|
||||||||
|
||
Nitong ilang taong nakalipas, aktibong isinagawa ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin para pasulungin ang paghahanap-buhay ng mga may kapansanan at maigarantiya ang kanilang karapatan at kapakanan. Kasabay nito, ang buong lipunan ay aktibong lumahok sa mga aksyon na gaya ng pag-aasikaso sa mga may kapansanan at kanilang pamilya, buong sikap na pagsugpo ng diskriminasyon sa kanila para makapagtamasa sila nang kasimpantay ng pagtrato sa mga normal na tao sa pamumuhay
Si Yang Jiaming ay isang may kapansanan na nakatira sa Guangzhou ng sa dakong timog ng Tsina. Noong 2006, tinanggap niya ang isang taong pagsasanay na bokasyonal sa ilalim ng tulong ng pondo ng Disabled Persons' Federation ng lokalidad. Pagkaraan nito, nagkahanap-buhay siya sa isang advertising company bilang editor. Ang suweldo niya ay umabot sa halos 2000 yuan RMB isang buwan na sapat sa kanyang pamumuhay. Kaugnay nito, sinabi niya na
"Nag-abuloy ang disabled persons' federation sa akin ng isang camputor para tulungan ang aking trabaho at bukod dito, naitatag ang barrier free path sa harap ng aking bahay para bigyang-ginhawa ang paglabas-pasok."
Sa kasalukuyan, may halos 83 milyong disabled person sa Tsina at lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang mga isyu hinggil sa may kapansanan na gaya ng kanilang pamumuhay, komunikasyon, kalusugan at iba pa. Sapul noong 2006, naglaan ang central fiscal ng bansa ng 5.71 bilyong yuan RMB para maitatag ang matatag na mekanismo ng tulong na pondo. Bukod dito, naragdagan din ang laang-gugulin ng pamahalaang lokal ng Tsina sa pagbibigay-tulong sa mga may kapansanan.
Hanggang noong 2009, 110 libong may kapansanan sa pag-iisip ay nakapagtamasa ng pag-aasikaso ng 3471 organisasyon ng buong bansa para sa mga may kapansanan, naigarantiya ang saligang pamumuhay ng mga may kapansanan na nakatira sa lunsod at umahon mula sa kahirapan ang 6.36 na milyong may kapansanan sa kanayunan. Kasabay nito, upang mapasulong ang paghahanap-buhay ng mga may kapansanan, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga positibong hakbangin. Kaugnay nito, sinabi ni Zhang Yao, staff ng Disables Persons' Federation ng Tsina, na
"Isinapubliko ng aming pederasyon ang isang serye ng mga hakbangin at malawak isinasagawa ang aktibidad hinggil sa pagsasanay para sa paghahanap-buhay na gaya ng pagsasagawa ng mga bokasyonal na pagsasanay, pagdedebelop ng mga trabaho na nakatugon sa mga may kapansanan at pamamatnubay sa pagpapasimula ng kanilang negosyo."
Bukod dito, pinasusulong ng pamahalaang Tsino ang konstruksyon ng sistema ng social security and service para sistematikong maigarantiya ang mga saligang pangangailangan ng mga may kapansanan na gaya ng kalusugan, edukasyon at hanap-buhay at sa gayo'y komprehensibong pabutihin at paunlarin ang kanilang kalagayan. Sinabi ni Zhang na
"Hindi dapat maging diskriminatoryo ang mga tao sa may kapansanan at dapat magkaloob ang buong lipunan ng serbisyo para makatulong sa kanilang pamumuhay, halimbawa, naitatag ang mga barrier free facilities. Sa gayo'y mamumuhay sila parang normal na tao."
Sa kasalukuyan, ang mga masahistang bulag ay popular sa Tsina at ang trabahong ito ay hindi lamang nakakatulong sa mga bulag para kumita, kundi ikinasisiya rin ng kanilang loob. Si Hou Yan ay isang masahistang bulag, sinabi niya na
"Para sa aming mga bulag, mahirap ang komunikasyon, ang pamamasahe ay hindi nangangailangan ng paglakad nang palabas at nakakatulong ito sa pagpapalakas ng kompiyansa ko sa pakikipaglagayan sa ibang mga tao."
Kahit may mga natamong bunga ang Tsina sa paggarantiya ng karapatan at kapakanan ng may kapansanan, hindi lubos na nakapagtatamasa ang mga may kapansanan ng kanilang karapatan at kapakanan sa hanap-buhay, kalusugan at edukasyon, dahil umiiral pa rin ang mga problema para sa kanila sa lipunan, kapaligiran at batas, Masasabing kailangan ang mas maraming pagsisikap ng pamahalaang Tsino sa la
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |