Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-42 2010

(GMT+08:00) 2010-12-06 09:31:42       CRI

Ni hao ma? Wo hen hao! Magandang magandang gabi po! Pilipinas? Ito muli si Sissi, iyong niyong happy DJ-sissi.

Mainit na tumatakbo ang Christmas and New Year activity ng Pop China--- "Sino ang hottest singer na Tsino sa inyong puso". Nakasali na ba kayo? Uulitin ko ang mga paraan ng paglahok: Bilang pagsalubong sa papalapit na Pasko at Bagong Taon, magkakasunod na iri-recommend at isasalaysay ng Pop China ang 12 kandidatong Chinese singers at ang kanilang pinakapopular na kanta sa taong 2010.Puwedeng bumisita ang music fans sa aming website: filipino.cri.cn, at i-cast ang pinakamahalagang boto sa hottest Chinese singer sa kanilang puso. Pipiliin namin ang limang pinakapopular na singer na Tsino sa mga pusong pinoy at pipiliin namin ang ilang masusuwerteng tagapakinig sa mga kalahok at padadalhan ng mga aginaldo mula sa Serbisyo Filipino ng China Radio International. Ang mga aginaldo ay kinabibilangan ng Ipod, Nokia mobile phone, MP3, Radio Set, table cloth at iba pa…Puwede ring bumoto ang mobile phone users sa pagmamagitan ng pagteteks sa 09212572397. Tiningnan ko ang mga boto sa aming website, pero, wala akong nakitang address ng bumoto. Er…gustong padalhan ni Sissi ng aginaldo si Mars? Kung nakikinig ka, please, leave me your address. Ok?

Mag-click dito para lumahok

Bago ko sabihin ang nomineess sa gabing ito, meron muna tayong tanong. Nagtatanong ang mobile phone user ng 0049 242 188 XXX: Ilang listeners ang tatanggap ng ipod at ilan ang tatanggap ng mp3? Actually, walang nakatakdang bilang ng mga winner. Mas maraming participant, mas maraming aginaldo ang ipapadala. Sa lahat ng participant, 5% pinakamasuwerte ang tatanggap ng ipod, 10% napakamasuwerte, ang tatanggap ng nokia mobile phone at 15%, masuwerte, ang tatanggap ng MP3 at padadalhan naming ang pasalubong sa lahat ng participant sana magiging masuwerte kayo sa Pasko at bagong taon. At ipa-publish namin ang listahan ng mga winner sa aming website:Filipino.cri.cn. puwedeng i-check ninyo kung kayo ang isa sa mga pinakamasuwerte.

Sabi naman ni Ursula: magandang makinig ng pop china at gabi ng musika sa SW...lakas signal niyo ngayon lalo na sa parteng southern philippines. Sana lakas ang sigal natin sa buong Philippines, kaya, may mas maraming tao na nilahukan ang aming aktibidad.

Sabi ni liza: w8 lang, ha? medyo mhirap pmili kung sino sa knila ang tlagang closest 2 my heart. Tularan ko sayo, Liza, close your eyes, click!

Sabi ni cristy: ang aga ng pa-aginaldo natin, ha? at mukhang mabibigat...hehehe. alam mo, mangangailangan ng di-kukulangin sa isang linggo ang paghahatid ng aming regalo sa kamay mo at matatapos ang aming aktibidad bago ang Christmas, ilang araw na natitira?(how many days were left?)

Ok, kung patuloy nating sasagutin ang mga tanong, magiging Dear Seksyong Filipino ang programa natin. Nominees, Nominees, nasaan ba kayo?

Nitong 6 na taong nakalipas, dahil gusto niyang mamuhay bilang pangkaraniwang indibiduwal at mapag ukulan ng sapat na atensiyon ang kanyang bago pa lamang na nagsisimulang pamilya, ipinsiya ni Faye Wang na talikuran ang sirkulong musikal. Bilang isang super super star na ang popularidad ay sumasaklaw sa maraming henerasyon ng mga mamamayang Tsino sa loob at labas ng bansa, pagod na rin siya. Hindi siya puwedeng kumain sa restaurant, hindi puwedeng mag-shopping at hindi puwedeng maglakbay, dahil, kung may mamamayang Tsino sa pupuntahan niya, siguradong meron siyang tagahanga doon. Noong Pebrero, opisyal na bumalik si Faye Wang sa stage sa evening gala ng spring festival sa pamamagitan ng isang solong "Legend". Pagkatapos ng evening gala, agad na naging popular na popular na hits ang kantang ito sa mga MTV box.

Ang naririnig ninyong kantang "Legend" ay pinakahuling obra ni Faye Wang. Ngayong 2010, 6 na taong nakararaan, buong-pagtatakang nakita ng mga music fans na nananatiling maganda ang boses ni Faye at nananatiling bata ang kanyang appearance.

Ang susunod na nominee ay isang espesyal na singer para kay Sissi, siya ang big idol ng inyong lingkod- si Eason Chan.

Kung gusto ninyo talagang ma-digest ang kanta ni Eason, you better listen to it before you go to sleep. Tahimik sa bahay. Ang kay Eason ay iyong voice na nagsasabi ng hinggil sa joy and pain of love. Bilang bagong king of Pop Music sa sirkulong musikal ng wikang Tsino, malalim ang boses niya at malakas ang projection. This time, inihahatid ni Eason ang espesyal na kantang "Give You". Sinasabing espesyal, dahil ito ang kauna-unahang obra ni Eason. Siya mismo ang sumulat ng kantang ito. Bago niya ipinakita ang kantang ito sa prodyuser, walang nakakaalam na bukod sa maganda niyang technique, mahusay din siyang kumatha.

Ang ika-3 nominee para sa gabing ito ay isang king of the dance floor-Show Show Show, Show Luo.

Isinilang ni Show Luo sa isang pamiliyang musikal. Noong 3 taong gulang pa lang siya, habang nakikipag-usap ang kanyang tatay sa shop assistant sa isang music store, umakyat si Little Show Luo ng silya at tinambol iyong Drum Set. Natawag niya ang pansin ng maraming taong kinabibilangan ng isang Amerikano na gusto siyang mahubog para maging king of the drums. Pero, dahil lubhang bata pa si Show, tumanggi ang pagkakataon dito. Maaring nawalan tayo ng king of the drums, pero meron naman tayo ngayong king of the dance floor. Si Show ay ipinanganak para maging super star.

Ok, iyan ang tatlong nominees para sa this Week, forever super star na si Faye Wang, big idol ko, Eason Chan at king of dancing floor-Show Luo. Agarang bumisita ng aming website: filipino.cri.cn o magtek sa 09212572397 at i-cast ang pinakamahalagang pagboto sa hottest singer Tsino sa inyong puso at may pagkakataong matamo ang Ipod, nokia mobile phone, MP3 at iba pang espesyal na aginaldo na padadalahan ng Serbisyong Filipino.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>