|
||||||||
|
||
Noong ika-14 ng buwang ito, sa kauna-unahang pagkakataon, nag-issue sa Hong Kong ang World Bank ng 2 years term bond na nagkakahalaga ng halos 76 na milyong dolyares. Ito'y nagpapakita ng kompiyansa ng WB sa katatagan ng halaga ng RMB at prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa hinaharap. Sa ilalim ng kalagayan ng pagiging internasyonal ng RMB, ang aksyong ito ay makakatulong din para makuha ng RMB ang pagkilala ng higit pang maraming bansa.
Anang pahayag ng World Bank, ang kapasiyahang ito ay palatandaan ng malaking interes ng WB sa pagkatig sa paggagalugad RMB market at dahil sa imaheng pandaigdig ng WB, ito ay makakatulong para matawag ang pansin sa pamilihang ito ng mga mamumuhunang dayuhan na hindi pa namuhunan sa RMB noong dati. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Ding Zhijie, puno ng Banking and Finance School ng University of International Business and Economics ng Tsina, na
"Ang aksyong ito ng WB ay nagmula, pangunahing na, sa katatagan ng halaga ng RMB. Dahil matibay ang RMB sa pandaigdig na pamilihan ng foreign exchange at malaki ang nakatagong lakas nito, ito'y nagpapasigla sa pangangailangan ng iba't ibang bansa sa RMB."
Bukod dito, ipinalalagay ng mga media ng daigdig na ang aksyong ito ng WB ay sumasalamin ng lumalaki nang lumalaking pangangailangan ng mga namumuhunan sa mga produktong pinansiyal ng RMB. Halimbawa, sa kasalukuyan, kahit hindi malaki ang RMB bond market ng Hong Kong, mabilis ang paglaki ng pamilihang ito. Noong 2010, nag-issue sa Hong Kong ang pamahalaang Tsino, Asian Development Bank at mga transnasyonal na enterprise ng RMB bond.
Hanggang noong katapusan ng Nobyembre ng 2010, ang balance ng deposito ng RMB ng Hong Kong ay umabot sa 291.7 bilyon at ang Hong Kong ay naging pangunahing purok kung saan nagsasagawa ng serbisyo ng pagkukuwenta ng RMB sa transnasyonal na kalakalan. Kaugnay nito, sinabi ni Ding na ang pagpili ng WB sa pag-issue ng RMB bond sa Hong Kong ay nagdulot ng mahalagang epekto sa proseso ng pagiging internasyonal ng RMB at pagpapalawak ng serbisyo ng RMB ng Hong Kong. Sinabi niya na
"Unang una, ang aksyong ito ay nagpapasulong ng offshore forward market ng RMB ng Hong Kong. Ikalawa, para mapasulong ang kabuhayan ng naturang mga umuunlad na bansa, tungkulin ng WB na nagkaloob ng pautang sa mga bansang naturan. Kasunod ng pangangalap ng WB ng pondo ng RMB at paggamit ng pondong ito bilang pautang sa mga umuunlad na bansa, ito'y makakatulong sa unti-unting pagtaas ng pagkilala ng ibang mga bansa sa RMB."
Nitong nakalipas na 2 taon, walang humpay na bumibilis ang proseso ng pagiging internasyonal ng RMB. halimbawa, noong Disyembreng taong 2010, napahintulutan ang pagsasagawa ng transaksyon ng RMB ng Tsina at Ruble ng Rusya sa pamilihang Ruso at ito ang kauna-unahang direktang transaksyon ng RMB sa labas ng Tsina. Ang mga purok kung saan maaaring magsagawa ng pagkukuwenta ng RMB sa labas ng Tsina ay sumasaklaw sa lahat ng mga bansa at rehiyon ng daigdig. Noong ika-13 ng buwang ito, isinapubliko ng bangko sentral ng Tsina ang dokumento na nagsasabing maaaring direktang maisagawa ang pamumuhunan sa RMB sa labas ng Tsina. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Ding na ang aksyong ito ng WB ay nagpapakita rin ng kompiyansa nito sa prospek ng kabuhayang Tsino. Sinabi niya na
"Sa tingin ko, dapat may kaugnayan sa pagitan ng aksyong ito ang WB at mahalagang katayuan ng Tsina sa daigdig. Sa katotohanan, ang aksyong ito ay isang uri ng patunay para sa RMB at kabuhayang Tsino. Wala itong direktang kaugnayan sa paglaki ng RMB exchange rate."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |