Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Christmas Special

(GMT+08:00) 2011-01-11 19:20:26       CRI
Wow Wow Wow, maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! Taos-pusong ipinapaabot ni Sissi, inyong happiest DJ, ang lubos at malugod na pagpapasalamat sa inyong lahat, mahal naming mga kaibigan at tagasubaybay. Sa kabila ng lahat ng pagsubok at pangyayari nitong taon, nariyan kayo na nakikinig at sumusubaybay sa ating Pop China, Dahil sa inyong walang-sawang pagtataguyod, naging makabuluhan ang aming pagbibigay serbisyo. Nawa, ngayong panahon ng Kapaskuhan ay maramdaman ninyo, sampu ng inyong mga kapamilya at kaibigan ang tunay na diwa ng kapanganakan ng Panginoong Hesukristo.

Nakasali na ba kayo sa Christmas and New Year activity ng Pop China na "Sino ang hottest singer na Tsino sa inyong puso". Pagkaraan ng isang buwang balloting, malinaw na ang limang pinakapopular na singer na Tsino sa mga pusong Pinoy. Maraming maraming salamat sa lahat ng takapakinig na lumahok sa aming aktibidad sa pamamagitan ng pagboto sa aming website: filipino.cri.cn at pagteteks sa 09212572397. Sumapit na rin tayo, finally, sa pinaka-exciting moment-- ngayong gabi, iri-reveal natin ang limang pinakapopular na singer na Tsino pati ang pangalan ng mga pinakamasusuwerteng kalahok.

Red carpet? Ready!Spotlights? Ready! Palakpakan? Ready? Big Stars? Pasok!

Ang ika-5 pinakapopular na Chinese singer sa mga pusong pinoy ay…

Pakinggan ang mga kanta ng bandang Nanquanmama, mararamdaman ninyo na parang bumabalik kayo sa iskul. Can't help waiting for classes to end. Medyo kinakabahan to see a lovely girl at kasabay ng sunset, ride home in breeze.

Tingnan, ang unang bisitang lumakad sa red carpet ay ang bandang Nanquanmama. Natalo nila si Jay Chow, Ariel Lin at iba pang big stars at naging ika-5 pinakapopular na Chinese singer sa mga pusong pinoy. Guwapo ang mga lalaki at ayon sa aking kaalaman, single pa sila, mga babae, come on!lead them home~

Ang ika-4 na pinakapopular na Chinese singer sa mga pusong pinoy ay…

Sa kanyang halos 25 taong career bilang isang singer, nakakanta at nakagawa si Emil Chau ng maraming classical songs. Masasabing kinalakihan ng generation 1980s na generation ang kanta niya. Kaya pala, tuwing magdaraos si Emil Chau ng concert, nagiging chorus ang buong stadium at makikitang karga-karga ng mga music fans ang kanilang baby at habang kumakanta si Emil, kumakaway-kaway din ang mga baby.

Ngayon, pumasok na si Emile Chau kasama ng kanyang asawa, isang babaeng Amerikano. Napakaguwapo ng kanyang anak na lalaki, mixed blood, Hey, iyun babae, hoy hoy hoy, walang tulakan!

Ang ika-3 pinakapopular na Chinese singer sa mga pusong pinoy ay…

Kahit bising-busy Si Jacky Chan, pinipilit pa rin niyang kumanta. Tuwing nagko-concert si Emil Chow at iba pang close friend niya, bilang guest singer, talagang bigay-todo siyang kumakanta hangga't gusto niya.

Sa susunod, irereveal ni Sissi ang mga lucky winners sa Christmas and New Year activity ng Pop China na "Sino ang hottest singer na Tsino sa inyong puso". Excited ba kayo? Narito sila!

Una, limang masuwerteng kalahok o third prize. Matatanggap nila ang MP3 o Radio Set. Sila ay…Congratulations~ paki-iwan ng inyong address sa aming website:Filipino.cri.cn o magtek sa 09212572397.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>