|
||||||||
|
||
Kasunod ng mabilis na pag-ulad ng high-speed railway sa Tsina, lumiliit nang malaki ang agwat sa pagitan ng mga lunsod ng Tsina. Ito'y nagbigay ng malaking ginhawa para sa biyahe ng mga tao sa pagitan ng mga ito. Kasabay nito, mabilis na umuunlad ang pambansang lansangan sa pagitan ng mga nayon ng Tsina para makapagtamasa ang mga magsasakang Tsino ng kombinyente ng pag-unlad ng komunikasyon.
Ayon sa pananliksik sa buong daigdig, ang pagpapabuti ng kondisyon ng pambansang lansangan sa pagitan ng mga nayon ay nakakapagpasulong sa pagiging mas kombinyente ng kalakalan ng pagkain-butil, hayop at poltri, nagpapabuti sa kalagayan ng populasyon ng kanayunan sa mga larangan na gaya ng pagkain, edukasyon at kalusugan at nakakatulong sa pagpawi ng kahirapan sa kanayunan. Noong nakararaang ilampung taon, mabilis na umuunlad ang pambansang lansangan sa mga nayon ng Tsina, kaugnay nito, ipinalalagay ni Liu Wenjie, pangkalahatang kalihim ng Highway & Transportation Society ng Tsina, na ang pambansang lansangan sa pagitan ng mga nayon ay may mahigpit na kaugnayan sa harmonya at patas ng lipunan. Sinabi niya na
"Bihira natin mabanggit ang pambansang lansangan sa pagitan ng mga nayon, pero para sa buong bansa, ito ay pinakapinong ugat ng dugo. Para sa mga magsasakang Tsino, ang pambansang lansangan sa pagitan ng mga nayon ang may mas mahigpit na kaugnayan sa kanilang pamumuhay, dahil ito'y mas madaling naghahatid ng pagkain-butil at produkto ng mga magsasaka sa pamilihan para kumita sila nang mas malaki."
Ang nabanggit na samahan ay isang NGO at nagbibigay-pansin sa usaping pangkomunikasyon ng Tsina, higit na sa pag-unlad ng pambansang lansangan sa pagitan ng mga nayon. Noong nagdaang Agosto sa Jinan ng lalawigang Shandong ng Tsina, pumarito ang mahigit 400 kinatawan ng 33 bansa at rehiyon para magtalakayan sila ng kinatawang Tsino hinggil sa sustenableng pag-unlad ng pambansang lansangan sa pagitan ng mga nayon at konstruksyon ng bagong uri ng kanayunan. Sa nabanggit na pagtatalakayan, inilahad ni Feng Zhenglin, pangalawang Ministro ng Komunikasyon ng Tsina, ang kalagayan ng pag-unlad ng pambansang lansangan sa pagitan ng mga nayaon ng Tsina. Sinabi niya na
"Sa pamamagitan ng ilampung taong pagsisikap, bumuti nang malaki ang kondisyon ng komunikasyon ng kanayunan ng Tsina. Hanggang sa katapusan ng taong ito, ang kabuuang haba ng lansangang ito ay aabot sa 3.45 milyong kilometro na makakatulong nang malaki sa pagpapaunlad ng modernong agrikultura at paglaki ng kita ng mga magsasaka."
Ayon sa estadistika, sapul noong 2003, naitayo ng Tsina ang 300 libong kilometrong pambansang lansangan sa pagitan ng mga nayon bawat taon at hanggang noong katapusan ng 2009, 99.6% ng lahat ng nayon ng Tsina ang inabutan ng pambansang lansangan.
Ang natamong bunga ng Tsina sa larangan ng pambansang lansangan sa pagitan ng mga nayon ay popular na tintanggap ng komunidad ng daigdig. Kaya noong ika-27 ng nagdaang Agosto, espesyal na ginawaran ng International Road Federation o IRF ng parangal ang Ministri ng Komunikasyon ng Tsina. Bukod dito, pinupuri din ni K. K. Kapila, pangalawang pangkalahatang kalihim ng IRF, ang pagsisikap ng pamahalaang Tsino sa larangang ito. Sinabi niya na
"Natamo ang malaking bunga ng Tsina sa larangan ng konstruksyon ng pambansang lansangan at umaasa akong patuloy na mananatiling mabuti ang tunguhing ito sa hinaharap."
Ipinalalagay ni Kapila na ang pambansang lansangan sa pagitan ng mga nayon ng Tsina ay nagbigay ng malaking ambag para sa usapin ng Tsina sa pagpawi ng kahirapan at umaasa pa anya siyang pag-aaralan ng ibang mga bansa ang karanasan ng Tsina para pataasin ang lebel ng pamumuhay ng mga magsasaka.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |