|
||||||||
|
||
Idinaos dito sa Beijing kamakailan ang ika-3 taunang pulong ng China Asia Fortune Forum. Dumalo sa pulong ang mahigit 500 panauhin na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Chambers of Commerce, organo ng pamumuhunan, kilalang-kilalang bahay-kalakal ng Asiya, Europa, E.U. at iba pang rehiyon ng daigdig, at mga opisyal ng mga embahada sa Tsina. Ang mga isyung kung paanong mapapasulong ang pag-unlad ng Tsina at Asiya, at kung paaanong makakaakit ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal mula sa naturang mga bansa ang naging pokus ng pulong na ito.
Sa pulong na may temang "sustenableng pagbabahaginan ng mga yaman sa Asiya", ang pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina ay nagsilbing tampok ng diskusyon ng mga kalahok.. Sa ginanap na open porum noong ika-17 ng buwang ito halos kalahati ng buong panahon ay ginugol ng kalahok sa pagtalakay sa isyung may kinalaman sa kalagayan ng makro-ekonomi at pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina.
Ipinalalagay ni Gu Shengzu, kilalang economic expert sa Tsina na sa organong pangkabuhayan, lumitaw ang ilang mainam na palatandaan. Ang pagpapalakas ng kasiglahan ng konsumo sa kabuhayan ay isang target at pag-asa ng Tsina. Nitong ilang taong nakalipas, ang mabilis na urbanisasyon ay lumilikha ng mas malaking pangangailangan sa pamilihan. Sinabi ni Gu na:
"Sa post-financial-crisis era, napakahalaga ng pagpapalakas ng pangnagailangang panloob. Ipinalalagay kong, ang pagsasalunsod ay pinakamalaking pangnagailangang panloob at ito ay puwersang tagapagpasulong ng pangmatagalang paglaki sa darating na 20 taon. "
Noong taong 2009, ang pagtaas ng bahagdan ng urbanisasyon ng Tsina ay umabot sa 46%. Kumpara sa 15% noong nakaraang 30 taon, napakabilis ng pagtaas nito. Ngunit, ito ay mas mababa pa rin kaysa karaniwang lebel ng buong daigdig. Ang proseso ng urbanisasyon ay nagdulot ng maraming pagkakataon ng pamumuhunan sa maraming industriya.
Ayon sa direksyon ng pag-unlad na ipinalabas ng Tsina, sa darating na 5 taon, patataasin ang bahagdan ng konsumo ng mga residente, at patataasin rin ang proporsyon ng industriya ng serbisyo at lebel ng urbanisasyon. Sa porum, sinabi ni Yao Jingyuan, pangkalahatang ekonomista ng pambansang kawanihan ng estadistika ng Tsina na ang darating na 5 taon ay isang mahalagang panahon ng estratehikong pagkakataon para sa kabuhayang Tsino. Sinabi niyang:
"Sa panahon ng ika-12 panlimahang taon plano, makakapagkaloob ang industriyalisasyon ng malakas na suplay para sa buong kabuhayan, at makakalikha ang urbanisasyon ng Tsina ng malaking pangangailangan para sa buong kabuhayan, at dahil sa pagsasapamilihan ng Tsina, lubos na masigla ang buong kabuhayan. Walang humpay na palalawakin ng globalisasyon ang espasyo para sa kabuhayang Tsino. Kaya, ang darating na 5 taon ay isang mahalagang panahon ng pagkakataon para sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino. "
Ipinalalagay ni Youssef Al Shoum, first secretary ng embahada ng Syria sa Tsina na sa pamamagitan ng pakikinig sa talumpati ng mga kalahok, mas mabuting nalaman niya ang kalagayan ng pagtakbo ng kabuhayang Tsino at pinakahuling estadistika ng kabuhayan nito. Ito ay makatulong sa mga taong dayuhan. Ipinalalagay niyang kinakailangan ang pagpapalakas ng organo ng industriya na gaya ng isinasagawa ng Tsina. Sinabi niyang:
