|
||||||||
|
||
Magandang magandang gabi at belated na manigong manigong bagong taon at happy happy Three Kings. Ito muli si Sissi, ang inyong happy DJ.
Binuksan na ang bagong pahina ng bagong taon, pero, para sa akin, parang 2010 pa rin. Patuloy na sinasabi ko sa sarili na, sa susunod na taon, pupunta ako sa Palawan, sa Chocolate Hill, at bibisita sa mga kaibigang Pilipino. Sa susunod na taon, sisimulan kong pag-aralan kung papaanong mag-edit ng vedio clip at kung paanong pagandahin ang picture ko kung gagamit ng Photoshop. Hindi nag-materialize ang lahat ng mga ito ngayong taon, pero baka ma-realize din hanggang sa pagtatapos ng lunar New Year—pagkaraan ng pitong araw na bakasyon at after spending up all my December bonus.
Nag-twitter na ba kayo? Eh, Youtube? Hindi ko alam kung kelan nagsimulang maging bahagi ng karaniwang pamumuhay natin ang internet. Dahil sa paglitaw nito, naging maalwan ang pagpapadala ng mga mensahe at pagpapalaganap ng mga impormasyon. Mag-upload ka lang ng isang picture o video clip, presto! Super star ka na! Natatandaan ko pa sina Bryan Boy at Charice Pem pengco at iyong sayaw ng mga bilanggo sa Cebu provincial jail. Ngayong gabi, magpapatugtog ako ng ilang popular na kanta na pinasikat ng mga Chinese internet users.Actually, hindi ko alam bakit naging popular sila. Siguro pagkaraang marinig ang mga awitin, masasagot niyo ang tanong.
Don't be frightened. Ang naririnig niyo ay ang pinakahuli at pinakapopular na kanta ngayon sa mga website na Tsino. Ang pamagat ay "Restless and Uneasy". Mukhang kataka-taka ang boses, di ba? Sa katunayan, walang-kahulugan ang mga lyrics na binubuo ng mga onomatopoeia. Ayon sa singer, kinatha ito ng kanyang asawa, isang lalaking Aleman, habang nakikinig ng Beijing opera.
Patuloy kong ipinapaalala na kung hindi matibay ang inyong dibdib huwag pakinggan ang kantang ito. Hehe, biro lang. Kung matagumpay na nakaligtas kayo pagkaraang makinig ng "Restless and Uneasy", sa susunod, inanyayahan ko kayo na kasiyahan ang isa pang popular na kanta sa mga website na Tsino na "Love Contract". Pagkatapos malalaman ninyo, sometimes, naging popular ang isang kanta hindi dahil masarap ito sa tenga, pero, puwedeng pingasin nito ang inyong mga tenga.
Salamat po sa pananatili ninyo sa tabi ng radyo. Pangako-- hindi mapipinsala ang inyong tenga. Ang pagpasok ng network era ay parang slogan ng Adidas, "Anything is possible!" Kung maganda ang inyong boses, meron kayong music skills at matibay ang inyong determinasyon, puwede ninyong tularan si Vae at parang slogan ng Nike: just do it!. Noong taong 2005, isang freshman sa university of medical science, nagtipon si Vae ng mga music producing software at sinimulang mag-aral ng mga kaalamang musikal sa kanyang sarili. Hanggang sa kasalukuyan, nakapagpalabas na siya ng mahigit 60 kanta sa internet. "The funeral of roses" ang kauna-unahan niyang kanta. hindi tulad ng ibang internet singers, may touch ng isang professional ang kanyang music arrangements at propekto ang sound effects.
Ok, tamang tama ang Vae, tamang tama naman ang "Restless and Uneasy". Dahil sa kanila, naging makukulay ang aming pamumuhay sa network era at naging kawili-wili ang pagsusurf sa internet. Isang bagay na gusto ko ipinapaalala sayo: huwag umupo nang araw at gabi, madalas na tumayo at lumakad, nagpapahinga, OK?
Tuwang tuwa na natanggap ang address ng mga lucky winners at kalahok sa aming Christmas at New Year Activity ng Pop China-Sino ang hottest na singer na Tsino sa inyong puso. Ipinadala ko na ang mga aginaldo at souvior item noong Huwebes at dapat dumating sa Philippines ang mga ito mga Biyernes sa kasalukuyang linggo, kaya, pls check you mailbox now and then. Natatandaan ko ang goodness ng bawat kaibigan at sana masaya at malusog kayong lahat bawat sandali, bawat minuto. OK, hanggang dito, nagtatagpos ang aming progrema ngayong gabi, go to bed early at sweet dream!~
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |