Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-41 2010

(GMT+08:00) 2010-11-29 15:59:12       CRI

Kumusta po mga bising-busy o libreng-libreng Pinoy? Kumusta Pilipinas? Hinihintay ba ninyo ako? Nananabik akong makapiling kayo sa Pop China tuwing Linggo ng gabi. Ako ang inyong happy DJ-sissi.

Attention please! Isang big news~ Bilang pagsalubong sa papalapit na Pasko at Bagong Taon, mula sa episode na ito, magkakasunod na iri-recommend at isasalaysay ng Pop China ang 12 kandidatong Chinese singers at ang kanilang pinakapopular na kanta sa taong 2010. Mula bukas, puwedeng bumisita ang music fans ng aming website: filipino.cri.cn, at i-cast ang pinakamahalagang pagboto sa hottest Chinese singer sa kanilang puso. Ayon sa resulta, pipiliin namin ang limang pinakapopular na singer na Tsino sa mga pusong pinoy at pipiliin namin ang ilang masusuwerteng tagapakinig sa mga kalahok at padadalhan ng mga aginaldo mula sa Serbisyo Filipino ng China Radio International. Er…tingnan muna natin ang mga aginaldo: Nokia mobile phone, MP3, Radio Set, table cloth, scarf, silk handbag….maraming marami eh…puwede ring bumoto ang mobile phone users sa pagmamagitan ng pagteks sa 09212572397. Pero, ang pinakamahalag, huwag kalimutang iwanan ang inyong address o contact number habang bumoboto sa aming website o nagteteks. Click Here

Ok, ang unang nominee ay tatlong lovely supergirls.-give me their collective name, tama, S.H.E.

Noong taong 2001, sa kanilang paglahok sa isang singing contest, binuo nina Selina, Hebe at Ella ang super girls group-S.H.E. Ang pangalan ng kanilang grupo ay kumakatawan sa tenderness, confidence, at bravery. Sa loob ng sampung taon ng pananatili sa sirkulong musikal, marami-rami rin silang nairekord na kantang maituturing na classic, na gaya ng "Super Star," "Neverland," "Stop the Time," "Woman in Love," at sa taong 2010, ang kanilang bagong album na tinawag na Shero, combination ng S.H.E at Hero, ay palatandaan ng pagsisimula ng transpormasyon ng S.H.E.- hindi na sila girls, nagsisinula nang maging women; queens and no longer princesses.

Ang ika-2 nominee ay super, super star ng sirkulong musikal ng wikang Tsino Si Jay Chow

Kung tatanungin kayo kung sino ang pinakapopular na singer na Tsino ngayon, walang duda, ang inyong sagot ay Jay Chow. Nitong dalawang taon na ang nakararaan, nananatiling abala-abala si Jay bilang actor, director, composer, producer, parang isang jack-of-all-trades. 30 taong gulang lamang si Jay pero siya ay itinuturing nang godfather ng sirkulong musikal, nakapag-promote ng maraming singers at nagkaroon ng sariling music company. Pero, pagbaba ng stage, si Jay ay isang karaniwang lalaki. Sa bagong kantang "superman that can not fly", gustong sabihin ni Jay sa mga tagahanga na hindi ako superman, kaya, please allow me to have a little rest. Hindi ako superman, kaya, hindi dapat maging No.1 ang album ko. Sa katunayan, walang superman, kundi isang masipag na music lover, composer at singer.

Ika-3 nominee ay isang bandang binubuo ng apat na kabataan at meron silang isang kataka-takang pangalan-Big Mouth.

Ang Big Mouth ay pinakapopular na band sa Golden Melody Music Festival. Magkakaiba ang role sa grupo ng apat na miyembro. Si Aisa ay leading vocalist. Si Harry naman ang creative writer at choreographer. Si Sakamoto Chun Wha ay namumukod na DJ. Ang lahat ng beat-mixing na naririnig ninyo sa kanilang kanta ay kanyang obra. Si Simon na isinilang at lumaki sa E.U. ay isang rapper at lyricist. Apat na may distinct character na miyembro, naghahatid sa atin ng makukulay na istilo ng musika. At dahil pag nagkakasama-sama silang lahat, walang tigil ang kuwentuhan nila tungkol sa iba't ibang kataka-takang pangyayari-- at may kadaldalan sila, kaya pinangalanan ng music company ang kanilang band ng "Big Mouth."

Ok, iyan ang unang tatlong nominees. Malinaw na. Sino ang pinakanagugustuhan ninyo? Mula bukas, ika-30 ng Nobymbre, puwedeng bumisita ang mga music fans sa aming website: filipino.cri.cn o magtek sa 09212572397 at i-cast ang kanilang pinakamahalagang pagboto sa hottest singer Tsino sa kanilang puso. Naghihintay sa inyo ang mga kapanapanabik na aginaldo. Action is better than hesitation. Hihintayin kayo ni Sissi dito sa Beijing.

Hey, kuya, saan kayo pupunta?…

Sh…, boboto para sa hottest Chinese singers…gusto ko rin ang Ipod.

Hey~sisimula ang aming aktibidad bukas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>