|
||||||||
|
||
Ang Lu Xun Award for Literature ay isang pambansang parangal na espesyal na iginagawad ng pamahalaang Tsino para sa mga magagandang katha sa loob ng bansa tuwing 3 taon. Sa taong ito, ginawaran ng parangal ang 30 akda na kinabibilangan ng mga nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay at komentaryo. Sa ika-5 seremonya ng paggagawad na idinaos kamakailan sa Zhejiang, lupang-tinubuan ni Lu Xun, ang mga may-akda ng naturang mga katha ay popular na tinanggap ng mga apisyunado parang super star. Kaugnay nito, sinabi ni Lei Da, isang kilalang komentarista ng Tsina, na ang naturang mga akda ay kumakatawan sa mga pangunahing bunga sa aspekto ng literaturang Tsino noong nakaraang 3 taon, sinabi niya na
"Sa tingin ko, mas popular ang ganitong mga akda na nagbibigay-pansin sa tunay na pamumuhay at mga isyung panlipunan, lalo na ang mga akda na nagbibigay ng malaking pansin sa socially vulnerable groups. Tulad ng sinabi ni Lu Xun, isang dakilang manunulat ng Tsina, ang mga magagandang akda ay dapat maukol sa pamumuhay at mga taong naghihikahos. Ang paksang ito ay permanenteng tampok ng literature."
Ang kuwentong Ci Gu ay isa sa mga akda na ginawaran ng ika-5 Lu Xun Award for Literature. Inilarawan nito ang karanasan ng isang babae sa lunsod noong ika-7 dekada ng nagdaang siglo para lumikas sa kanyang arranged marriage sa nayon. Si Su Tong ay manunulat ng kuwentong ito. Kahit lalaki siya, mahusay sa mga babaeng bida sa kuwento. Kaugnay nito, sinabi niya na
"Lalaki man o babae, hindi maihihiwalay ang kani-kanilang pamumuhay, ang ginagawa ko ay nagpapakita ng kanilang kinakaharap na isyu. Ang aking kuwentong Ci Gu ay nagsalaysay ng ilang bagay noong dati, pero ngayon, nakakatagpo rin ang mga tao ng katulad na bagay. Dahil ang mga isyung pantao ay tuluy-tuloy na umuunlad."
Sa ika-5 Lu Xun Award For Literature, ang mga akda na popular lamang sa internet ay kauna-unahang inilakip sa kategoriya na magagawaran ng parangal. Pero ang ikinalulungkot ay walang alinmang ganitong akda ay tumanggap ng parangal na ito. Kaugnay nito, sinabi ni Chen Qirong, opisiyal ng Chinese Writers Association, na ang ganitong mga akda ay isang bagong-sibol na uri ng katha, kaya wala pang mga maliwanag at kumpirmadong pamantayan ng paggagawad ng parangal para sa mga akdang ito at saka hindi nararating pa ang komong palagay para tasahan ang ganitong mga akda.
Sa kasalukuyan, mabilis ang ritmo ng pamumuhay at depersipikado ang kultura. Sa ilalim ng gayong kalagayang panlipunan, ang Lu Xun Award for Literature ay muling nakatawag ng pansin ng lipunan, ito'y nagpapakitang sumisigla ang literature at muling pinahahalagahan ito ng publiko. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Tie Ning, tagapangulo ng nabanggit na asosyasyon, na ang bawat akda ay dapat galugarin ang mga bagong larangan na hindi nilinang noon. Sinabi niya na
"Ang proseso ng pagkatha ay nagsisilbing proseso ng pagsisisi sa sarili at pagtitimbang ng pamumuhay at pag-unlad ng panahon. Bilang isa sa mga pinakamataas na pambansang karangalan sa literature, ang Lu Xun Award for Literature ay nangangahulugan, hindi lamang isang karangalan, para sa isang manunulat, ito'y responsibilidad na panlipunan rin para sa kanya. Dapat isabalikat namin ang tungkulin ng pagpapakita ng pag-unlad ng lipunan at masiglang diwa ng Nayong Tsino."
Para sa naturang mga manunulat na tumanggap ng parangal, si Lu Xun ay kanilang huwaran at ikinagagalak nilang tumanggap ng paranal. Kaugnay nito, umaasa si Tie na magsisikap silang lahat mga manunulat na Tsino para patuloy na sumulat ng mga akda na maipakita ang saloobin ng mga mamamayan at may mataas na lebel na akda. Ito'y pinakamabuting paraan para magbigay ng kanilang taos-pusong pagpupugay kay Ginoong Lu Xun.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |