Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, binalangaks ang batas para mapangalagaan ang mga fossil

(GMT+08:00) 2010-12-08 14:08:58       CRI

Alam ng lahat, ang Tsina ay malaking bansa at mayaman sa iba't ibang fossil, halimbawa, sa Nanyang ng lalawigang Henan at Erlianhaote sa Inner Mongolia, natuklasan ang mga dinosaur egg at fossil, sa lalawigang Liaoning, ginalugad ang mga archaeopteryx fossil at iba pa. Ang mga fossil na ito ay nagkaroon ng mahalagang katuturan para sa pananaliksik na siyantipiko at nagsisilbing mahalagang yaman para sa Tsina at buong daigdig. Kaugnay nnito, sinabi ni Wang Zhenjiang, opisiyal ng konseho ng estado ng Tsina na namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran, na

"Ang mga fossil ay nagsisilbing mahalagang data para sa pag-aaral ng proseso ng ebolusyon ng mundo at mga bagay na may buhay. Ito naman ay ginagamit para sa paghahanap ng mga yamang mina."

Kaya upang mapangalagaan ang mga fossil na ito at istandardisahin ang mga aksyon na gaya ng paggagalugad, transaksyon at koleksyon ng mga ito, espesyal na binalangkas ng pamahalaang Tsino ang regulasyon para sa pangangalaga sa mga fossil. Pagkaraan nito, binalangkas ng mga may kinalamang departamento ng Tsina ang mga katugong hakbangin.

Ayon sa salaysay, ang regulasyong ito ay opisiyal na paiiralin sa unang araw ng susunod na taon at ayon sa regulasyong ito, maitatatag ng pamahalaang Tsino ang lupon ng mga dalubhasa para tasahan ng mga dalubhasa ang mga fossil at patingkarin ang kanilang papel sa pangangalaga sa mga fossil na gaya ng paggagalugad, pagpepreserba at paglabas-pasok ng bansa. Bukod dito, itinakda pa ng regulasyong ito ang mahigpit na artikulo sa aspekto ng responsibilidad na pambatas at sistema ng pangangasiwa. Kaya kung sinoman ay lalabag sa mga regulasyong ito, halimbawa, hindi ililipat ang mga natuklasang fossil sa may kinalamang organo batay sa regulasyon, isasagawa ang ilegal na pagbili at pagbebenta, koleksyon, pagpapalitan at pag-abuloy ng mga fossil, matindi silang paparusahan: mamumultahan nang malaki o isasailalim sa batas. Kaugnay nito, inilahad ni Wang Shouzhi, opisiyal ng Ministri ng Land and Resources ng Tsina, na

"Ang pokus ay inilagay sa pag-iistandardisa ng pangangasiwa sa paggagalugad, paglabas-pasok ng bansa at konleksyon ng mga fossil at dapat kompletuhin namin ang nilalaman ng listahan ng mga fossil na dapat mabuting pangalagaan. Kakailanganin ang mas maingat at masusing gawain para istandardisahin ang nabanggit na aksyon."

Nuna rito, dahil kulang sa pagpapahalaga sa mga fossil at kulang sa mga may kinalamang sistemang pambatas, malubha ang kalagayan ng pagpupuslit, ilegal at labis na paghuhukay ng mga fossil ng Tsina. Ayon sa di-kompletong estadistika, sa nakaraang 3 taon, pinauwi ng pamahalaang Tsino ang mahigit 5000 fossils mula sa Austria, United States, Canada at Italy batay sa Convention on the Means of Prohibiting and Preventing the Illicit Import, Export and Transfer of Ownership of Cultural Property.

Dahil sa malaking benepisyo na dulot ng kalakalan ng mga fossil, ang ilegal at labis na paghuhukay ng mga ito ay malubhang nakakasita ng yaman ng mga fossil at saka nakakahadlang sa pananaliksik na siyentipiko. Bukod dito, bunga ng pagiging masilga ng pamilihang pandaigdig ng mga fossil, ang ilang purok ng Tsina ay nagsimulang magsaalang-alang ng sariling kapakanang pangkabuhayan na dulot ng kalakalan ng fossil, kaya hindi sila aktibo sa pagkatig sa mga gawain ng paggagalugad at pananaliksik nito.

Kaya masasabing ang regulasyong ito ay magbibigay ng positibong epekto sa gawain ng pangangalaga sa mga fossil. Ito'y makakatulong sa mas mabuting pangangalaga sa fossil resources at pagbibigay-dagok sa mga may kinalamang ilegal na aksyon. Bukod dito, dapat maitatag ang mga lupon ng mga dalubhasa sa fossil sa iba't ibang antas sa buong bansa para tasahan ang mga fossil. Dapat malaman ng mga may kinalamang departamento ng Tsina ang kani-kanilang tungkulin at hindi manghimasok sa mga normal na pananaliksik na siyentipiko sa mga fossil.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>