Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nagbibigay-pansin sa isyu ng mental disease

(GMT+08:00) 2010-11-30 15:31:07       CRI

Ayon sa inisiyal na estadistika, halos sangkapat na populasyon ng buong daigdig ay naapektuhan minsan ng mental disease at sa Tsina, ang bilang ng mga nagkaka-mental disease ay lumampas sa 100 milyon, kaya ang mental disease ay naging malubhang isyu ng kalusugang pampubliko at nakatawag ng malawak na pansin ng buong lipunan ng Tsina.

Sa ika-19 na World Mental Health Day noong ika-10 ng nagdaang Oktubre, idinaos sa Beijing ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina ang aktibidad para mapalaganap ang mga kaalaman hinggil sa mental disease at mawagan sa publiko na pahalagahan ang isyu ng mental health. Tinukoy ni Chen Xiaohong, pangalawang Ministro ng Kalusugan ng bansa, na ang pag-uugnayan, pag-uunawaan at pag-aasikaso ng mga tao sa isa't isa ay gumaganap ng napakahalagang papel sa pagpapasulong ng kalusugang saykolohikal at may-harmonyang lipunan. Sinabi niya na

"Ang gawain namin ay hindi nauukol lamang pagpigil at paggamot ng iba't ibang uri ng mental disease, kundi dapat magsikap na mapigilan at bawasan ang mga saykolohikal na isyu na may kinalaman sa mental disease. Sa taong ito, ang pangunahing gawain nito ay nagbibigay-pansin sa psychological mental health ng mga bata at manggagawa."

Ang World Mental Health Day ay itinaguyod ng World Federation for Mental Health para makatawag ng pansin ng komunidad ng daigdig sa isyu ng mental health. Sa kasalukuyan, ang isyu ng mental disease ay naging malubhang isyu na pangkalusugan sa buong daigdig. Ayon sa estadistika, halos 150 milyong tao sa buong daigdig ay tinataranta ng depresyion, mahigit 120 milyon ay nagkakaroon ng mga mental problem na dulot ng alcohol dependence at halos 1 milyon ay nagpakamatay dahil sa iba't ibang mental disease bawat taon.

Sinabi ni Ginoong Cris Tunon, opisiyal ng World Health Organization, na ang kasalukuyang kakayahan sa serbisyong pangkalusugan ay hindi nakatugon sa aktuwal na pangangailangan ng paggamot sa mga mental disease at ang isyung ito ay higit na grabe sa mga low and middle income countries. Kaugnay nito, Sinabi niya ba

"Malawak ang isyu ng mental disease sa buong daigdig, pero kulang na kulang sa yaman ng buong daigdig sa pagpigil at paggamot sa mental disease at hindi mabuting ginagamit ang iyong mga yaman. Kaya ang maraming nagka-mental disease ay hindi nakatanggap ng kinakailangang pag-asikaso at tulong na medikal."

Nitong ilang taong nakalipas, isinasagawa ng Tsina ang isang serye ng mga mental health project para makapagtamasa ang mga may mental disease ng mas mabuting serbisyo na abot ng kanilang lukbutan. Sa Beijing, ang serbisyo sa mental disease ay isinasailalim ng sistema ng serbisyo ng kalusugang pampubliko. Sinabi ni Ma Lin, opisiyal ng pamahalaan ng Beijing, na

"Bilang tugon sa mga karaniwang tao, isinasagawa namin ang edukasyon at pagpapalaganap ng mga kaalaman hinggil sa mental health, itinatag ang regular na mekanismo ng pagtasa at pagbibigay-tulong at binalangkas ang mga plano at hakbangin ng pamamatnubay na saykolohikal."

Ayon sa may kinalamang estadistika, sa kasalukuyan, kaunti lamang sa mga mamamayang Tsino ang nakakaalam ng mental disease at kaunti rin ang gustong kusang-loob na tumanggap ng konsultasyon. Kaya ito'y nakakahadlang nang malaki sa paggaling ng mga may-sakit. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Liang Hong, dalubhasa mula sa sentro ng pagpigil at pagkontrol ng mental disease ng Beijing, na dahil malaki ang presyur na galing sa kasalukuyang pamumuhay, maraming tao ang nasa sub-health condition. Kaya ang tulungan ang mga tao na malaman ang mental health ay nakakatulong, hindi lamang sa kanilang sarili, kundi sa ibang mga tao sa paligid.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>