|
||||||||
|
||
Ang Qingdao sa Lalawigang Shandong ng Tsina ay isang kilalang lunsod na panturista. Kung masasabing ang dagat ay kaluluwa ng Qingdao, ang sailboats ay palatadaan nito. Pagkaraang ituring na lunsod na pagdarausan ng paligsahan ng sailing ng Beijing Olympic Games ang Qingdao noong 2001, nakaranas ang lunsod na ito ng 10 kataka-takang taon sa proseso ng pagtatatag ng lunsod ng sailboats. Sa palatuntunan ngayong gabi, dadalhin kita sa Qingdao para maramdaman ang atmopera ng lunsod ng sailboats.
Nagiging maringal na kapistahan sa Qingdao ang pandaigdig na kapistahan ng dagat na idinaraos tuwing tag-init. Sa seremonya ng pagbubukas, nagtipun-tipon sa Fushan Bay ng Qingdao ang daan-daang sailboats, banda ng hukbong pandagat at grupo ng snare drum at waist drum, bagay na nakakahikayat ng pansin ng nakararaming bisita.
Ang 60 taong gulang na tiya na si Ginang Cong ay isa sa mga miyembro ng grupo ng waist drum. Sinabi niya na,
"Ang kapistahan ng dagat ay katangi-tanging tampok ng Qingdao. Pagdating ng kapistahang ito, tuwang tuwa ang mga kaibigan ko at mga miyembro ng aming grupo ng waist drum. Nag-insayo kami nang isang buwan para mag-perform sa kapistahang ito."
Mahigit 10 taon na ang kasaysayan ng kapistahan ng dagat ng Qingdao at ang nilalaman nito ay ibinabahagi sa 4 na aspekto, alalaong baga'y kultura ng dagat, palakasang pandagat, pandaigdig na linggo ng sailboats at pagtatanghal ng hukbong pandagat. Nitong nakalipas na ilang taon, unti-unting tumutungo sa internasyonal at di-pampamahalaan na direksyon ang ideya at paraan ng pagtataguyod ng ganitong kapistahan.
Isinalaysay ni Ginoong Qiu Yue, pangalawang puno ng departamento ng pagpapalaganap at pagpo-promote ng kapistahan ng dagat ng Qingdao, na ang pagtataguyod ng kapistahang ito ay mahalagang hakbangin ng Qingdao sa pagtatatag ng lunsod ng sailboats. Ang bundok, dagat, lunsod at sailboats ay itinuturing na tampok ng Qingdao at kabilang dito, pinakakatangi-tangi ang sailboats nito.
"May bentahe ang Qingdao sa pagtatatag ng lunsod ng sailboats. Halimbawa, ang kultura ng sailboats ay isa sa mga pangunahing kultura ng Qingdao at ang industrya ng sailboats naman ay pangunahing industrya ng lunsod na ito. Bukod dito, may maraming tagahanga ng sailing sa Qingdao. Binubuo ng nabanggit na mga bentahe ang mahalagang elemento ng pagtatatag ng lunsod ng sailboats."
Sa kasalukuyang taon, komprehensibong sinimulan ng Qingdao ang plano sa pagpapalaganap ng sailing. Ayon sa planong ito, 50 libong karaniwang residente sa Qingdao ang makakatanggap ng karanasan at pagsasanay sa sailing nang walang bayad; hanggang taong 2015, 300 libong residente ang makikisangkot sa ganitong karanasan at pagsasanay.
Kasabay nito, pinapalaganap ang kultura at ideya na may kinalaman sa sailing. Pero dahil sa katangian at limitasyon ng palakasang ito, magiging unting-unti ang proseso ng pagpapalaganap ng sailing sa buong bansa. Ipinalalagay ni Ginang Bao Mei, residente sa Qingdao, na kung nais itatag ang lunsod ng sailboats, dapat sanayin muna ang propesyonal na manonood sa sailing events.
"Kung may sailing events sa Qingdao, dinala ko ang anak ko para makuha ang mas maraming kaalaman sa aspektong ito. Nananalig akong pagkaraan ng 5 hanggang 10 taon na pagsasanay, mauunawaan namin ang sailing events at magiging intersadong intersado sa ganitong palakasan. Kung malalaman ng mas maraming tao ang sailing, saka lamang mapapalaganap ito sa buong lunsod at mabubuo ang mainam na atmospera para sa pagsasanay ng mga sailing athletes."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |