Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China New Year Special

(GMT+08:00) 2011-01-11 19:21:45       CRI

Magandang magandang gabi po, mga lovely at kind-hearted Filipino. Pahabol na "Manigong Bagong Taon!" Ano ang inyong New Year resolution at sino ang inyong lucky person? Kung wala, take sissi as your lucky person at sana lagi akong makapaghatid ng magandang suwerte sa inyong lahat sa taong 2011.

Bagama't sumapit na ang taong 2011, parang nauulinigan pa ang kampana ng Misa de Gallo at nalalasahan pa ang linamnam ng pinag-Noche Buwenahan. Noong silent night, may konting salu-salo kami ng mga kaibigan ko sa restaurant. Pagkatapos, naglakad-lakad kami sa shopping mall. Alam niyo, maraming maraming tao sa kalye. Mga bandang alas-diyes ng gabi, nagkaroon ng grabeng traffic jam sa major thoroughfares at sa tindahan, parang walang bayad ang mga paninda, lalong lalo na doon sa mga gift shop. Halos said na said ang shelves. At noong Araw ng Pasko, nag-BBQ kami ng friends ko, magkakasamang sinalubong ang pagdating ng pasko sa lasa ng inihaw na manok, bacon at iba pa…pinalis ang watering mouth. Simulan natin ang music time.

Ngayong gabi, a little bit special. Magde-dedicate si Sissi ng ilang kanta para sa nagdaang Pasko at sa Ney Year's Day. Once upon a time, na-touch ng mga ito ang aking puso at sa totoo lang, I was moved. Ito ang first time na naranasan ko ang tunay na kulay ng Pasko.

Ang unang kantang nagparamdam sa akin na papalapit na ang Pasko ay iyong hymn na narinig ko sa South Cathedral ng Beijing habang ikinokober ang lantern lighting ceremony. Hindi ko alam ang title ng kanta at wala akong belief pero I can't help singing with the choir with the help of the lyrics na naka-display sa TV screen ng simbahan.

Pamilyar ang kantang ito, di ba? Noong December 19th, naghandog ang Philippine Embassy ng Christmas Party para sa mga Pilipino dito sa Beijing. Sa party, magkakasamang kumanta ang lahat ng Pinoy ng "Ang Pasko Ay Sumapit". Tunay na naramdaman ang pagmamahalan ng mga Pilipino sa isa't isa at ganundin ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga pamilya at lupang tinubuan. Actually, ito rin ang unang kantang Pilipino na tulad ni Kuya Ramon, laging nagpapa-alaala sa akin ng good old days.

Pagpasok ng Disyembre, naging abala-abala ang lahat ng miyembro ng Serbisyo Filipino sa mga interviews. I don't even have time to catch my breath. Luckily, sumapi sa aming pamilya si Rhio, ating bagong miyembro at isang energetic at mabait na tao. Brazilian Jiu-Jitsu at judo. Hindi ko alam kung sino ang mas malakas, ako, red belt na teakwdo o siya. Kung may pagkakataon, we should learn from each other. Ang kantang "Pasko sa Pinas" ay ini-recommend niya sa akin.

Bago sumapit ang Bagong Taon, nanood ako ng isang performance na nagtatampok sa mga classical chapter ng sikat na opera. Ang naririnig niyo ay chapter ng …na sinulat ni …tamang tama iyan, di ba?

Maaring narinig na ninyo ang Le Nozze di Figaro, Turandot at Madame Butterfly, pero, tiyak na hindi pa ninyo naririnig ang original Chinese Opera na nagkukuwento ng pamumuhay ng mamamayang Tsino. Ang naririnig mo ay isang clip ng ……anong masasabi niyo rito?

Noong isang linggo, last episode ng taong 2010, ini-reveal natin ang limang pinakapopular na singer na Tsino pati ang pangalan ng mga pinaka-masusuwerteng kalahok. Hanggang dito, natanggap ko ang labing walong address ng mga kalahok. Muling ipinapa-alaala ko sa inyo na magpapadala kami souvenir item sa lahat ng kalahok, kaya, agarang iwanan ang inyong address sa aming message board sa Filipino.cri.cn o magteks sa mobile phone ni kuya Ramon 09212572397, lalung lalo na sa mga lucky winners, sina Pom, Henrry L. Umadhay, Brenda Dayrit. Hinihintay ko ang inyong message. Ok, muli, Happy Happy New Year to you all, God Bless at see u next week.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>