Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Usapin sa kalusugan ng Tsina, mabilis na umunlad

(GMT+08:00) 2010-11-20 17:51:19       CRI

Noong 5 taong nakaraan, mabilis na umunlad ang usaping pangkalusugan ng Tsina at kasunod ng komprehensibong pagpapasulong ng reporma sa sistemang pangkalusugan, ibayo pang bumubuti ang medical insurance system na sumasaklaw sa nayon at lunsod.

Nitong 5 taong nakalipas, lumalaki nang lumalaki ang laang-gugulin ng pamahalaang Tsino sa larangan ng kalusugan. Ayon sa estadistika, mula 2006 hanggang 2009, nakapaglaan ang central fiscal ng Tsina ng mahigit 185 bilyong yuan RMB para rito at kapansin-pansin ang pagpapabuti sa kalagayang pangkalusugan. Kaugnay nito, sinabi ni Chen Zhu, Ministro ng Kalusugan ng Tsina, na

"Natapos na sa kabuuan ang sistema ng serbisyong pangkalusugan na sumasaklaw sa nayon at lunsod. Walang humpay na lumalakas ang kakayahan sa pagpigil at paggamot sa mga sakit, lumalaki nang lumalaki ang populasyon na isinasailalim ng medical insurance system at mabilis na tumataas ang lebel ng teknolohiyang pangkalusugan. Sa kasalukuyan, maliwanang na nakikitang bumbuuti ang lagay ng kalusugan ng sambayanang Tsino at ang pangkalahatang kalagayang pangkalusugan ng mga residente sa mga nayon at lunsod ay nasa unang hanay sa mga umuunlad na bansa."

Upang malutas ang mga isyu na lubos na pinagmamalasakitan ng mga mamamayang Tsino, sinimulan ng bansa ang bagong round ng reporma sa sistemang pangkalusugan. Noong 2009, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang bagong plano ng reporma para makinabang ang lahat ng mga sibilyang Tsino sa saligang sistemang pangkalusugan. Sinabi ni Chen na

"Sa madaling sabi, ang repormang ito ay meyroon ng 2 target, sa isang dako, mapigilan at bawasan ang mga sakit para sa mga mamamayan; sa kabilang dako naman, makatanggap ang mga mamamayan ng mabuting konsultasyon at mapagaan ang pasanin nila sa pagpapagamot."

Upang maisakatuparan ang naturang 2 target, nakahanda ang Tsina na maglaan ng 850 bilyong yuan RMB sa loob ng darating na 3 taon. Bilang isa sa mga mahalagang nilalaman ng repormang ito, maitatatag ng bansa ang sistema ng saligang garantiyang pangkalusugan na sumasaklaw sa mga nayon at lunsod at ang nasabing sistema ay pinakamalaki sa gayon mga sistema ng buong daigdig. Sa kasalukuyan, ang nabanggit na sistema ng Tsina ay sumasaklaw sa mahigit 90% populasyon ng bansa.

Bukod dito, nagpapasulong ang Tsina ng pagkakapantay-pantay sa saligang serbisyong pampubliko ng kalusugan at nagpapaliit ng agwat sa mga residente ng mga nayon at lunsod sa aspetong ito.

Upang mapagaan ang pasanin ng mga mamamayan sa pagpapagamot, opisiyal na sinimulan ng Tsina ang pambansang sistema ng mga saligang gamot noong 2009 at sa gayo'y ibinebenta sa pinakamababang presyo ang 307 uri ng mga karaniwang gamot. Kaugnay nito, sinabi ni Ginang Hu Linlin, dalubhasa mula sa Tsinghua University ng Tsina, na

"Ang naturang mga hakbangin ng reporma sa sistemang pangkalusugan ay nakakatulong sa pagpapasulong pagkakapantay-pantay sa kalusugan at makikinabang dito ang mga karaniwang mamamayan ng Tsina, lalong lalo na ang mga socially vulnerable groups."

Noong nakaraang 5 taon, walang humpay na lumalakas ang kakayahan ng Tsina sa pagharap sa biglaang pangyayari ng kalusugang pampubliko at masiglang tinanggap ng daigdig. Halimbawa, noong 2009, naganap ang malubhang epidemya ng influenza A o H1N1 sa apat na sulok ng daigdig, unang-unang nagdebelop at nagprodyus ang Tsina ng bakuna ng influenza A at ininiksyonan ang mahigit 100 milyong tao. Napahupa nito nang malaki ang pagkalat ng epidemiya at epekto sa lipunan at nabawasan ang bilang ng mga namatay dahil dito.

Kaya may katuwiran na naniniwalang magiging mas mabuti ang kalagayan ng serbisyong pangkalusugan ng Tsina sa hinaharap.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>