Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ngumingiti na boluntaryo ng Guangzhou Asian Games

(GMT+08:00) 2010-12-07 15:51:13       CRI

Para sa isang lunsod, ano ang pinakamaganda? Hindi lamang ang mga matulaing tanawin, kundi ang ngiti ng mga tao. Sa kasalukuyan, ang ika-16 na Asian Games ay idinaraos sa Guangzhou, isang magandang lunsod sa dakong timog ng Tsina at ditto saan man dako makakatagpo kayo ng mga nakangiting boluntaryo ng Asian Games.

Ayon sa estadistika ng depertamento ng mga boluntaryo ng Guangzhou Asian Games, ang kabuuang bilang ng mga boluntaryo nito ay umabot sa halos 590 libo na 2 ulit na mas marami kumpara sa nakatakdang bilang. Ang gawain ng naturang mga boluntaryo ay sumasaklaw, hindi lamang sa paglilingkod para sa mga manlalaro sa mga lugar na pampalakasan, kundi maging sa pagkakaloob ng serbisyo sa news centre, Asian Games Village at iba pang lugar ng Guangzhou.

Si Ma Lanzi ay isa sa mga boluntaryo ng Asian Games at bahala siya sa pagtanggap ng mga dayuhang panauhin. Sinabi niya na

"Bilang boluntaryo ng Guangzhou Asian Games, kailangan kong ibayo pang pataasin ang kakayahan sa wikang Ingles at bihasa ang mga nilalaman at regulasyon hinggil sa protocol para makapagloob ng mas mabisa at istandardisadong serbisyo para sa mga dayuhang panauhin."

Tulad ni Ma, ang lahat ng mga boluntaryo ng Guangzhou Asian Games ay umaasang magkakaloob ng mabuting serbisyo para sa mga kalahok na manlalaro at opisiyal, turista sa loob at labas na bansa at tauhan ng media. Upang maliwanag na malaman ng mga boluntaryo ang nilalaman ng kanilang gawain at pagkakaiba ng kulturang Tsino at dayuhan, isinagawa ng lupong tagapag-organisa ng Asian Games ang espesyal na pagsasanay sa mga boluntaryo at nagkaloob ng mga may kinalamang dokumento.

Ang Guangzhou Asian Games ay nakakaakit naman ng mga kaibigan na galing sa ibang bansa at rehiyon ng Asya. Si Yun Sen-ah ay isang Koreana na nag-aaral ng wikang Tsino sa Guangzhou nang ilang buwan at siya man ay isang boluntaryo ng Asian Games. Sinabi niya na

"Gustong gusto ng aking buong pamilya ang Asian Games. Ang aking bansa at Tsina ay pawang nabibilang sa bansang Asyano, kaya gusto kong magbigay ng aking sariling ambag sa Guangzhou Asian Games."

Kahit hindi mahusay sa wikang Tsino iyong mga dayuhang boluntaryo ng Guangzhou Asian Games at hindi pamilyar sa aktuwal na kalagayan ng trapiko ng Guangzhou, ang kanilang paglahok mismo ay siyang nagpapakita ng mga bagong katangian at kabighanian ng Asian Games.

Sa karaniwang ideya ng mga tao, ang mga boluntaryo ay mga kabataang lamang. Sa Guangzhou Asian Games, sa hanay ng mga kabataan, isang 81 taong gulang na boluntaryo ay naging tampok. Siya ay Ginang Xiang Yunhua at sa pamamagitan ng paglahok niya mismo, naipakita niya sa mga tao na ang gawaing boluntaryo ay maisasabalikat maging ng mga matatanda. Sinabi niya na

"Gagawin kong lahat ang aking magagawa. Sa palagay ko, ang diwang ito ay esensiya ng mga boluntaryo."

Sa kasalukuyan, nakikitang ang mga boluntaryo ay nakayapak sa lahat ng mga lugar ng Guangzhou at ang bawat residente ng Guangzhou naman ay nagkakaloob ng kusang-loob na paglilingkod sa kani-kanilang paraan. Halimbawa, si Li Songhui ay isang apisyunado ng skate at gusto niyang mapalaganap ang larong ito sa pamamagitan ng voluntary service. Sinabi niya na

"Umaasa akong darami pa ang mga taong lalahok sa larong ito at gagawa ng mas maraming ehersisyo. Ang target ko ay magiging malusog ang lahat ng mga mamamayang Tsino."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>