"Ang tema ng pulong na ito ay "sustenableng pagbabahaginan ng yaman sa Asiya", at ipinalalgay kong napakahalaga ng temang ito. Nitong mga 30 taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at mayroon napakataas na rate ng paglaki ng kabuhayan. Ngunit, sa palagay ko, dapat isagawa ng Tsina ang pagpapalakas ng industriyalisasyon, pataasin ang episiyensiya ng paggamit ng enerhiya, bawasan ang pagbuga ng carbon, pangalagaan ang kapaligiran para maiwasan ang pagkakatapon ng maraming yaman alang-alang sa mga darating na henerasyon. Naniniwala akong, magagawa ito nang lubos ng mga mamamayang Tsino dahil sa kanilang wisdom. "
Sa katotohanan, buong lakas na pinapaunlad ng Tsina ang mga green industry na tulad ng industriya ng pagtitipid sa enerhiya, bagong materyal, bagong enerhiya at iba pa. Nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na dinaragdagan ang pamumuhunang dayuhan sa naturang mga larangan. Noong 2004, dito sa Beijing, binuksan ni Monica D'Alfonso, isang babae mula sa Italy ang isang kompaniya ng konsultasyon sa pangangalaga sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng pulong na ito, umaasa siyang masasamantala nila ang mas maraming bagong pagkakataon. Sinabi niyang:
"Walang duda, sa kasalukuyan ang Tsina ay isang pamilihan na may pinakamalaking kakayahang kompetetibo sa buong daigdig. Lumahok ako sa porum na ito dahil maraming mangangalakal dito at umaasa akong malalaman ko ang tunguhin ng pamilihan. "
Para sa mga kalahok mula sa ibayong dagat, ang pakikipagpalitan sa mga mangangalakal na Tsino ay isang mabuting pagkakataon ng pagkuha ng impormasyon hinggil sa kooperasyon. Sa pulong na ito, isinagawa ng embahada ng Sri Lanka sa Tsina ang maringal na pagpopromote ng negosyo, para i-promote sa mga tauhan ng Tsina at ibayong dagat ang iba't ibang pagkakataon ng pamumuhunan sa Sri Lanka.
Ipinalalagay ni He Xiaoou, kinatawan ng ZTE Corporation ng Tsina na sa Sri Lanka, maaaring makisangkot sa maraming proyekto ang mga bahay-kalakal na Tsino. Sinabi niyang:
"Sa ilang larangang tulad ng port, railway, koryente, tele-komunikasyon at iba pa, nakuha na ng Tsina ang mabuting bunga. Ang maraming larangan ng Sri Lanka na bukas sa labas ay angkop para sa Tsina. ang Sri Lanka ay isang magandang isla, ang turismong industriya ay maaaring umakit ng maraming turistang dayuhan, ito ay isang mahalagang bansa ng suplay ng jewlery sa Timog Silangang Asiya. Sa larangang ito, marami ring makikitang pagkakataon para sa kooperasyon. "
At ipinalalagay ni Sardar Aminullah Khan, sugong pangkabuhayan ng embahada ng Pakistan sa Tsina na ang mga bansang Asiyano ay nakaranas ng pagsubok ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, sa kasalukuyan, mabilis ang pag-unlad ng maraming bansa. Sinabi niyang lalo pang palalimin ang kooperasyon ng Pakistan at Tsina sa larangan ng konstruksyon ng imprastruktura, sa larangan ng enerhiya, mayroon maraming bagong pagkakataon. Makikinabang ang maraming bansang Asiyano na kinabibilangan ng Pakistan mula sa paglaki ng kabuhayang Tsino, at maisakatuparan ang win-win situation. Para sa rehiyong Asiyano, ang kooperasyon ay isang kinakailangang paraan ng pagbabahagi ng kasaganaan. Sinabi niyang:
"Para sa mga bansang Asiyano, noong nakaraan, ang Timog Korea, Tsina at ibang bansa ay bagong pamilihan na may nakatagong lakas. Sa kasalukuyan, mabilis ang pag-unlad ng Biyetnam at Laos. Ipinalalagay kong pinapaunlad ang bagong pamilihan sa rehiyong Timog Silangang Asiya na tulad ng Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh at iba pa. Umaasa akong sa ilalim ng pagpapasulong ng Tsina, mapapalakas ng mga rehiyon sa Timog Silangang Asiya na may nakatagong lakas ang pagpapalitan at maisasakatuparan ang win-win situation."
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |