|
||||||||
|
||
Nitong ilang taong nakalipas, unti-unting nagbabago ang sistema ng Tsina sa pangangalap ng mga estudyante sa pamantasan sa pamamagitan ng pambansang eksam. Noong 2003, sinimulan ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina ang reporma sa sistemang ito na sumang-ayon naman sa ilang pamantasan at kolehyo na nagsasariling pumili ng yaong mga estudyante na may mga espesyal na kahusayan. Hanggang noong 2010, umabot sa 80 ang bilang ng mga pamantasan at kolehyo sa buong bansa na kuwalipikado sa pagpili ng sariling mga estudyante.
Pagregister ng mga fresh man ng pamantasan
Sa nabanggit na 80 pamantasan at kolehyo, 33 ang bumuo ng 4 na liga para magkasanib na idaos ang eksam at ang exam records ay pinaghahaginan ng lahat ng kasapi ng liga. Kaugnay nito, sinabi ni Yin Jia, tauhan ng Tsinghua University na namamahala sa pangangalap ng mga estudyante, na
"Dahil magkasintaas ang lebel ng mga pamantasan at kolehyo at may mga komong palagay sa pagpili ng mga talento, kaya binuo naming mga pamantasan at kolehyo ang liga para magkakasamang mangalap ng mga estudyante. Ito rin ay para bigyang-ginhawa ang estudyante."
Kaugnay ng pag-alyansa ng mga pamantasan para sa magkasanib na pangangalap ng sariling mga estudyante, inihayag ng mga estudyante at kanilang mga magulang ng kani-kanilang palagay. Sinabi ng isang estudyante na hindi nagpakilala na
"Kung gayon, hindi ko kailangang maghanda para sa mga eksam ng mga pamantasan. Ibig-sabihin, puwede akong buong sikap na maghanda para sa isang eksam lamang at saka may mas marami akong pagpili."
Tagpo sa silid-aralan pagkatapos ng pambansang eksam
Ang pagsasagawa ng nagsasariling pangangalap ng mga pamantasan at kolehiyo ay itinuturing bilang bagong pagsubok para sa pagpili ng mga mapanlikhang talento. Kaugnay ng kung magdudulot ang praktikang ito ng mga bagong pasanin para sa mga estudyante o hindi, sinabi ni Xiong Bingqi, propesor mula sa Shanghai Jiao Tong University, na
"Sa palagay ko, ang magkasanib na pagsasagawa ng mga pamantasan at kolehyo ng nagsasariling pangangalap ng mga estudyante ay para magbigay ng mas maraming pagkakataon sa mga estudyante sa paglahok sa mga eksam para makalap ang mga estudyante. Pero dapat igiit namin ang prinsipyo ng pagpapalawak ng karapatan ng mga estudyante sa pagpili ng mga pamantasan at kolehyo. Kung hindi, siguro ang praktikang ito ay magdudulot ng mas malubhang kompetisyon at ibayo pang magpapabigat ng presyur sa mga estudyante sa paglahok sa iyong mga eksam."
Nitong ilang taong nakalipas, dumarami nang dumarami ang pagsubok at praktika ng mga pamantasan at kolehyo para bigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga estudyante sa paglahok ng mga eksam at hikayatin ang mga talento. Kaugnay nito, sinabi ni propesor Xiong na
"Sa tingin ko, ang kasalukuyang magkasanib na pagsasagawa ng mga pamantasan at kolehyo ng nagsasariling pangangalap ng mga estudyante ay isang transisyonal na yugto. Sa hinaharap, ang mga pambansang eksam para makalap ang mga estudyante sa pamantasan at kolehyo ay dapat itaguyod ng mga organisasyong panlipunan na may kredito at ang nilalaman ng mga eksam na ito ay dapat makakuha ng pagkilala sa mga pamantasan at kolehyo. Kaya umaasa akong sa hinaharap, magiging Malaya ang pagpili ng mga pamantasan at estudyante sa isa't isa sa pamamagitan ng ganitong eksam."
Kung gayon, masasabing mapapahupa nang malaki ang presyur ng mga estudyante sa paglahok sa mga eksam at kasabay nito, ang mga paaralan ay makakapangalap ng mga mas mahusay na talento. Dahil ang iyong eksam ay nasa napakahalagang katayuan sa sistemang pang-edukasyon ng Tsina, kaya ang nasabing kalagayan ay makapagsusulong ng edukasyon ng mga mababa't mataas na paaralan tungo sa mas komprehensibong direksyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |