Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtaas ng CPI ng Tsina, nagdulot ng pagkabalisa ng buong lipunan

(GMT+08:00) 2010-12-28 23:47:43       CRI

Noong ika-2 kuwarter ng taong ito, ang GDP ng Tsina ay kauna-unahang lumampas sa GDP ng Hapon at ayon sa pagtaya, ang GDP ng Tsina sa taong 2010 ay may pag-asang magiging sa ika-2 pinakamalaki sa daigdig. Ito ba ang may kaugnayan sa pagtaas ng presyo ng lahat ng mga paninda sa loob ng bansa? Sa katotohanan, ang pagtaas ng CPI ay tumutulong lang para magmukhang maganda ang mga datos ng GDP.

Ngayon sa Tsina, kung pupunta kayo sa alinmang tindahan o palengke, tiyak na maririnig ang ganitong koment ng mga Tsino: naku, ang mahal talaga! o tumaas muli ang presyo! Kaya hindi nasopresa nang makitang ang mga mamamayang Tsino ay bumili ng napakaraming paninda sa mga supermarket na gaya ng bigas, mantika, gulay, prutas at iba pang mga materiyal na may kinalaman sa pamumuhay. Ito'y hindi nangangahulugan na mura ang iyong mga paninda, kundi dahil nangangamba silang kung hindi bibili sa pagkakataong ito, siguro tataas ang presyo ng mga ito sa susunod. Ang isyu ng pagtaas ng CPI ay naging tanging bagay na pinag-uukulan ng pansin ng lahat ng mga mamamayang Tsino.

Sa isang dako, mabilis na lolobo ang presyo ng halos lahat ng mga paninda na may kinalaman sa pamumuhay ng mga tao na gaya ng bahay, pagkain, tubig, koryente at sa kabilang dako naman, ang pagkita ng karaniwang tao ay hindi kasintaas sa paglaki ng presyo. Kaya kahit ang GDP ng Tsina ay lumalaki, hindi sila nakapagtatamasa sa bunga nito.

Ayon sa pambansang ulat ng Tsina, masyadong mabilis na paglaki ng CPI ay ikinabunga ng pagsasagawa ng Quantitative Easing Monetary Policy ng Estados Unidos, pagpapababa ng halaga ng US Dollar, pagtaas ng gastusin sa pagpoprosyus ng mga paninda, lumiliit na output ng mga produktong agrikultural na dulot ng likas na kapahamakan na gaya ng baha at tagtuyot at ispekulasyon ng mga mangangalakal.

Pero sa palagay ko, ano pa man ang naging dahilan, dapat isabalikat ng pamahalaan ang tungkulin para sa paglutas ng isyung ito, hindi ba?

Sa katotohanan, upang mapigilan ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga paninda, ginamit na ng pamahalaang Tsino ang maraming hakbangin na gaya ng pagbebenta ng pambansang reserbang materiyal na gaya ng asukal at karne, pagpalabas ng mga regulasyon para sa pankontrol ng presyo at iba pa. Tumigil ang pagtaas ng presyo at unti-unting bumabalik ito sa katanggap-tangap na antas ng mga karaniwang tao.

Bakit malakas ang reaskyon ng mga mamamayang Tsino sa isyu ng pagtaas ng CPI? Madaling naiintindihan na ang isyung ito ay talagang nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino. Pero hindi dapat ipagwalang bahala ang elemento ng napakataas na presyo ng real state market sa loob ng bansa.

Halimbawa, sa Zhengzhou, isang katamtamang lunsod sa dakong gitna ng Tsina, ang karaniwang presyo ng bahay sa taong ito ay umabot sa halos 6 libong yuan RMB bawat metro kuwadrado, pero ang taunang karaniwang kita bawat residente ng lunsod ay tinayang lalapit sa taong ito sa 20 libong yuan RMB. Kaya para sa karaniwang tao na bumili na ng bahay, naging mabigat na pasanin ang utang; para sa mga tao na hindi pa bumili ng bahay, dapat silang mag-impok ng maraming pera para bumili ng bahay. Dahil sa epeko ng presyo ng bahay, tumaas din ang upa ng bahay. Para sa mga tao na nagtatrabaho sa ibang lugar at wala pang sariling bahay, malaking bahagi silang kita ang napunta sa upa.

Para sa mga karaniwang mamamayan, maksi may sariling bahay o walang sariling bahay ang masyadong mataas na presyo ng bahay ay pawang mabigat na pasanin. Ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga paninda ay nagpapasama ng pamumuhay ng karaniwang tao.

Para sa tradisyonal na ideya ng mga mamamayang Tsino, ang bahay ay nagsisilbing di-mawawalang bahagi ng kanilang pamumuhay. Kaya ang napakataas na presyo ng bahay ay naghihikayat ng maraming pondo na gustong kumita mula sa ispekulasyon ng bahay, dahil hindi nangangamba ang mga ispekulator na walang tao na bumili ng bahay. Ito'y isa sa mga pangunahing elemento kung bakit nananatiling mataas ang presyo ng mga bahay. Kaya sa isang dako, mabiling mabili ang mga bahay gaano man kataas ng presyo; sa kabilang dako naman, hindi kaya ng maraming tao na bumili ng bahay para tumira lamang.

Sa kasalukuyan, ang napakataas na presyo ng mga bahay ay naging isang komong problema sa buong bansa na hindi pa malulutas.

Oo nga, ang kabuhayan at lipunan ng Tsina ay umuunlad nang mabilis at talagang bumubuti nang malaki ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino kumpara sa taong 1978, taong sinimulang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas. Pero ngayon, ang mataas na presyo ng mga paninda ay malubhang nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino at ang kasalukuyang nukleong isyu ay kung papaanong makakapagtamasa ang bawat sibilyang Tsino ng natamong bunga ng nabanggit na dakilang usapin sa reporma.

Kahit kinakaharap ang malaking hamon ng pamahalaang Tsino, dahil sa kapansin-pansing bunga at mahalagang karanasan na naipon sa nakararaang mahigit 30 taon, may paniniwalang kami na tiyak na magiging mas mabuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino sa hinaharap.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>