|
||||||||
|
||
Ang Alxa League sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa hilagang Tsina ay lupang-tinubuan ng kamelyo at diversiform-leaved poplar forest. Sa palatuntunan ngayong gabi, papasok kami sa Alxa para makaramdam ng pabagu-bagong ganda nito.
Ang naririnig ninyo ay awiting pinamagatang "Alxa na parang himpapawid". Ang magandang ritmo ng awiting ito ay parang naglalarawan ng magandang tanawin ng Alxa na may disyerto, oasis, kawan ng kamelyo at diversiform-leaved poplar.
Ang tatlong disyerto sa loob ng Alxa League—disyerto ng Badan Jaran, Tangger at Wulanbuhe, ay tinatawag na Alxa Desert. Ito ang ika-2 pinakalamaking disyerto sa Tsina at ika-4 sa daigdig.
Ang unang hinto ng aming biyahe sa Alxa ay Ejina Banner, lupang-tinubuan ng diversiform-leaved poplar. Ang ganitong poplar ay katangi-tanging matandang halaman sa disyerto. Ayon sa alamat, poplar trees can live up to a thousand years, would never fall down for a thousand years after death and never get rotten for a thousand years after falling down. Bilang isa sa 3 pinakamalaking diversiform-leaved poplar forest sa daigdig, nakakahikayat ang Ejina ng nakararaming shutterbugs mula sa apat na sulok ng daigdig. Pero ang pagiging mainit ng klimang pandaigdig ay malubhang nagsasapanganib sa poplar forest sa Ejina. Isinalaysay ni Ginoong Bao Baoli, opisyal ng Ejina Banner na,
"Ang tubig sa Ilog ng Heihe ay totoong tubig na ekolohikal para sa Ejina. Sinimulang isagawa namin ang artipisyal na pagdidilig noong 2000 at sa pamamagitan ng pangangalaga at pagdaragdag ng pinagmumulan ng tubig, unti-unting napanumbalik at dinagdagan ang saklaw ng poplar forest. Ayon sa di-kompletong estaditika, mahigit 50 libong hektaryat ang kabuuang saklaw ng diversiform-leaved poplar forest sa Ejina."
Ang pabagu-bagong disyerto ay isa pang katangi-tanging tanawin sa Alxa League. Pero para sa mga mamamayang nakatira sa paligid ng disyerto, mas mahalaga ang realistikong katuturan ng pagkontrol at pagsasaayos sa disyerto kumpara sa pag-i-enjoy ng tanawin nito. Sa Bayang Banyanhaote na mahigit 600 kilometro ang layo nito sa Ejina, isinasagawa ng pamahalaang lokal ang proyekto para sa malawakang pagtatanim ng puno sa paligid ng Bayanhaote para mapigilan ang desertipikasyon. Nang mabanggit ang pagsasaayos sa kapaligirang ekolohikal, sinabi ni Mo Ergen, opisyal ng Bayanhaote na,
"Kapos sa tubig ang Bayanhaote at ang Bundok ng Helan sa dakong hilaga nito ay bumubuo ng isang likas na luntiang panghalang. Kasabay nito, kinakaharap ng Bayanhaote ang pagsalakay ng Tengger Desert. Sa pamamagitan ng konstruksyon ng kinauukulang proyekto ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, inisyal na binuo na sa paligid ng Bayanhaote ang isang luntiang panghalang, bagay na nagpabuti nang malaki ng kondisyon ng klima dito."
Kasabay ng pagsasaayos sa kapaligirang ekolohikal, masiglang sumusulong ang konstruksyon ng transportasyon at pagdedebelop ng yamang panturista ng Bayanhaote. Isasaoperasyon sa malapit na hinaharap ang highway sa pagitan ng Bayanhaote at Yinchuan, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Ningxia ng Tsina at inaaprobahan ang proyekto ng konstruksyon ng paliparan ng Bayanhaote.
Ang pagpapabuti ng kondisyon ng transportasyon at kapaligirang ekolohikal ay nagkakaloob ng ginhawa para sa paglalakbay sa Bayanhaote. Nagpadala si Ginoong Mo Ergen ng paanyaya sa mga tagapakinig sa loob at labas ng bansa.
"Tuwang-tuwa akong isalaysay ang lupang-tinubuan ko sa mga kaibigang Tsino't dayuhan. Ang binanggit ko ay bahagi lamang ng Alxa at Bayanhaote at kung gusto ninyong malaman ang mas marami hinggil sa Alxa, welkam sa iyong pagbisita."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |