|
||||||||
|
||
B: Masaganang Bagong Taon!
A: Ito po si Vera, kasama si Ernest, para sa espesyal na programang pang-Bagong Taon, na "One Night in Beijing!" Ernest, ano ang binabalak mong gawin sa tatlong araw na New Year holiday? Mayroon ka bang pupuntahan?
B: Wala siguro. Baka dun lang ako sa dorm.
A: Bakit hindi kayo lumabas at mag-hapi-hapi ng mga kaibigan mo?
B: Hindi ako party-goer at hindi ko alam kung saan ako dapat magpunta! Meron ka bang maisa-suggest?
A: Sa tingin ko, shopping, masarap na pagkain, paglalakbay, hanging-out with friends at night out ay mahahalagang bahagi ng bakasyon, lalo pa't ang Bagong Taon ay isang okasyon na di-angkop sa pagpapalipas nang nagsasarili, kaya ang pinakamagandang choice ay bar-hopping.
B: In a way, tama ka. Pero bihira akong magpunta sa mga bar dito sa Beijing. Meron ka bang rekomendasyon?
A: Meron naman! Sa palatuntunan ngayong gabi, pag-uusapan natin ang mga kilalang bar streets sa Beijing. Meron ka bang idea kung alin-alin ang mga bar na ito?
B: Let me see…Sanlitun, e…, Shishahai at … I cannot recall more, is that all?
A: Basically.
A:Ang naririnig ninyo ay awiting "One Night in Beijing" na sinulat at kinanta ni Chen Sheng o Bobby Chen, kilalang Taiwanese musician. Ayon sa kuwento, ang awiting "One night in Beijing" ay sinulat niya pagkaraang malasing at maligaw sa paligid-ligid ng Di'anmen, hilagang trangkahan ng lumang Beijing.
B: Nasa paligid lang ng Di'anmen ang Shishahai, di ba?
A: Oo. Sa katunayan, ang Shishahai ay binubuo ng Qianhai o Front Sea, Houhai o Back Sea at Xihai o Western Sea, serye ng lawa mula timog silangan hanggang hilagang kanluran ng Beijing.
B: Alam ko, noong Yuan Dynasty ng Tsina, naging internasyonal na puwertong komersyal ang Shishahai. Inihahatid dito ang mga panindang gaya ng tsaa at seda mula sa timog Tsina at sa pamamagitan ng silk road at tea-horse road o Southern silk road, dinadala ang mga panindang ito sa Kanlurang Asya, sa Europa at maging sa Aprika.
A: Sa kasalukuyan, nagtatampok sa residences, hutong at courtyard ang Shishahai at nakaka-attract ito ng napakaraming bisitang dayuhan. Makulay din ang night life sa Shishahai. Nagtitipun-tipon dito ang iba't ibang estilo ng restauran at bars, totoong angkop na angkop sa mga party-goers.
B: Mayroon bang katangi-tanging bars sa Shishahai?
A: Siyembre! Halimbawa, Left Bank Bar na may swanky spread of couches, wicker chairs, wooden chests and tables, napakagandang lugar para mag-chill out at mag-chat at uminom ng yummy boozed milkshakes. Ang Joyce Bar na nagtatampok sa matahimik at may-harmonyang atmospera, Jazz sa Wave Café, There Café na may temang "Photographic", de-kalidad na Houhai Café at iba pa. Sa tingin ko, depende na lang sa mood mo at the moment kung saang bar ka magpupunta.
B: Tamang tama! Pero sa pananaw ko, ang Sanlitun Bar street sa Chaoyang District ay isang mabuting pagpili para sa mga kaibigang dayuhan.
A: Bakit?
B: Unang una, ang lokasyon ng Sanlitun ay malapit sa kinaroroonan ng maraming embahadang dayuhan, kaya ang karamihan sa mga panauhin doon ay mga kaibigang dayuhan. Bukod dito, ang mga banda na nagpe-perform sa mga bars sa Sanlitun ay galing sa apat na sulok ng daigdig at marami ring Filipino Bands doon.
B: Ang naririnig ninyo ay live-show ng isang Filipino Band. Alam natin na mahusay na mahusay ang mga Pilipino sa pag-awit at pagsasayaw at very friendly sila sa mga customer, kaya ang Filipino Band ay mainit na tinanggap ng mga bars sa iba't ibang lugar ng Tsina.
A: Sigurado. Pumunta ako sa Lalawigang Hainan noong isang linggo at nang kapanayamin ko ang direktor ng Komisyon ng Pag-unlad ng Turismo ng Sanya, kilalang tourist city sa Hainan, espesyal na binanggit niya ang Filipino Band at nanood din ako ng palabas ng isang Filipino Band sa isang bar sa baybaying-dagat.
B: Oo. Ang mga banda sa Shishahai Bars street ay, pangunahin na, mga Tsino, pero salungat ang mga banda sa Sanlitun, kaya mas pamilyar para sa mga kaibigang dayuhan ang atmospera at musika sa Sanlitun Bar Streets.
A: Bukod sa Shishahai at Sanlitun, may iba pang bars street dito sa Beijing na gaya ng Super Bar Street at Yuandadu Bar Street, kapuwa sa Chaoyang District ng Beijing.
B: Woo, so many! I cannot wait to bar-hop with my friends.
A: Ano, biglang nagbago ang isip mo, ano?
B: Oo! It sounds much interesting than staying alone.
A: Para sa mga kaibigang Pilipino dito sa Beijing, huwag tumigil nang nag-iisa sa bahay ninyo sa New Years's eve. Try to enjoy your precious time with your beloved one o friends.
B: At para naman sa mga kaibigang wala sa Beijing, kung may pagkakataon, puntahan ninyo ang mga bar street na binanggit namin at mararanasan ninyo ang katangi-tanging night life sa Beijing.
A: At diyan nagtatagpos ang aming One Night in Beijing ngayong gabi. Itong muli si Vera. Merry belated Christmas at Happy New Year! Good night!
B: At ito naman si Ernest. Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |