|
||||||||
|
||
Sa taunang sentral na pulong sa gawaing pangkabuhayan ng Partido Komunista ng Tsina o CPC na idinaos noong Disyembre ng taong 2010, itinakda ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan ng bansa sa taong 2011. Maliwanag na iniharap ng pulong na ito na dapat baguhin ang paraan ng paglaki ng kabuhayan, pabilisin ang pagsasaasyos sa estrukturang pangkabuhayan, ibayo pang palawakin ang pangangailangang panloob, lalo na ang pangangailangan ng konsumo ng mga mamamayan at lubos na pahalagahan ang pangangalaga at pagbababuti sa pamumuhay ng mga mamamayan na kinabibilangan ng hanap-buhay, kita at bahay.
Kaugnay nito, malawak na ipinalalagay ng mga dalubhasang Tsino na ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino ay magiging isa sa mga pangunahing target ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina sa susunod na yugto. Ipinalalagay ni Chen Fengying, isang ekonomistang Tsino, na kung mapapasulong ang paglaki ng konsumo ng mga mamamayang Tsino, dapat pataasin ang kita nila at pabutihin ang social security system. Sinabi niya na
"Ang pagpapasigla sa konsumo ng mga mamamayang Tsino ay susi ng pagpapasulong ng pangangailangang panloob, kaya iniharap ng pulong na ito na gawing bagong puwersa sa pagpapalaki ng kabuhayan ang pagpapasigla ng konsumo. Bukod dito, iniharap din ng pulong na ito ang mga proaktibong patakarang pangkabuhayan para maigarantiya ang pamumuhay ng mga mamamayan. At saka ang mga ito ay nakapagsusulong din ng mga bagong pamumuhunan at konsumo."
Binigyang-diin ng mga dokumento na isinapubliko sa pulong na ito na dapat paayusin at pabutihin ang estruktura ng pangangailangan, palakasin ang kakayahan ng mga mamamayan sa konsumo at pataasin ang antas ng industriya ng serbisyo. Bukod dito, dapat pabutihin din ang konstruksyon ng mga larangan na ukol sa pamumuhay ng mga mamamayan na gaya ng edukasyon, kalusugan, bahay, hanap-buhay at social security.
Nitong 5 taong nakalipas, natamo ang kapansin-pansin na bunga ng Tsina sa naturang mga larangan, pero ang mga bungang ito ay hindi pa aabot sa kahilingan ng mga mamamayang Tsino, higit na ang masyadong mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bahay ay nagdulot ng mga kahirapan sa pagbili ng mga bahay ng karaniwang tao. Kaugnay nito, binigyang-diin ng pulong na dapat pabilisin ang konstruksyon ng public housing aiming habitation system. Bago ang pulong na ito, isiniwalat ng may kinalamang departamento ng Tsina na namamahala sa konstruksyon ng bahay na sa taong 2011, maitatayo ang 10 milyong bahay sa buong bansa para sa mga mamamayang maliit at katamtaman ang kita at ito ay lumampas sa inaasahan ng lipunan. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Chen na ito ay makakatulong sa pagpapahupa ng pagkabahala ng mga mamamayang Tsino sa pagbili ng bahay. Sinabi niya na
"Optimistiko ako sa Public Housing Aiming Habitation Policy at ito ay gaganap ng posibitong papel sa pagpigil ng pagtaas ng presyo ng mga bahay sa hinaharap. Sa palagay ko, dapat gumanap ang pamahalaan ng papel sa pagpigil ng ispekulasyon sa transaksiyon ng bahay, paggarantiya ng konstruksyon ng mga affordable house at low-rent house at iba pa."
Noong 2010, lumaki ang presyur ng implasyon na kinakaharap ng Tsina at saka mabilis na tumaas ang presyo ng mga paninda noong katapusan ng taong 2010. Kaugnay nito, itinakda ng Tsina ang proaktibong patakarang pinansyal at nagtatag ng patakaran ng pananalapi na isasagawa sa taong 2011. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Tan Yaling, puno ng Foreign Exchange Investment Research Institute ng Tsina, na ang matatag na patakaran ng pananalapi ay makakatulong sa pagpapatatag ng presyo ng mga paninda. Sinabi niya na
"Ang patakarang ito ay nangangahulugan ng pagbabawas ng bolyum ng suplay ng mga salapi sa pamilihan. Dahil ang pagtaas ng presyo ng mga paninda na gaya ng karne at prutas ay hindi ibinunga ng paglaki ng pangangailangan, ibinunga ito ng paglaki ng ispekulasyon at pamumuhunan. Kapag makabalik sa karaniwang lebel ang pagsuplay ng kredito at salapi, makakabuti ito sa normal na lebel ng presyo."
Bukod dito, sina ni Jia Kang, ekonomista mula sa Ministri ng Pananalapi ng Tsina na ang prokatibong patakarang pinansyal ay, panguanhin na, magpapasigla sa konsumo ng mga mamamayan at pamumuhunan sa mga larangan na may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan para maisakatuparan ang mas balenseng paglaki ng kabuhayan ng bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |