Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pribadong museo ng chopsticks ng isang matanda

(GMT+08:00) 2010-12-02 18:59:39       CRI

Kung mababanggit ang Tsina, maiuugnay marahil ng maraming tao ito sa masarap na pagkain, pero kung mababanggit ang pagkaing Tsino, natural lamang babanggitin nila ang chopsticks. Mahigit 1000 taon na ang kasaysayan ng paggamit ng mga mamamayang Tsino ng chopsticks at nagi itong isa sa mga kumakatawan sa kultura ng Tsina. Sa palatuntunan ngayong gabi, bibisitahin natin ang isang pribadong museo ng chopsticks at malalaman ang mga kuwentong may kinalaman sa chopsticks.

Pribadong Museo ng Chopsticks

Nasa Duolun Road, Shanghai, ang nabanggit na museo. Maliit ang saklaw nito, pero siyang tanging lugar ng pagtatanghal ng chopsticks sa Tsina. 80 taong gulang na ang may-ari ng museong ito na si Ginoong Lan Xiang. Sinimulang tipunin niya ang mga chopsticks noong ika-7 dekada ng nakaraang siglo at hanggang sa kasalukuyan, nagtipon na siya ng mahigit 2000 pares na chopsticks.

Alam namin, ang chopsticks ay inimbento ng Tsina, pero kailan ito inimbento? Ganito ang salaysay ni Ginoong Lan Xiang.

"Ayon sa Records of the Grand Historian of China, si haring Zhou noong huling dako ng Shang Dynasty ang umimbento ng unang ivory chopsticks sa kasaysayan ng Tsina, 3100 taon na ang kasaysayan ng ivory chopsticks sa Tsina."

Ito ang pinakamaagang rekord na may kinalaman sa chopsticks, pero lumitaw ang sinaunang porma ng chopsticks noong nakaraang 4000 hanggang 5000 taon. Noong panahong iyan, niluto ng ninuno ng mga mamamayang Tsino ang pagkain na gamit ang pottery boiler, dahil napakataas ng temperatura ng kumukulong tubig, kaya ginamit ng mga ninuno ang sanga para kumuha ng pagkain. Kasabay ng paglipas ng araw at pagkaraan ng di-mabilang praktika, ang sanga na ginamit nila ay patuloy na inaayos at pinabubuti at sa bandang huli'y naging chopsticks.

Ginoong Lan Xiang at mga chopsticks na tinipon niya

Bukod sa pagtitipon, nananaliksik din si Ginoong Lan Xiang sa chopsticks. Isinulat niya ang 6 na aklat na may kinalaman sa chopsticks. Ayon sa kanya, bukod sa paggamit sa pagkain, kumakatawan pa ang chopsticks sa buwenas, ito rin ang palatandaan ng ideyal na pag-iibigan.

"Pares ang chopsticks, kaya nangangahulugan itong mapagkailanman'y hindi maghihiwalay. Sa unang panahon, may dalang chopsticks ang babaing bagong kasal nang sundin siya patungong pamilya ng kanyang asawa, dahil ang chopsticks ay nagpapahiwatig ng pares at buwenas. Bukod dito, ang chopsticks, sa wikang Tsino, ay tinatawag na 'kuai zi'. Ang 'kuai' ay nangangahulugang 'mabilis', at ang 'zi' naman ay nangangahulugang 'anak', kaya ang 'kuai zi' ay nangangahulugan ng 'mabilis na panganganak'."

Aklat na isinulat ni Ginoong Lan Xiang

Maraming makukulay na kuwento ang nakikipag-ugnay sa mga itinatanghal na chopsticks sa pribadong museo ni Ginoong Lan, kaya nakakahikayat ito ng maraming bisita mula sa loob at labas ng Tsina. Pagkaraang matagumpay na magbid ang Shanghai sa pagtataguyod ng 2010 World Expo, itinuturing ni Ginoong Lan na pagkakataon ng pagpapalaganap ng kultura ng chopsticks ng Tsina ang Shanghai World Expo, kaya espesyal na isinulat niya ang isang aklat hinggil sa chopsticks para sa World Expo.

"Isinulat ko ang naturang aklat sa wikang Tsino, pero isinaalang-alang kong hindi maiintindihan ng mga dayuhan ang wikang Tsino, kaya pumunta ako sa Beijing Foreign Languages Press at humiling na isalin ang aklat ko sa iba pang wika. Inilathala muna ang aklat na ito sa English edition at pinagbilhan agad ang mga ito. Nagpadala ng liham sa Foreign Languages Press ang manbabasang Pranses na nagmumungkahi na ilathala ang French edition, kaya ipinalabas ang French edition ng 'kultura ng chopsticks ng Tsina' ."

Mga itinatanghal na chopsticks

Sinabi ni Ginoong Lan Xiang na gumawa siya ng ambag para sa Shanghai World Expo. Sa kasalukuyan, nagkokonsentra siya sa pagpapalaganap ng kultura ng chopsticks sa mga kabataang Tsino at umaasa siyang mapapalaganap at mamanahin ang kulturang ito sa hene-henerassyon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>