Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2 palaboy, nagiging kilala sa mga lunsod ng Tsina

(GMT+08:00) 2010-12-22 12:36:14       CRI
Kung tatanungin ninyo kung aling awitin ang pinakapopular ngayon sa mga lunsod sa Tsina,marahil,marami ang sasagot na ang kantang "In the Spring" na inawit ng dalawang migrant workers at kinatha ni Wang Feng, isang kilalang musikero sa Tsina ang pinakakilala.

Noong nagdaang Nobyembre, inawit nina Liu Gang at Wang Xu, dalawang palaboy na ikinabubuhay ang pagkanta ang awiting ito sa isang kilalang palatuntunan sa China Central Television (CCTV).Pagkatapos ng kanilang pagtatanghal, mabilis silang napansin at patuloy pa silang nagiging popular sa buong bansa.

Si Liu Gang ay sa kalawa at Si Wang Xu ay sa kanan

Ang kanilang pagsikat ay dahil na rin sa kanilang kapasidad bilang migrant workers, at ang awiting ito ay nagpapakita ng hangarin ng iba pang mga migrant workers na nagsisilbing tunay na bahagi ng iba't-ibang lunsod sa Tsina.

Sapul nang itatag ang Peoples Republic of China (PRC), matagal nang isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang dalawang uri ng household registration system。Ang isa ay para sa mga permanenteng residente ng lunsod at ang isa naman ay para sa mga magsasaka. Dahil magkaiba ang lunsod at kanayunan, magkaiba rin ang ilang obligasyon at kapakanan ng mga magsasaka at permanenteng residente, batay sa kani-kanilang household registration.

Bago 1978, taong sinimulang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, walang sala-salabat ang nabanggit na dalawang uri ng sistema. Pero pagkatapos ng 1978, nagbago nang malaki ang kalagayang ito.

Dahil sa pangangailangan ng pag-unlad ng kabuhayan at proseso ng pagsasabayan ng Tsina, nagtitipun-tipon ang mga lumalaking pondo, material at saka ang lakas-manggagawa na pangunahing galing sa kanayunan. Ang mga yamang ito ay nakapagsusulong ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan at proseso ng pagsasabayan ng bansa.

Sa kasalukuyan, ang mga lunsod ng Tsina, lalo na sa mga malalaking lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai at Shenzhen, ay nagkakaroon ng mas mabuting kondisyon kaysa sa kanayunan, sa mga aspeto ng edukasyon, pamumuhay, kalusugan, pabahay at iba pa. Kaya, ang parami nang paraming magsasaka ay pumiling magtrabaho sa lunsod.

Sa katotohanan, ang mga migrant workers ay naging di-mawawalang bahagi ng lunsod. Malaki ang ginagawa nila para sa pagpapaganda ng pamumuhay at kapaligiran ng lunsod. Nagsisilbi sila bilang manggagawa sa pabrika, yaya sa mga bahay ng mga residente, tagapaglinis ng mga lansangan, nagtitinda ng meriyenda at iba pa.

Halimbawa, tuwing spring festival season nitong ilang taon, pansamantalang tumaas ang suweldo ng mga yaya, dahil ang karamihan sa kanila ay galing sa nayon at dapat silang umuwi sa spring festival。Ito ay ang pinakamahalagang pestival para sa lahat ng mamamayang Tsino.

Pero dapat kilalanin na lumitaw ang ilang isyu hinggil sa mga bagong migrant workers na isinilang noong ika-8 at ika-9 na dekada ng nagdaang siglo. Para sa kanila, ang pinakamalaking pagkakaiba nila kumpara sa mga migrant workers na isinilang bago mag-1978 ay gusto nilang mamuhay na kapantay ng mga residente ng lunsod.

Mga migrant workers na isinilang noong ika-8 at ika-9 na dekada ng nagdaang siglo.

At nagsasadya sila sa mga malaking lunsod.

Kaya ito'y susi ng mga kasalukuyang isyu hinggil sa migrant workers.

Unang-una, dahil sa umiiral na household registration system ng Tsina, halos lahat ng mga lehitimong kapakanan nila ay ipinagkaloob ng kanilang sinilangang nayon:ang ibig sabihin nito,kahit magbigay sila ng parehong pagsisikap kumpara sa mga residente ng lunsod, hindi nila kayang makapagtamasa ng kasimbuting serbisyong pampubliko na gaya ng edukasyon ng anak at kalusugan.

Bukod dito, dahil naman sa proseso ng pagsasabayan, bumabawas nang bumabawas ang mga bukirin sa nayon, kung babalik sila sa roon, may malaking posibilidad na talagang magiging mahihirap ang kanilang pamumuhay.

Sa ika-12 panlimahang taong plano (mula sa taong 2011 hanggang 2015), iniharap ng pamahalaang Tsino na dapat makapagtamasa ang bawat mamamayan ng bunga ng usapin ng reporma at pagbubukas sa labas at maayos na lutasin ang mga isyu hinggil sa migrant workers. Sa katotohanan, para sa karamihan ng mga mamamayang Tsino, ang kanilang mga kamag-anak ay galing sa nayon at nakatira sa nayon. Kaya dapat magbigay kaming mga residente sa lunsod ng sariling ambag para tulungan silang makipagkaisa sa pamumuhay ng lunsod at pahalagahan ang kanilang pagsisikap.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>