|
||||||||
|
||
Sa modernong lipunan ng Tsina, kasunod ng kay-bilis na paglaki ng populasyon ng mga matatanda, ang pag-aasikaso sa kanila ay hindi lamang umaasa sa kanilang mga anak, ang parami nang paraming matatanda ay mas pinipili na manatili sa mga bahay-kahinga ng mga matatanda para ma-enjoy ang kanilang nalalabing buhay.
Si Zhang Yuhua ay isang mahigit 80 taong gulang na babae at nakatira sa sentro ng pag-aasikaso sa mga matatanda ng lunsod Yantai ng lalawigang Shandong ng Tsina. Sinabi niya na
"Mayaman ang aking pamumuhay dito. Lumahok ako sa mga aktibidad na gaya ng pagsasayaw, pagkanta, pagsasanay ng Taijiquan at iba pa."
Ang nabanggit na sentro ay nasa baybayin ng Yellow Sea ng Tsina at maganda ang kapaligiran. Sinabi ni Yu Yongjun, Direktor ng sentrong ito, na ang sentrong ito ay komprehensibong organisasyon na nagkakaloob, hindi lamang ng mga bahay-panirahan para sa mga matatanda, kundi ng serbisyo na gaya ng pag-aasikaso, kalusugan, paglilibang at iba pa. Mahigpit at istandardisado ang pangangasiwa doon. Sinabi niya na
"May mahigpit na regulasyon at istandardisadong pangangasiwa kami. Dahil sa pagkakaloob ng komprehensibong serbisyo sa mga matatanda na gaya ng pag-aasikaso, kalusugan, pagkain, sikoterapiya at kalibangan, ang mga staff ng sentrong ito ay taos-pusong nag-aasikaso sa naturang mga matatanda na parang kanilang mga magulang."
Sinabi ni Yu na naitatag ang sentrong ito noong 2007 at sa kasalukuyan, nakatira sa sentrong ito ang mahigit 440 matatanda na galing sa buong bansa. Dahil sa mabuting kapaligiran at kondisyon ng pamumuhay doon, ang mga matatanda na galing sa ibang mga purok ng bansa ay gustong tumira sa sentrong ito nang ilang buwan sa napakainit o napakalamig na panahon. Ang mag-asawang Hua Jun at Liu Jin ay mga matatanda na taga-Beijing. Kauna-unahang bumisita sila sa sentrong ito. Kaugnay ng dahilan ng kanyang bisita doon, sinabi ni Liu na
"Tumira minsan ang isang kaibigan ko sa sentrong ito noong taglamig. Pagkatapos ng pagbalik sa Beijing, agarang isinalaysay niya sa akin ang mga kalagayan ng sentrong ito. Sinabi niya na ang sentrong ito ay isang angkop na lugar para mamuhay ang mga matatanda."
Pagkaraan ng ilang oras na pamumuhay sa sentrong ito, sinabi ni Liu na gustong-gustong mamuhay doon nilang mag-asawa. Sinabi niya na
"Unang una, mabuti ang kapaligirang ekolohikal doon, ang sentrong ito ay nasa baybayin ng dagat at malapit naman sa mga bundok na may mayayabong puno at halaman. Bukod dito, mabuti naman ang serbisyo ng mga staff doon. Nag-aasikaso sila sa amin parang kanilang kamag-anak."
Sinabi ni Hua Jun na nag-eenjoy siya ng pamumuhay doon. Kasi ang tanging bagay na ipinagmamalasakitan niya ay ang pagpapanatili ng masasayang kalooban at kalusugan. Sinabi pa niya na ang sentrong ito ay nagsisilbing paraiso para sa mga matatanda. Sinabi niya na
"Ang pinakamalubhang isyu para sa mga matatanda ay kapanglawan at kulang sa pag-aasikaso. Gusto naming mga matanda na makipaghuntahan sa aming anak, pero lagi silang abala at walang oras. Pero sa sentrong ito, walang ganitong isyu. Isinasaayos nang mabuti ang aming araw-araw na pamumuhay. May mabuting pag-aasikaso at mayayamang aktibidad na pangkultura at pampalakasan. Tuwing gabi pagkatapos ng hapunan, makikitang malayang naghuhuntahan ang mga matatanda at pumapasyal. Kaya hindi nararamdaman ng mga matatanda ang kapanglawan dito."
Sinabi nina Liu at Hua na lubos na ikinasisiya nila ang pamumuhay doon at ipinasiyang pupunta naman sa sentrong ito sa hinaharap, siguro pagkaraan ng ilang taon, pangmatagalang makakatira sila doon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |