|
||||||||
|
||
Nang ilabas ng pamahalaang sentral ng Tsina ang ika-11 panlimahang taong plano (mula taong 2006 hanggang taong 2010), buong sikap na kinatigan nito ang gawaing pangangalaga sa mga intangible cultural heritage ng Tibet at sa ilalim ng prinspyo na pagbibigay-priyoridad sa pangangalaga, makatwirang paggamit, pagpapatuloy at pagpapalaki, binuo ang sistematikong listahan ng mga intangible cultural heritage, tinulungan at hinubog ang mga tagapagmana nito at mabisang napangalagaan ang mga mahalagang intangible cultural heritage.
Ang pansibilyang grupo ng Tibetan Opera ng nayong Niangre ay isa sa mga pinakapopular na grupo ng mga mamamayan ng Lhasa at sa mga purok sa paligid nito. Kahit ang lahat ng mga aktor ng grupong ito ay mga magsasakang lokal, ang kanilang magagandang pagkanta at pagsasayaw ay nagpapakita ng kanilang mahuhusay na palabas sa Tibetan Opera. Sinabi ni Luo Sang Ci Ren, namamahalang tauhan ng grupong ito, na
"Sa kasalukuyan, kaya naming ipalabas ang 5 programa sa 8 tradisyonal na malaking Tibetan Opera, at nagsisikap kami para maipalabas din ang 3 pang natitirang programa."
Ang Tibetan Opera ay itinuturing na living fossils ng kulturang Tibetano. Nitong ilang taong nakalipas, inilaan ng pamahalaan ng Tibet at Tsina ang mahigit 10 milyong yuan RMB para mapalaganap ang sining ng Tibetan Opera, pag-aralan, mapalaganap at ipagpatuloy ito. Kasabay nito, inilathala ang mga libro at video hinggil dito. Dahil umahon ang tunguhin ng pagpapatuloy ng Tibetan Opera at inilakip ito sa Representative List of the Intangible Cultural Heritage of Humanity ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO, muling bumangon ang sinaunang Tibetan Opera. Sinabi ni Dan Zeng Ci Ren, mananaliksik ng Institute of Tibetan Art, na
"Noong unang panahon, ikinababahala naming hindi maipagpatuloy ang Tibetan Opera, dahil ito'y komprehensibong sining na kinabibilangan ng pagkanta, pagsasayaw at action, kaya mahirap itong matutuhan. Pero, sa ilalim ng pagbibigay-tulong ng pamahalaan, aktibong nag-aaral nito ang mga mamamayang local. Halimbawa, sa bayan Duilongdeqing lamang, may 9 na grupo ng Tibetan Opera at ang bilang nito sa rehiyong awtonomo ng Tibet ay lumapas na sa 200. Mabilis na umuunlad ito."
Sapul nang isagawa ng konseho ng estado ng Tsina ang proyekto ng pangangalaga sa intangible cultural heritage noong 2005, mabisang napangalagaan ang mga mahalagang intangible cultural heritage. Hanggang sa kasalukuyan, komprehensibong isinasagawa ang proyekto ng pangangalaga sa mga intangible cultural heritage ng Tibet. Kaugnay nito, sinabi ni Ren Shuqiong, opisiyal ng kawanihan ng kultura ng rehiyong awtonomo ng Tibet, na
"Sa termino ng ika-12 panlimahang taong plano (mula taong 2011 hanggang 2016), bukod sa ibayo pang mapapalakas ang pangangalaga sa mga intangible cultural heritage, puspusan naming lilikhain ang bantog na tatak na pangkultura para mailagay ang Tibet sa sentro ng pangangalaga sa kulturang Tibetano sa lalong madaling panahon."
Bilang isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, ang maningning na kulturang Tibetano ay nasa mahalagang katayuan sa kultura ng Nasyong Tsino. Pinaniniwalaang sa ilalim ng pagkatig ng sentral na pamahalaan at magkakasamang pagsisikap ng iba't ibang sirkulo ng Tibet, magiging mas maningning ang kulturang Tibetano sa hinaharap.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |