|
||||||||
|
||
Uu…malamig na malamig dito sa Beijing. Naaamoy na ang papalapit na Pasko. Mas lalo pang bumaba ang temperature ngayong araw. Maganda pang tumigil na lang sa bahay. Pero, hindi nawawala ang pag-asa ko na uulang ng niyebe bago magtapos ang December. White Christmas, di ba? Para sa mga pinoy na di pa nakakakita ng tunay na snow…this Christmans, taos-pusong inaanyayahan kayo ni Sissi na magtravel sa Tsina sa panahon ng Pasko. Samantalang kinagigiliwan ng mga turistang Chinese ang mga tropikal na tanawin sa Boracay, Baguio at Palawan, maari namang kasiyahan ng mga pinoy ang snow sceneries sa Harbin, Jilin at Changchun ng Tsina. Makapal na ang niyebe roon sa dakong hilaga silangan ng Tsina. At kung sakali namang dumaaan kayo ng Beijing, huwag kalimutang kontakin si Sissi. Kumpara sa inyong tour guides, mas marami akong alam na restaurants na nagse-serve ng masasarap na pagkain at mga kawili-wiling lugar sa lunsod…Action is better than hesitation. Hihintayin kayo ni Sissi dito sa Beijing.
Ang darating na Huwebes ay Thanksgiving Day. Sinu-sino ang gusto ninyong pasalamatan? Tatay at nanay niyo? Lolo't lola? Mga guro? Kaklase? Mga kaibigan? Mga kasamahan? Ok, I-reveal muna natin ang laman ng aming music chart.
Ika-3, "tatay," na inawit ni Jay Chow. Ipinakikita nito ang conservativenes at heaviness ng father's love.
Ika-2, "Happy Couple," ni Pang Long. Sinasabing hindi nagtatapos ang ating love sa marriage.
Ang winner ay… "Kay Ganda"na ibinigay ni Emile Chow, theme song ng Guangzhou Asian Games. sabi ni Rodel:ayos dating ng kantang \"kay ganda\" ni emil chow. very expressive. talaga namang lahat ng bagay sa mundo ay maganda, mga tao lamang ang nagpapapangit sa mga bagay na ito.sabi pa ni Cecilia: sa tingin ko, parang olympics din itong asian games sa guangzhou. hindi rin ito makakalimutan ng mundo, lalo na ng mga pilipino, win or lose.
Para sa mga bata, ang lolo ay isang special someone. Kung bising-busy si erpat at walang time na makipaglaro o samahan tayong mag-stroll, si lolo ang di puwedeng mawalang company sa ating childhood. Hindi nangangailangan ng aklat, puwedeng magkuwento anywhere anytime. Laging tolerant, nananatiling nakangiti kahit nakakagawa tayo ng kamailan. Ibinibili niya tayo ng masasarap na snack food bago tayo sunduin sa eskuwela. Sa bagong kantang "Lolo" ni Gary Cao, maririnig natin ang hinggil sa isang mabait na lolo na laging nagbibigay ng encouragement sa kanyang apong lalaki na galugarin ang outside world. Pero, nang malaki na tayo at nalayo sa kanya, natatandaan pa ba natin ang lasa ng kending ibinibigay niya sa atin noon? Unang recommended song ngayong gabi para sa Thanksgiving Day-'Lolo" na inawit ni Gary Cao.
Habang isinu-shoot ni Gary Cao ang MTV ng"Lolo', patuloy din ang pagpatak ng kanyang luha. Mahigit 10 oras din siyang lumuha. Habang pinasasalamatan natin ang ating tatay, nanay, kaibigan, guro at mga loved ones, huwag naman nating kalimutan ang iba pang mga espesyal na tao. Maski yung mga kaaway natin o yung mga nakasakit sa atin. Ito ang kanilang walang humpay na pagsisikap, tuluy-tuloy na pagbibigay-dagok. Dapat maging malakas, matatag at mature ka. Sa papalapit na Thanksgiving Day, pls allow me to express my wishes sa lahat ng enemies na manatiling malusog at matatag at patuloy at buong sikap na tularan tayo at abutin ang certain level of perfection. . Ika-2 kantang inirecommend ngayong gabi para sa Thanks Gaving Day-'It does't matter" na inawit ni Kenji Wu.
Sabi ni Becky: si jacky chan ba siya rin ang gumawa ng mga inirekord niyang kanta? meron ba siyang english song? Kahit bising-busy Si Jacky, pinipilit pa rin niyang kumanta. Tuwing nagko-concert si Emil Chow at iba pang close friend niya, bilang guest singer, talagang bigay-todo siyang kumakanta hangga't gusto niya. So far, wala pa naman siyang nairerekord na English song. Patutugtugin ko ang isang classic sosng niya, ang "Clear Conscience." Sana magustuhan mo.
Matatapos ang ating programa pero hindi matatapos ang aking pasasalamat sa pagkatig at pagpapahalaga ninyo. Have a nice Thanksgiving Day at tirhan ninyo ako ng isang turkey leg-- biro lang. God bless…Bye!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |