|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, ang isyu ng pagbabago ng klima ay naging isa sa mga malubhang hamon na kinakaharap ng sustenableng pag-unlad ng buong daigdig at ang sisitema ng konstruksyon ng lunsod at nayon ay may mahigpit na kaugnayan sa isyung ito. Kaya, nitong ilang taong nakalipas, lubos na pinahahalagahan ng mga departamento ng Ministry of Housing and Urban-Rural Development ng Tsina ang isyung ito at isinasagawa ang mga positibong hakbangin para mapasulong ang pagtitipid ng enerhiya sa larangan ng konstruksyon ng lunsod at nayon.
Ang sistema ng konstruksyon ng lunsod at nayon ay sumasaklaw sa mga larangan na gaya ng building industry, suplay ng tubig at enerhiya, waste management, pagpapaberde ng kapaligiran at iba pa. Kaya para sa Tsina, ang pagpapabuti ng pagtitipid ng enerhiya sa sistemang ito ay nagsisilbing mahalagang hakbangin para sa pagkontrol ng pagbuga ng greenhouse gas. Kaugnay nito, sinabi ni Li Bingren, punong ekonomista ng nasabing Ministri ng Tsina, na
"Unang una, pinahihigpit namin ang pagsusuperbisa at pangangasiwa sa pagtitipid ng enerhiya sa mga bagong tayong arkitektura alinsunod sa batas. Hanggang noong katapusan ng 2009, ang saklaw ng mga energy saving building sa buong bansa ay lumampas sa 4 na bilyong metro kuwadrado na makakabawas ng 23.4 milyong toneladang CO2 bawat taon. Ikalawa, lubos na pinasusulong namin ang pagtitipid ng enerhiya sa sistema ng house heating sa dakong hilaga ng bansa. Ayon sa pagtaya, ang gawaing ito ay makakatipid ng halos 750 libong toneladang pamantayang karbon at sa gayo'y babawasan ng 2 milyong tonalada ang pagbuga ng CO2 bawat taon."
Bukod dito, aktibong pinasusulong ng nabanggit na Ministri ang pagamit ng recycling energy sa mga arkitektura at pinabibilis ang konstruksyon ng mga hardin ng mga lunsod. Kaugnay nito, sinabi ni Li na
"Hanggang noong katapusan ng 2009, ang saklw ng mga arkitektura sa buong bansa na ginamitan ng solar power ay lumampas ng 1.1 bilyong metro kuwadrado at ang saklaw nito na gumamit ng geothermal energy ay umabot sa 139 milyong metro kuwadrado. Bukod dito, ang green ratio ng mga lunsod ay umabot sa 38% at ang karaniwang saklaw bawat tao ng public green coverage ay umabot sa halos 11 metro kuwadrado."
Kasabay nito, isinasagawa pa ng Ministring ito ang ibang mga hakbangin para mapasulong ang pagtitipid ng enerhiya. Inilahad ni Li na
"Halimbawa, sa isyu ng pangangasiwa sa mga basura sa lunsod. Unang una, maaari naming maagap na alisin ang halos lahat ng mga basura ng lunsod bawat araw. Ikalawa, unti-unting lumalakas ang kakahayan sa pagbawi at paggamit ng mga materyal na walang silbi't itinapon, sa gayo'y makakatipid kami ng mga mahalagang yaman. Bukod dito, lumalakas nang lumalakas naman ang kakahayan sa wastong pangangasiwa sa mga basura upang hindi humantong sa kapinsalaan sa kapaligiran at kalusugan ng mga tao. Noong 2009, isinasagawa bawat araw ang wastong pangangasiwa sa mahigit 350 libong toneladang barusa sa mga lunsod na katumbas ng mahigit 70% ng kabuuang bolyum ng mga basura sa lunsod ng buong bansa."
Sinabi ni Li na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umunlad ang mga lunsod ng bansa at lumalaki nang lumalaki ang saklaw nito, kaya dapat isagawa ang patakaran ng bansa sa pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon sa proseso ng konstruksyon ng lunsod at nayon. Sa isang dako, dapat mahigpit na isagawa ang pamantayan ng pagtitipid ng enerhiya sa mga bagong-tayong arkitektura, sa kabilang dako naman, dapat pabilisin ang pagsasagawa ng pagbabago sa mga itinayong arkitektura para magtipid ng enerhiya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |