Mula sa unang Asian Games na idinaos sa New Delhi, India, nakalahok ang Philippines sa lahat ng 16 na palaro at nakatipon ng 357 medals na kinabibilangan ng 60 gold medals. Ang performance na ito ang naglagay sa Pilipinas sa ika-9 na puwesto sa cumulative medal table ng lahat ng nagdaang 15 Asian Games. Ang mga pinoy ay dating kompeon sa basketball court, running track, swimming pool at weightlifting court. Noong idaos ang Asiad sa Manila, pangalawa ang Pilipinas sa medal table na kasunod ng Hapon. At sa kasalukuyang Guangzhou Asia Games, meron tayong Sheila Mae Perez, Benjie Rivera, Eduard Folayang, Ma. Marna Pabillore, Noel Espinosa at iba pang bagong henerasyon ng super stars na nagpraktis para sa 2012 London Olympic Games. Hangad ko—at nating lahat—ang pinakamagandang resulta sa kanilang pagsabak sa arenang pampalakasan ng Guangzhou.

Kayo'y nasa programang Pop China ng serbisyong Filipino, China Radio International, ito muli si Sissi, inyong Happy DJ. I-reveal muna natin ang laman ng aming music chart.

Ika-3. "womanizer" na ibinigay ni Jolin Tsai.

Ika-2, "tatay" na ibinigay ni Jay Chow, ipinakikita ang conservation at heaviness ng father's love.

Ang winner ay…Happy Couple" ni Pang Long na sinasabing hindi nagtatapos ang ating love sa marriage.

Ang Asiad ay hindi lang carnival ng sportsmen at sports fans kundi maging ng music fans. Buong sipag na kinatha at kinanta ng mga composer at singer na Tsino ang masarap na masarap sa tengang mga piyesang musikal na may kinalaman sa mithiin ng Asia Games, pangmalayuang kultura at magigiliw na mamamayang Asyano. Ngayong gabi, kasiyahan natin ang mga kanta ng Guangzhou Asia Games. Asia,where the sun has risen, Asia,where civilization were born, Ah,here is the most beautiful, Here is the most bright. Sapul nang maisapublisize, agarang naging popular na popular ang theme song ng Guangzhou Asiad na'Magkita-kita Tayong Muli". Maganda ang melody at madaling sundan ang lyrics. Naakit pa nito si Franklin Yang, winner ng Nobel Prize for physics bilang tagasalin.

Ang Guangzhou na nasa southeastern part ng Tsina ay kilala bilang "lunsod ng bulaklak." Nananatiling mga 15-25 degrees Celsius sa panahon ng pagdaraos ng Asia Games, mas malamig dito ng konti kumpara sa Philippines. Sana maipakita ng mga manlalaro ang pinakamataas na level ng kakayahan at makapagbigay ng pinakaexciting moments sa sports fans. I love Aquatics, Gymnastics, Billiards, Dancer sports at Taekwondo, ikaw? Anong hilig mo?

Ang naririnig ninyo ay isa pa ring theme song ng Guangzhou Asia Games-"Kay Ganda" na inawit ni Emil Chow. Kay ganda ng bulaklak, kay ganda ng palakasan. Magbigay tayo ng pinakamagandang bulaklak sa pinakamahuhusay na manlalaro.

Manila: shower, 25 to 32 degrees Celsius. Beijing: clear , getting cloudy, 7 to -4 degrees Celsius. Muli, hinahangad natin matatamo ang magandang resulta ng mga athletes, hindi mahalaga ang medalya, kundi ang kanilang spirit. Mas mataas, mataas mabilis at mas malakas. Ok, huwag kalimutang ibahagi ang inyong love or hard feelings kay Sissi sa Filipino. cri.cn o pagteks sa 09212572397. God bless, bye.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>